Before dinner ay dumating si Russel. He's with someone, Mikhail Chua ang pangalan. Pinsan din daw ng mga Ho. Hindi lang daw nila nakakasama ang pinsan nila dahil palagi itong nasa probinsiya. Kaya nasa Maynila daw ang isang ito tulad sa magpipinsang Ho, ito daw ang susunod na mamamahala ng negosyo ng pamilya. Ang kaibahan lang ay hindi ito nakatira sa mismong bahay nila, kungdi sa isang condo unit. Gusto daw maging independent, buti nalang daw ay pinagbigyan daw ito ng magulang. As expected, ang laki nang ipinagbago ni Russel. Binatang binata na siya. He's already twenty years old. Sinong mag-aakala na mas guguwapo pa siya? Bigla ko tuloy naalala sa kaniya si Keiran ten years ago. Nagkwentuhan kami ng kaunti. Kinamusta ko din sa kaniya si Tita Miranda. Okay naman daw si Tita. May sarili

