Dorothy's Pov "Hindi ako kumportable na nandito ka." Humarap ako sa kanya at padabog na ibinigay ang unan at kumot na hiningi n'ya. Malakas ang buhos ng ulan sa labas at medyo bumabaha na rin ang kalsada kaya kahit na ayaw kong nandito s'ya sa condo ko'y wala na akong ibang nagawa kundi ang patuluyin na lang s'ya. Baka ako pa ang masisi kapag mayroong mangyaring masama sa kanya. My excuses. Mabilis kong binawi ang mga kamay ko nang mahawakan n'ya 'yon habang kinukuha n'ya ang unan at kumot. Ang laki-laki n'yang taon at hindi ko alam kung paano s'ya magkakasya d'yan sa couch ko na 'yan pero problema n'ya na 'yon. Tumikhim ako para kunin ang atensyon n'ya, tumingin s'ya sa 'kin at ngumiti. "Do you need anything?" He asked. Umiling ako at naglakad na pabalik sa kwarto nang mai

