Charles's Effort

2312 Words

Athalia's POV Binabagtas namin ni Charles ang daan patungo sa bayan. Hindi ko maiwasang isipin si Luke. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Kitang-kita ko kanina sa kaniyang mga mata ang sakit at selos dahil magkasama kami ngayon ni Charles. Pero bakit? Hindi ba dapat maging masaya siya para sa'kin? Pero bakit parang kabaligtaran iyon? Iba kasi ang ipinaparamdam niya kapag kasama ko siya. Nahinto ako sa pagmumuni-muni ng biglang huminto ang sasakyan sa may gilid ng daan. Tiningnan ko si Charles na nakatitig sakin. "Bakit ka huminto?" tanong ko sa kaniya. Huminga siya ng malalim habang titig na titig sa'kin. "Kanina pa kita tinatawag, Ath. Subalit hindi ka sumasagot. May problema ba?" tanong niya. Naramdaman ko sa kaniyang boses ang sakit dahil sa paglalayag ng aking isipan. Maging ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD