Luke'sPOV "LUKE!" Nanghihinang napatingin ako sa pintuan ng kwarto kung saan naroon si Athalia at nakatayo. Dali-dali niya akong nilapitan sa kama kung saan ako nakaupo. Biglang nawala ang kalasingan ko dahil sa presensya niya. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa ko? Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang mukha ko. "Ayos ka lang? Bakit ka ba naglasing?" aniya at tiningnan ang nagkalat na mga basag na gamit na nasa kwarto. Porcelain jar iyon at vases. F*ck! Naramdaman ko ulit ang p*******t ng ulo. Bahagya kong pinisil ang sintido ko dahil sa kirot niyon. "Humiga ka at ako na ang bahala sa'yo," aniya. Sinunod ko siya dahil pakiramdam ko mabubuwal ako dahil sa sakit ng ulo at panghihilo. Nang makahiga sa kama, ipinikit ko ang aking mata para kahit papaano mawala ang p*******t ng ulo

