Chapter 6
Napunta ako sa isang pasilyo na madilim. Lumakad pa ako ng deretso ng mapansin na nasa pinakadulo na ako. Madilim sa lugar kung nasaan ako dahil may malalaking kurtina ang nakaharang sa malalaking bintana.
Napansin ko naman ang isang pintuan. Agad ko iyong nilapitan. May signboard na nakasabit sa pintuhan. 'No one is allowed to enter'
Hindi ko iyon pinansin. Hinawakan ko ang doorknob at agad akong nakaramdam na parang may mali. Pinihit ko iyon pero hindi ko mabuksan dahil nakalock iyon.
Tinitigan ko ang misteryosong pinto bago ako tumalikod. Hindi ko sigurado pero may nararamdaman akong kakaiba na nanggagaling sa silid na iyon. Bakit kaya bawal pumasok sa lugar na iyon.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ako sa may malawak na field dahil sa lalim ng aking iniisip. May kumalabit sa akin pero hindi ko iyon pinansin.
Isa pang kalabit ang naramdaman ko bago ako tumigil sa paglalakad. Humarap ako sa taong kanina pa ako kinukulbit. Isa iyong lalaki na may kulay abong buhok. May salamin rin siyang suot.
"Hi"
Nahihiya niyang sabi. Kung titingnang mabuti ang kanyang itsura, mukha siyang mahina at baka isang malakas na suntok lang ay tumba na siya. Inirapan ko siya bago tinalikuran. I'm not here to make friends. I shouldn't be here in the first place.
"Miss ang suplada mo naman. What's your name?"
Sinabayan niya ako sa paglalakad. Hindi ko siya pinapansin. Hindi ko rin naman alam kung saan ba dapat ako pupunta. Dapat ay hindi nalang pala ako umalis sa klase.
"Theo!"
Isang babaeng tumatakbo ang sumalubong sa amin. Ngumiti sa kanya ang lalaking kasabay ko sa paglalakad na tinawag niyang Theo.
Tinabihan rin ako ng babae kaya pinag-gigitnaan na nila ako.
"I'm Thea. Theo's twin"
Naalala ko naman ang aking kapatid na kambal. Hindi ko mapigilang mag overthink ng mga bagay-bagay kapag naalala ko sila. Sana ay hindi sila ginagalaw ng mga dark mage. Bumuntong hininga ako.
"Is there a problem?"
Tanong ni Thea dahil napansin niya ang malalim kong pagbuntong hininga. Nakalimutan ko na naman na may kasama pala ako.
"I need to go"
Sabi ko at nag-iba ako ng direksyon. Kung kanina ay palayo ako sa main building ngayon naman ay pabalik na ulit ako don.
Binilisan ko ang aking paglalakad dahil baka makaabot sa akin ang dalawa. Nang makapasok naman ako ay huminga ako ng maluwag dahil wala namang nakasunod sa akin.
Bumalik ako sa aming classroom. Isang ngiti agad ang pinakawalan ni Macy ng makita ako.
"Buti naman at naisipan mo pang bumalik"
Pambungad niya sa akin. Napansin ko naman na iba na ang teacher. Isa na itong lalaki na mukhang nasa early 30's palang.
"Siya si Sir. Denzo teacher natin siya sa pagsasanay. Lalabas tayo ng field kasabay ng section A dahil handle din ni Sir. Denzo ang mga ito"
Pagkukwento ni Macy kahit hindi naman ako nagtatanong. Tumingin lang ako sa unahan.
"Nalalapit na ang practical exam ninyo kaya kailangan niyong seryosohin ang ating pagsasanay. Maliwanag ba?"
Pagkatapos mag bigay ng paalala ni Sir. Denzo ay agad na niya kaming pinalabas. Kasabay ang mga estudyante na taga section A.
Nang makarating kami sa field ay pansin ko naman na ang layo ng section namin sa section A para bang ayaw nila itong lapitan.
Pansin ko ang matataray na mukha at mga mayayabang na mukha sa mga taga section A. Siguro dahil alam nilang malakas sila kaya sila ganun umasta. Halata rin na mga bullies sila. Bagay nga sa section A si Vyzon dahil sa pagka arogante nito. Pansin ko naman na wala siya sa kanilang section.
Hindi pa siguro iyon bumabalik nung nakita ko siya kanina. Gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko para iwasan ang lalaking iyon. Napaka p*****t niya. Nanghahalik nalang siya basta basta. Gwapo nga siya pero mukhang wala naman siyang matinong alam gawin.
Hinayaan lang kami ni Sir. Denzo na magkahiwa-hiwalay. Umupo lang ako sa bermuda grass nitong field. Lahat sila ay busy sa pagsasanay. Wala naman akong gagawin para mapalakas ang aking healing power dahil mahina talaga ito. Lalakas lamang ang healing power ko kapag natanggal ang seal ng totoo kong mahika.
Napansin ko ang grupo ng kababaihan na nagtatawanan. Sinundan ko ang kanilang paningin at nakita ko naman ang kaklase kong basang-basa ng tubig na napapalibutan naman ng hangin. Sigurado akong giniginaw na siya ngayon.
Hindi naman sila pinapansin ng iba nilang kaklase dahil busy ang mga ito sa sariling ginagawa. Nakita ko naman si Jake, Kate at Hestia na parang naglalaro lang. May hawak na snowball si Jake na nakaambang ibato sa dalawa.
Bumuntong hininga ako. Buti sila walang problemang inaalala samantalang ako ang dami kong inaalala. Yung kapatid kong kambal at ang batong hindi ko naman alam kung saan nakalagay.
Namangha ang mga kaklase ko ng biglang magpalabas ng water eagle si Hestia. Napakalaki non. Umingay ang kanyang water eagle habang paikot na lumipad sa field ng academy. Tuwang tuwa ang mga kaklase ko samantalang ang mga kaklase ni Hestia ay mukhang naiinis. Akala siguro nila ay nagpapasikat si Hestia.
Gumawa naman ng dambuhalang snowman si Jake. Alam kong naglalaro lang silang tatlo pero mukhang iba ang akala ng kanilang mga kaklase. Napailing nalang ako.
Ilang minuto ang nakalipas at ganun parin ang pwesto ko. Nanatili akong nakaupo. Natigil na rin ang paglalaro nina jake at Hestia.
Naramdaman ko naman ang pag-angat ko sa lupa. Agad akong napatayo pero nakalutang ako. Pataas ako ng pataas. Nakita kong nagtatawanan ang tatlong babae sa akin. Sila rin yung grupong nambubully kanina sa aking kaklase.
Napatingin naman sa akin ang lahat. Karamihan sa nagtawanan ay ang section A. Naaawang napatingin lang sa akin ang mga kaklase ko. Sobrang taas ko na. 40 feet from the ground. Halos lumiit na din silang lahat.
Halos magulat ako ng biglang nawala ang hangin na nagpapalutang sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko kasabay ng aking nalalapit na pagbagsak. Napapikit nalang ako ng makita ko na malapit na talaga akong bumagsak sa may field.
Natigil ang tawanan. May bisig na sumalo sa akin mula sa itaas. Iminulat ko ang aking mata at nakita ko ang lalaking iniwasan ko kanina. Kunot noong nakatingin sa akin si Vyzon tila ba pinag-aaralan ang bawat bahagi ng aking mukha.
Agad akong umalis sa kanyang bisig. Bumaba ako ng kusa. Natatakot ako na baka halikan na naman niya ako lalo na dahil ang daming matang nakatingin sa amin.
Napansin ko ang aking mga kaklase na laglag ang panga habang tulala sa aming dalawa ni Vyzon. Nagtaka ako.
"What's your magic?"
Hindi ko inaasahan na magtatanong si Vyzon sa akin. Pero sinagot ko naman siya dahil niligtas niya ako mula sa aking pagkakahulog. Akala ko ay katapusan ko na. Hindi ko pa nahahanap ang pakay ko kaya hindi pa ako pwedeng matuluyan.
"I'm a healer"
"Tss. You're useless"
Umiiling na sabi niya. Alam ko naman na walang kwenta ang aking second magic. 5% nga lang ata ang healing power na dumadaloy sa aking katawan. Napansin ko naman sa kaniyang mga mata ang kakaiba niyang tingin sa akin. Para bang sinusuri akong mabuti.
"I'm useless so leave me alone"
Seryoso kong pahayag sa kanya. Agad naman niya akong inakbayan. Tinanggal ko iyon dahil baka kung anong isipin ng mga kaklase ko at kaklase niya. Feeling close siya masyado.
"No baby"
Pagkasabi niya non ay umalis siya sa tabi ko. Pumunta siya sa section na kinabibilangan niya. Nakanganga pa rin ang mga kaklase ko at ang ilang kaklase ni Vyzon.
Alam ko namang gwapo si Vyzon kaya hindi na nila kailangan pang ngumanga para lang ipahalata sa lalaking iyon na makalaglag panga ang kanyang itsura. Baka lalo siyang yumabang. Parang hindi naman pansin iyon ni Vyzon.
Nilapitan niya ang tatlong babaeng may pakana ng lahat. Halos manlaki naman ang mata nila at mamula ang kanilang mga pisnge. Napapailing nalang na tumalikod ako.
Nakarinig ako ng sigaw kaya napalingon ulit ako sa banda kung nasaan ang tatlong babae.
Umuusok ang kanilang mga braso na nababalutan ng apoy. Umiiyak sila pero walang balak na may tumulong sa kanila. Umiiling na lumapit ako kay Vyzon. Napatingin sa akin si Jake, Hestia at Kate. Sabay-sabay nila akong inilingan na para bang sinasabi na huwag akong lalapit kay Vyzon. Hindi ko sila pinansin.
"What do think you're doing?"
Napalingon sa akin si Vyzon. Kita ko ang kulay pula niyang mata. Napakunot ang noo ko. Nang kumurap siya ay bumalik ang dating kulay ng kanyang mata.
"I'm playing"
Walang gana niyang sabi. Nakapamulsa siya. Napansin ko naman ang tatlong babae na matalim na nakatingin sa akin. Sira na ang kanilang coat sa bandang braso nila at kita ko ang matinding sunog na tinamo nila.
Lumapit sa kaniya si Kate.
"You should go to infirmary now" Rinig kong sabi ni Kate sa tatlo. Walang nagawa ang tatlo kundi ang sundin ito dahil ibang klaseng sunog ang natamo nila.
Nagkibit balikat na naglakad papalayo si Vyzon. Bumalik ako sa mga kaklase ko na parang natuod na sa kanilang kinatatayuan. Unang nakabawi si Macy kaya lumapit siya sa akin.
"Do you know him?" Nanlalaking matang tanong sa akin ni Macy. Kumunot ang noo ko.
"Who?" Walang gana kong tanong sa kanya.
"Vyzon Furgerson. The most dangerous person in this academy. He's a trouble maker, badboy and his hobby is to mess up the things around him. He has a bad temper. He's the most gorgeous and hot as hell in the entire magical world. Sometimes literally hot"
"Yeah. You just said his name" Sarcastic kong sagot sa kanyang tanong kanina. Mukha naman talagang lapitin ng away ang lalaking iyon. Hindi na ako magtataka kung isang araw abo nalang ang academy na ito dahil sa lalaking iyon.
"That's not what I mean. Are you related to him? Maybe your cousin or what?"
Kinunutan ko siya ng noo. Hindi ko maintindihan ang kanyang mga sinasabi.
"He's gorgeous, you're gorgeous. He's hot and same as you. Are you not related to him?"
"No" so stop talking.
Tumalikod ako at naramdaman ko naman ang pagsunod sa akin ni Macy.
"He just saved you" Sabi niya na parang napaka impossible ng bagay na iyon para gawin ni Vyzon.
"Yeah. It's not a big deal" Walang gana kong sabi.
Mukhang hindi naman siya sang-ayon sa aking sinabi. Umirap naman ako sa ere.
"It's a big deal Trix. Vyzon is a guy who wouldn't care about such a thing. It's really a big deal. I'm a fan of him"
Hindi makapaniwalang tiningnan ko si Macy bago umiling. The hell I care.
Dalawang oras ang pagsasanay namin kaya ang susunod na ay breaktime. Hindi na ako pumunta sa classroom dahil dumeretso na ako sa may cafeteria.
Kahit hindi pa nagriring ang bell ay madami-dami narin ang nasa cafeteria. Sobrang lawak ng cafeteria kaya kasya ang buong estudyante ng paaralan na ito.
Nakita ko si Thea at Theo na kinakawayan ako. Hindi ko sila pinansin. Wala na akong pake kung isipin nila na suplada at masama ang ugali ko. Wala akong panahon na makipag-kaibigan. Gagawin ko lang komplikado ang mission ko sa paaralan na ito kapag hinayaan ko lang ang aking sarili na makipag-kaibigan. As much as I want to hindi talaga pwede. Baka madamay lang sila.
Mamamatay din naman ako kapag katapos nito. Siguradong wala akong ligtas sa kamay ni Aran kaya gagawin ko ang lahat upang masiguro na ligtas na makakapasok sa paaralan na ito ang dalawa kong kapatid.
Nang matapos akong mag-order ay kumain nalang ako ng tahimik sa isang sulok. Pinagmasdan ko ang mga estudyante na masayang kumakain habang nagkukwentuhan kasama ang kanilang mga kaibigan.
Sana ay makabuo rin sina Riri at Rara ng kaibigan na mabubuti kapag nakapasok na sila rito. Naiinggit ako pero wala akong magagawa. Ito ang tadhanang nakalaan para sa akin. Ang maging mag-isa at malungkot.