Luke'sPOV Huminga ako ng malalim nang makalabas ako ng barn. Naiinis ako sa topic nila! Sino ba naman ang hindi? Pinag-uusapan nila ang lalaking pinagseselosan ko! Fvck! Kinalma ko ang aking sarili at inilabas ang cellphone sa bulsa. Pumunta ako sa camera at inanggulo ito sa tamang postora paharap sa abakahan. Kasama sa report na ipapadala ni Athalia ay ang litrato ng abakahan. Pagkatapos kong makakuha ng tatlong litrato, ibinulsa ko na ang cellphone. Saktong palabas ng abakahan sina Lando, Ramon at Tiyo William. "Ayos na ang abakahan. Siguradong pwedeng pwede na itong anihin sa susunod na linggo," ani Tiyo William sa mga kasama. "Tiyo William!" tawag ko sa kaniya. Bumaling sa direksyon ko si Tiyo William na agad na lumapit nang mamukhaan ako. "Bakit nandito ka iho? Baka mangati ka,"

