Athalia'sPOV "May pupuntahan ka ba ngayon?" tanong sa'kin ni Luke. Tiningnan ko siya saka umiling. "Wala naman. Baka mananatili lang ako sa bahay kasi pupunta rito si inay para tulungan si Manang Daisy sa paglilinis. Bakit?" tanong ko. Nag-aagahan kami ngayon. Kaming dalawa lang. Niyaya namin si Manang Daisy na mag-agahan ngunit tumanggi siya. Kakain nalang daw siya pagkatapos namin. "Ahm, pwede ka ba bumalik mamayang hapon? Mga alas-dos basta yung free ka. Maglilibot tayo sa pananinam ng prutas para maging familiar ka sa lugar at makita mo rin ang mga ito at magkaroon ka ng report sa susunod na araw. Kung ayos lang sa'yo. Kung hindi naman, ayos lang din," aniya at para siyang hindi mapakali habang sinasabi niya iyon. Sabagay, wala naman akong gagawin. Maganda nga ang suhestiyon ni

