“BITIWAN mo ang anak ko, parang awa mo na. Kung gusto mo, ako na lang ang patayin mo! Huwag ang anak ko!” pagmamakaawa ni Froilan kay Emmanuel ngunit hindi pa rin nito binitiwan si Lorenz. “Hayaan niyo akong makaalis at ihanda niyo ang dalawampung milyon kapalit ng anak mo!” “Twenty million? Napakalaki ng hinihingi mo!” naluluhang sigaw ni Lorrene. “Parang awa mo na, akin na ang anak ko. Siya na lang ang dahilan ko kung bakit nabubuhay pa ako! Siya na lang ang mayroon ako. Maawa ka sa anak ko, huwag mo siyang saktan.” Napahagulgol ng iyak si Lorrene. Labis ang takot niya na ba ka masaktan nito si Lorenz. Nakita siya ni Lorenz na umiyak kaya pati ito ay napaiyak na rin. “Mama, huwag na po kayong umiyak. Tito, pakawalan niyo na po ako, please. Umiiyak na po ang mama ko, pupunasan ko lan

