Chapter 7
Ilang araw ang lumipas pero wala parin akong ideya kung nasaan nakalagay ang Crystalline Diamond Stone. Sa mga araw rin na lumipas ay itinuon ko lang ang buong atensyon ko sa paghahanap. Hindi ako pumapasok sa mga klase. Ginagawa ko rin ang lahat upang walang makahalata sa akin. Kapag nalaman nila kung bakit talaga ako nandito siguradong katapusan ko na at ng aking mga kapatid. Hindi nila ako papaalisin sa lugar na ito kung sakali.
Umaga ngayon at sinusuot ko na ang aking blackshoes. Gising na rin si Helena pero mukhang wala siyang balak pumasok. Nakaupo lang siya sa kanyang kama habang nagbabasa ng libro.
"Do you already have a friends?"
Biglang tanong sa akin ni Helena kaya natigilan ako. Napalunok naman ako bago umiling. Ngumisi lang sa akin si Helena na para bang may alam siya.
"Bad for you then"
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi at lumabas nalamang ako ng dorm. Siguro ay wala rin kaibigan si Helena kaya mas pinili niyang magkulong. Tama nga naman siya, she's powerless. Hindi niya magagamit ang tanging kapangyarihan na meron siya dahil nakasealed ito.
Nagpapasalamat naman ako kahit papaano dahil may pangkaraniwang mahika ang dumadaloy sa dugo ko kahit mahina lang iyon. Hindi ako makakapasok dito kung wala akong healing power.
Kung normal lang ang buhay ko, ginawa ko ng kaibigan si Helena para hindi siya laging nag-iisa. Pipilitin ko din siyang pumasok kahit nakaseal ang kanyang kapangyarihan. Alam ko ang pakiramdam ng nag-iisa dahil sa kasamaang palad. Nararanasan ko iyon ngayon.
Hindi ko alam kung papasok pa ba ako o sisimulan ko nalang ulit ang paghahanap. Kailangan kong makausap si Aran kapag hindi pa ako nakakita ng lead kung nasaan ang bato na iyon. May part sa akin na sana ay hindi ko iyon mahanap pero may part sa akin na dapat mahanap ko iyon para sa ikaliligtas ng aking dalawang kapatid.
Nung isang araw ay tinangka kong humingi ng tulong sa headmaster tungkol sa problema ko pero kinain ako ng matinding kaba at pangamba. Kapag ginawa ko iyon baka patayin nila ako at baka mamatay ang kambal sa kamay ni Aran. Hindi ko na tinuloy ang bagay na iyon. Hindi ko kakayanin kapag nagkamali ako sa pagdedesisyon.
"Hi Trix" Nakangiting sabi sa akin ni Macy. Naglalakad na ako papunta sa classroom at bigla nalang siyang sumulpot sa aking tabi. Tinanguan ko lang siya na ikinagulat niya. Hinawakan niya ang noo at leeg ko. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Wala ka naman lagnat. Bakit mo ko pinansin?" Abot tenga ang kanyang ngiti. Inirapan ko siya. Tinanguan ko lang siya pero parang mas higit pa don ang ginawa ko base sa reaction niya.
Sa mga nakalipas na araw ay hindi ko pinapansin si Macy kapag nagkakasalubong ang landas namin. Ang kanyang ngiti ay laging napapalitan ng simangot kapag hindi ko pinapansin ang pagtawag at pagkaway niya sa akin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi siya nagagalit sa akin.
"Trix, you know what. Gustong-gusto na kitang kontrolin pero sa hindi maipaliwanag na dahilan natatakot ako" Seryosong sabi ni Macy habang nakatingin sa nilalakadan namin.
She's a puppet manipulator. Kaya rin niyang kumontrol ng tao kung gugustuhin niya. Nasa section B siya dahil ang kanyang magic ay kayang labanan ng mga nasa section A. Ang utak ng mga taga section A ay hindi madaling mahawakan at makontrol.
"Trix. Malapit na ang Foundation day ng Magical Light Academy. I'm so excited"
Natutuwang pahayag niya. Hindi ko na ulit siya pinansin. Kita ko naman ang pagsimangot ng kanyang mukha.
"Kaso may practical exam pa nga pala. Buti ka pa exempted dahil isa kang healer"
Pumasok na kami sa aming room. Magugulong dinatnan namin ang aming mga kaklase. Si Macey lang ang aking kilala sa mga kaklase ko. Wala na akong balak na kilalanin pa sila.
"Sana naging healer nalang din ako. Manggagamot lang ako" Malungkot na sabi ni Macy.
Nabalitaan ko na dati na ang isang healer ay laging exempted sa practical exam. Sila ang gagamot sa mga estudyanteng nasugatan at napuruhan. Iyon ang magiging exam nila.
Sa lagay ko ngayon. Isang tao lang ang kaya kong magamot dahil baka manghina ako kapag tinodo ko ang aking healing power. Mahirap makabawi ng lakas kapag nangyari iyon.
Dumating ang aming unang guro. Itinuro lang niya ang ilang mga sangkap sa paggawa ng lason at ilang pampatulog. Nasa Poison's lab dapat kami ngayon at gumagawa ng mga lason pero dahil sinunog iyon ni Vyzon ay itinuturo nalang ang proseso at sangkap.
Halos makatulog ako dahil sa sobrang boring. Ang ilan sa mga kaklase ko ay talagang nakatulog na. Hindi naman sila pinapagalitan. Sinubsob ko ang aking mukha sa desk.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko na may yumuyug-yog sa akin kaya napaangat ang aking ulo. Nakakunot-noo lang akong tumingin kay Macy.
"Tatlong oras ka ng tulog. Hindi ka narin bumaba para magsanay. Breaktime na"
Tumayo ako pagkatapos sabihin iyon ni Macy. Nakasunod lang naman siya sa akin. Naglakad ako papunta sa may cafeteria.
Umorder agad ako at humanap ng bakanteng upuan. Umupo si Macy sa harap ko at inilapag ang tray. Nagcross arm siya. Hindi ko iyon pinansin at kumain nalang ako.
"Ang suplada mo masyado Trix. You look like a walking doll. Walang kabuhay-buhay. Baka sabihin nila hawak ko ang katawan mo"
Nagsimula na rin siyang kumain pagkatapos niyang magsalita. Nagkukwento siya ng kung ano-ano pero hindi ko naman pinapakinggan. Hindi ko siya pinigilan mag-kwento dahil busy ako sa pagkain.
Isang malakas na sigaw ang umagaw ng atensyon ko. Napatigil si Macy sa pagkukwento. Napalingon kami sa may gitna ng cafeteria. Kita ko ang pag-irap na ginawa ni Macy.
"She's making a scene again. What a b***h. Attention seeker"
Nanatili ang aking mata sa babaeng may hawak ng burning bow at arrow. Fire user din siya. Hindi ko alam kung gaano siya kalakas.
Umangat ang tingin ko sa taas. May lalaking nasa itaas at pilit na nagpupumiglas pero nananatiling nakalutang siya. Kumunot ang noo ko ng mapansin ko na si Theo ang lalaking iyon. Inilibot ko ang aking paningin at nakita ko si Thea na nangingilid ang mga luha. Magkamukhang-magkamukha sila.
"She's Stacey Collin. A bully and certified attention seeker. She loves Vyzon so much to the point na ginagaya niya ang pagkapasaway ng lalaki para mapansin siya. Pathetic b***h. Akala niya kung sino siya porket fire user siya"
Narinig kong sabi ni Macy. Ramdam ko ang galit niya kay Stacey. Hindi ko alam kung bakit. Agad naman akong napatingin sa babaeng air user na nagpapalutang kay Theo.
Nakita ko ang pag-iyak ni Thea. Hindi ko alam pero agad akong nakaramdam ng awa. Nakikita ko sa kanila ang kapatid kong kambal dahil sobrang magkamukha sila katulad ng aking mga kapatid.
Maging si Theo ay napaluha narin. Para siyang hindi lalaki. Naalala ko si Riri at Rara. Sa kanilang dalawa si Rara ang iyakin at kapag umiyak si Rara napapahikbi na din si Riri pero pinipigilan niya ang umiyak.
"Tsk. Poor Theo. Napag-initan na naman ni Stacey na bruha. Ang kambal na si Theo at Thea ay isang Animal Shape Shifter. Parehas sila ng kapangyarihan. Kung ako kay Theo kanina pa ako nagbago ng anyo bilang malaking ibon at inilipad na agad si Stacey sa ere kaso duwag nga pala si Theo dahil sa kapangyarihan ni Stacey"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa aking isip basta nalang akong tumayo. Nagtaka naman si Macy sa biglaang pagtayo ko.
"Saan ang punta mo?"
Hindi ko pinansin si Macy. Tumayo rin naman siya at sumunod sa akin. Nakita kong tinira ng pana ni Stacey si Theo at natamaan naman sa tuhod si Theo. Lalong naiyak si Thea dahil sa sinapit ng kambal.
Nang makalapit kami sa kinaroroonan nila ay agad kong narinig ang sinabi ni Stacey.
"Sa susunod na tatapunan niyo ko ng drinks niyo siguraduhin niyong hindi madudumihan ang uniform ko"
"H-hindi k-ko naman sinasadya"
Humihikbing sabi ni Theo. Napailing nalang ako dahil para siyang hindi lalaki. Napatingin naman si Thea sa gawi ko at lalo siyang napahagulgol sa iyak hindi ko alam kung bakit.
"Stop it" Walang gana kong sabi. Lumingon sakin si Stacey at ang mga kasamahan niya.
Tinaasan niya ako ng kilay bago hagudin ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Ngumisi siya.
"Want to replace him? Acting like a hero?"
Maarteng sabi ni Stacey. Nakangiti siya sa akin na para bang natutuwa siya dahil nakakita siya ng panibagong laruan.
"No, I said stop. I don't said I want to replace him. I'm sure you're not deaf"
Walang gana kong sabi. Mukha naman siyang nainis sa aking sinabi pero tumawa siya ng nakakaloko. Pati ang kasamahan niya ang nagtawanan rin. Wala naman akong sinabing nakakatawa. What's funny?
"Trix. Let's go"
Bulong sa akin ni Macy na nasa tabi ko parin pala. Akala ko ay umuna na siya sa akin. Umiling ako.
Tuwing napapalingon talaga ako kay Theo at Thea ay mukha ng dalawa kong kapatid na kambal ang naalala ko. Bumibigat ang puso ko sa kaisipan na baka umiiyak din sila ngayon dahil wala ako sa tabi nila.
"Do you wanna die girl?"
Matalim na tingin ang ibinigay sa akin ni Stacey. Mayroon parin siyang hawak na burning bow and arrow.
Bumagsak si Theo kaya natumba ang lamesang binagsakan niya. Agad siyang inalalayan ni Thea at agad silang nakalabas ng cafeteria.
Naramdaman ko naman ang paglutang ko sa ere. Mataas ang kisame ng cafeteria. Lumutang ako hanggang sa maabot ng ulo ko ang kisame. Tumatawa si Stacey na tila ba natutuwa sa nasasaksihan.
"Poor you girl. I'm in the mood to burn someone into ashes"
Isang bumubulusok na pana ang tumama sa aking balikat. Nabutas ang suot kong coat at blouse at kitang-kita ko ang lapnos na balat ko. Sigurado akong 3rd degree burn iyon.
Hindi pa ako nakakabawi ng bigla akong nakaramdam ng sakit sa aking tagiliran. Natamaan rin ng kanyang apoy na pana.
Rinig ko ang sigaw ni Macy kapag may pana na tumatama sa akin. Kahit kailan ay napaka ingay niya.
Hindi ko na mabilang kung ilan na ang tama ng pana sa aking katawan. Kapag natatamaan ako ay nawawala bigla ang apoy na pana. Nadaplisan pa nga ako sa pisnge kaya ramdam ko ang hapdi non.
Bumukas ang double doors ng cafeteria. Pumasok ang humihikab na si Vyzon. Para bang kagigising lang niya.
Napatigil siya ng mapansin na nakatayo ang mga estudyante at magulo ang cafeteria. Lahat ay napalingon kay Vyzon.
Umangat ang tingin sa akin ni Vyzon. Nagtama ang aming paningin kaya inirapan ko lang siya. Tumingin siya kay Stacey at sa hawak nitong apoy na pana.
Walang kagana-gana siyang naglakad papasok. Kinamot niya ang kanyang likod ng ulo kaya lalong nagulo ang magulo niyang buhok.
Humihikab siyang naglakad papunta kay Stacey. Napangiti naman ang babae dahil sa paglapit sa kanya ni Vyzon.
Nakapamulsa na tumigil si Vyzon sa gilid ni Stacey. Hinarap siya ni Stacey na may malanding ngiti ang nakapaskil sa labi. Napakamot ulit sa kanyang likod ng ulo si Vyzon bago ibalik ang kamay sa loob ng bulsa.
Kita ko ang pagpula ng mata ni Vyzon. Hindi lang iyon basta pula dahil may halong yellow at orange iyon. Parang nag-aalab na apoy.
Tinitigan ni Vyzon ang pana at baliso na hawak ni Stacey. Ang kulay pulang apoy na pana ay napalitan ng kulay asul. Agad nabitawan iyon ni Stacey dahil hindi niya kinaya ang init. Napaso ang kamay niya at umuusok pa ang mga ito. Naglaho naman ang pana.
Agad akong bumagsak sa sahig. Nauna ang aking paa kaya naman hindi ko magawang tumayo dahil mukhang nasprain iyon.
Ouch.