Dorothy's Pov "Is everything alright?" I asked Macy while checking the set, nakaayos na ang lahat ang mga props, ang damit na gagamitin nina Stan, the lightings and even the female model he's paired with, s'ya na lang ang wala at makapagsisimula na kami. "Maayos na po ang lahat Ms. Belle, 'yong isang female model na kapartner ni Dr. Stan ay nasa dressing room na 'po at inaayusan." Napatingin ako sa orasang nasa 'king pala-pulsuhan. It's 2:15 in the afternoon and the photoshoot is scheduled to start at exactly 2:30. Siguro naman ay professional si Stan at darating s'ya sa tamang oras, besides may 15 minutes pa naman. Hindi ako dapat na maparanoid. "Okay, dito ka na lang muna at ikaw na lang ang sumalubong kay Mr. Montefiore pupuntahan ko muna 'yong female model." I murmured and

