Hindi ako makatulog ng ayos. Ni hindi nga ako binisita ng antok. Alam ninyo 'yung feeling na gusto na magpahinga ng katawan mo pero 'yung diwa mo, gising na gising pa rin? Iyan ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. Ano bang mayroon si Keiran at ganito ang epekto niya sa akin? Hindi naman ako ganito noon. Tama siya, nagiging madaya na siya. Hindi man lang niya iniisip na seryoso ako sa trabaho ko. Pilit kong maging propesyonal sa harap niya pero anong ginawa niya? Ang kapalit ng pagbigay niya ng lupa sa mga magsasaka ay ako. Ano bang gusto niyang palabasin? Na madali nalang akong makuha? Na basta-basta nalang ako? No. Hindi pwede! "Oh, uminom ka muna. Masyado ka namang seryoso. Naku, sinasabi ko sa iyo, magkakasigns of aging ka." Sabi ni Elene nang ipinatong niya ang macchiato sa harap ko

