“NASAAN ka na, Lorrene? Bakit ka umalis nang walang paalam? Miss na miss na kita. Asawa ko, saan kita puwedeng matagpuan? Kailangan ko kayo ng anak ko. Walang oras na hindi kita iniisip, ikaw lang ang gusto kong makasama, Lorrene. Bumalik na kayo ng anak ko, ikaw lang ang ina ng mga anak ko. Iyong sa amin ni Bianca, pagkakamali lang naman ʼyon, eh. Bakit hindi mo naintindihan? Bakit mo ako iniwan? Hindi mo man lang nakita si Nanay Divine. Siguro nga ayaw mo na talaga sa akin. Ang sakit na hindi mo man lang ako hinayaang makita ang anak natin. “Lorrene, sobrang unfair mo naman yata. Wala akong ibang ginawa kung ʼdi ang mahalin ka, ang pahalagahan ka. Pero sa isang pagkakamali ko lang, sumuko ka na? Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo hinayaang magkahiwalay tayo? Dalawang buwan na ang lumipas

