Dorothy's Pov Inhale. Exhale. Ilang beses ko rin atang ginawa 'yon nang makapasok na 'ko sasakyan at pilit na pinakakalma ang sarili ko. What the heck is wrong with him? Kahit na ayokong magalit sa kanya, hindi ko mapigilan dahil napaka-kapal ng pagmumukha n'ya. So full of himself, ito ba talaga 'yong totoo n'yang ugali? I heaved a sigh once more before I started the car's engine and maneuver it from the parking and leave. "Ms. Belle —," " Alam ko, pupunta na lang muna ako kay Sir Felix baka matulungan n'ya ko." Maagap na pagputol ko sa sasabihin ni Macy nang salubungin n'ya ko pagkabalik ko sa building. Dire-diretso akong naglakad papasok ng elevator habang sinusubukang kontakin si Sancho o Erebus pero mga unattended pa rin ang phone nila. Malas. Malas. Malas!

