NAPAGPASIYAHAN ni Lorrene na pumunta sa kulungan para dalawin ang kidnapper ng kaniyang anak. May gusto siyang itanong. Gusto niyang malaman kung sino ang nag-utos dito na gawin ang bagay na iyon. Malakas ang kutob niya na si Bianca ang may pakana ng lahat. Nagdala na rin siya ng prutas kay Emmanuel at ngayon ay tahimik siyang naghihintay sa visitor’s area. Maya-maya lang ay lumapit na sa kaniya ang lalaking hinihintay niya. “Emmanuel, right? Magandang araw sa ʼyo,” bati na Lorrene sa lalaki. “Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit ka nandito?” “Kapalit ng kalayaan mo, sabihin mo sa akin ang totoo. Sino ang nag-utos sa iyo na kidnap-in ang anak ko?” Naguguluhang tintigan lamang siya ni Emmanuel. “Sigurado kang papalayain mo ako? Baka gusto mo lang akong isahan? Mahirap akong kalaban, Lorr

