Sa loob ng sampung taon, ngayon lang ulit ako nakatapak sa bahay na ito. It's sad when something who gave you the best memory, becomes a memory. Maraming alaala... Ang masasabi ko lang, malaki ang naging parte ng bahay na ito sa relasyon namin ni Keiran, noon. Dito ko siya unang nakita, nakausap... Parang naging saksi ang bahay na ito sa relasyon naming dalawa. Pero naging saksi din ito kung papaano ako nasaktan. "Where's tita Miranda? Russel? Si Manang?" Tanong ko sa kaniya nang tuluyan na kaming nakapasok sa bahay. "Lumipat na sila ng Manila. Sadyang nagpaiwan nalang ako dito sa Cavite." He answered. Sayang naman. Hindi ko na sila nakausap pa. Ang huling pagkikita lang namin ay ang pagpunta ni Chairman dito at sinabi sa akin na layuan ko na si Keiran. Sana makakausap ko ulit sila. "Y

