Dorothy's Pov "P'wede namang nagleave ka na lang muna, tingnan mo nga 'yang sarili mo ang putla-putla mo." Erebus has been chanting that same words over and over again. "Okay na'to Kat, ito na 'yong set ng mga damit na gagamitin para sa photoshoot." Mahina n'yang hinila ang hibla ng buhok ko para makuha ang atensyon ko mula kay Katcha na isinusulat sa isang ledger ang mga binibilin ko para sa photoshoot namin sa Batanes sa susunod na araw. "Is that all Ms. Belle?" Tumango ako sa kanya at ngumiti. "Erebus, I'm fine mas ayos na marami akong ginagawa kaysa naman nakatunganga lang ako sa condo maalala ko lang lalo ang Lola ko." Bumuntong hininga s'ya bago tuluyang iniabot sa 'kin ang mga files na s'yang pangunahing dahilan kung bakit nasa opisina ko s'ya. "Ay nako, bahala ka na nga ba

