Itinigil ko ang sasakyan sa mismong Parking Lot. Pinatay ko ang makina at ibinaba ang visor para magsalamin. Retouch lang ng kaunti. Nakakatawa lang isipin na isang tulad ko noon na hindi mahilig sa magmake-up ay mahuhumaling sa mga ganitong bagay. Kung sabagay, kailangan ko din ito para maging presentable sa harap ng kliyente. Muling tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyon kinuha mula sa loob ng aking shoulder bag. Sinilip ko kung sino ang tumatawag. Si Elene parin. Naiiling ako saka sinagot ko ang tawag. "Don't worry, nandito na ako sa Parking. Huwag kang atat." Natatawang bungad ko sa kaniya sa pamamagitan ng tawag. Rinig ko din ang pagtawa ni Elene sa kabilang linya, "Ang akala ko kasi iindyanin mo kami. Dalian mo, be. Excited ka na din makita nito ni Fae." "Yeah, yeah. Papunta na ak

