“Wala akong kasalanan! Hindi totoo ang lahat ng binibintang mo sa akin!” muling sigaw ni Bianca. Hinablot nito mula sa kamay ni Froilan ang susi ng kotse saka tumakbo palabas ng gusali. Mabilis naman itong hinabol ng mga pulis at pati si Lorrene ay sumunod sa kanila dahil gusto niyang masiguro na mahuhuli si Bianca. Pinigilan siya ni Froilan sa kamay, ayaw nitong mapahamak ang asawa ngunit nagmatigas pa rin si Lorrene. “Lorrene, huwag ka nang sumunod, please. Baka mapahamak ka pa. Ang mga pulis na ang bahala kay Bianca.” “Froilan, huwag mo akong pigilan. Kailangan kong masiguro na mahuhuli nila ang kriminal na ʼyon! Hindi niya puwedeng takasan ang mga kasalanan niya sa akin!” Kumaripas nan g takbo palabas si Lorrene at dali-daling sumakay sa kotse. Samantala, halos paliparin ni Bianc
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


