Naunang dumating si Lorrene sa opisina kaya laking gulat ni Froilan nang makita siyang prenteng nakaupo sa sofa. “Lorrene, ano’ng ginagawa mo rito? Ang aga mo yata?” gulat na sambit ni Froilan. “Nasorpresa ba kita, Froilan? Umupo ka, may ipaparinig ako sa ʼyo.” Isinenyas niya ang upuan na nasa harap. “Ganiyan ka na ba talaga ka-tanga? Kung hindi lang ako naawa sa ʼyo, hindi na kita pakikialaman pa pero araw ko naman na habangbuhay kang magmukhang tanga. Ang bilis mong maniwala sa mga kasinungalingan ni Bianca, Froilan.” “Ano’ng ibig mong sabihin? Ano’ng nalalaman mo tungkol kay Bianca?” Kinuha ni Lorrene ang kaniyang cellphone mula sa kaniyang bag at saka iyon binigay kay Froilan. Pinarinig niya ang lahat ng pinag-usapan nila ni Emmanuel sa kulungan kahapon. Naka-record ang lahat para

