Dorothy's Pov Mariin akong napapikit at ninamnam ang sariwang hangin ng Santa Catalina, hindi katulad noong huling beses na pumunta ako dito mas kaya ko nang harapin ang lahat ng tao. Kaya ko na ulit alalahanin ang lahat ng memory ko dito ng hindi nasasaktan. Ngumiti ako at napayakap sa bewang ni Stan habang pinaglalaruan nang aking paa ang mga buhangin. "Nakakainis nauna kitang nakilala pero mas nauna pang nagkaroon ng anak si Aeious sa 'kin." Bulong n'ya ngumuso ako't tiningnan ang direksyon ni Aeious na masaya at abalang kinukuhaan ng litrato ang mag-ina n'ya. "Señiorito nand'yan na pa ang Mama at Papa n'yo." Pag-iimporma ng Mayordoma ng bahay sa 'ming dalawa. He tighthly held my hands and slowly squeeze it as we walk inside. "Constantine, hindi ka nagpasabi na ngayon ka pal

