Dorothy's Pov Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kong iyakan ngayon, ang pagkamatay ni Lola na ibig sabihin ay wala na 'kong iba pang masasandalan kung hindi ang sarili ko na lang mismo o ang katotohanang sa ikalawang pagkakataon naloko na naman ako ni Stan, nagpaloko na naman ako sa kanya. "M-mr. Ycaza." Gulat na tawag ko sa kanya nang makita ko ang pagpasok n'ya mula sa chapel sa kanyang tabi ay ang may bahay n'yang mukhang napilitan lang naman na maparito. "Condolences a—" natigil saglit sa pagsasalita si Papa nang hawakan ng asawa n'ya ang kanyang braso. He stare earnestly at her and smile weakly before he shoved her hands. Tumingin s'ya sa 'kin at ibinuka ang kanyang mga braso. "Nandito na ang Papa, hindi ka na ulit mag-iisa ngayon." He blurted out. May kalakasan an

