Yakap-yakap ako ng aking kliyente habang patuloy ang pag-agos ng kaniyang luha. Abot-langit ang kaniyang pasasalamat dahil not guilty siya. Sobrang unfair para sa kaniya na siya na nga ang biktima ng r**e, inakusahan pa siya na siya ang pumatay sa taong gumahasa sa kaniya. Niyakap din ako ng tiyahin ng aking kliyente sa sobrang saya dahil naipanalo ko ang kasong ito. Pagkalabas ko ng court room ay sinalubong ako nang nakangiting si Keiran. Hindi ko rin mapigilang mapangiti sa kaniya pabalik. Humakbang ako palapit sa kaniya. "Kanina ka pa ba?" He nodded. "Yeah, and I watched you. I'm so proud of you, baby." Then he smiled. "Nakita mo tuloy ako kung paano sumimangot habang iniisahan ako ng prosecutor." Natatawang sabi ko. He chuckled. "Yeah, ni hindi ko pa nakikita iyon kahit araw-araw

