Chapter 5

1895 Words
Chapter 5 Nagising ako ng maaga. Nakita ko namang tulog pa si Helena. Agad akong bumangon at binuksan ang sarili kong cabinet. Nakita ko ang nakasabit kong uniform na nasa limang pares. Magkakasama ang mga iyon sa isang hanger. Kulay dark blue ang palda na checkered. May dark blue rin na necktie at may coat na ganun din ang kulay. Ang blouse namin ay long sleeve na may logo ng paaralan sa kanang dibdib at ganun din ang aming coat. Naligo ako at nagbihis ng uniporme. May sapatos rin na nakahanda para saakin at may mga damit nga akong pwedeng suotin kapag sabado at linggo at may ilang pares din ng pantulog. Lumabas ako ng tahimik sa kwarto namin. Madami na din akong mga estudyante na nakikita na papunta na rin ata sa kani-kanilang section. Alam kong ang classroom ay nasa pinaka main building ng paaralan na ito. Dahil maaga pa naman para sa unang subject ay napagpasyahan ko na maglibot muna sa paaralan na ito. Wala rin naman akong balak pumasok sa mga klase. Ang kailangan ko lang gawin ay hanapin kung saan nakalagay ang Crystalline Diamond Stone. Walang ibinigay na palugit sa akin si Aran pero kailangan kong magmadali sa paghahanap dahil baka mapahamak ng tuluyan ang  dalawa kong kapatid. Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito. Nang makalabas ako sa dorm ay hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Sobrang laki ng lugar na ito. Hindi ko kayang libutin ito ng isang buong araw habang may hinahanap. Napagpasyahan kong pumunta muna sa library ng academy na ito. Kailangan ko munang kumuha ng impormasyon baka sakaling nakasulat sa isa sa mga libro kung saan matatagpuan ang batong iyon. Saulo ko na ang bawat pasikot-sikot sa lugar na ito dahil may ibinigay sa akin kagabi si Helena na isang mapa. Hindi iyon pangkaraniwang mapa dahil detalyadong-detalyado iyon. Bago ako tumulog ay sinigurado ko na alam ko ang bawat daan at pasikot-sikot sa lugar na ito. Nang makarating ako sa library ay agad akong pumasok. May librarian akong nakita. Pansin ko ang liit ng librarian dahil sobrang taas ng kanyang inuupuan. Mukha siyang duwende na strikta. Tumikhim siya kaya dumeretso na ako sa paglalakad. Pumunta ako sa pinakasulok ng library dahil duon ako magsisimula. Madilim na sa bahaging ito ng library dahil nasa dulo ako. Kahit ganon ay wala man lang alikabok ang maamoy. Malinis ang lugar na ito. Kinuha ko ang isang libro na nakapukaw sa aking atensyon. Isa iyong libro na may itim at ginto ang labas ng aklat. Kumunot ang noo ko. Binuklat ko iyon at binasa ang pamagat ng libro. 'The Dark Golden Magic' Tungkol ang libro sa aking kapangyarihan. Hindi ko alam na may ganito palang libro na nabubuhay. Binuksan ko ang pangalwang pahina. Dark Golden Magic is very rare magic existed in the entire magical world. It can destroy a huge and wide land in just a snap. It is said to be destructible and dangerous. Furthermore it can bring back the life of a person whose already dead in exchange of the life of the holder. The holder of the said magic can control the four elemental magic which is fire, earth, water and air but it will damage the body of the holder because of the strong combination of four magical elements. Madami pa akong nabasa na tungkol sa aking kapangyarihan. May nabasa ako na ang taong may hawak ng hindi pangkaraniwang mahika na iyon ay kayang baguhin ang buong magical world kung gugustuhin niya. In a good way or in a bad way. Napailing nalang ako, hindi ko alam kung maswerte ba ako dahil nasa akin ang mapanganib na kapangyarihan na iyon at wala akong balak na wasakin ang kahit anong lugar at wala akong intensyon na kasamaan. O isa lang akong malas na babae na nabigyan ng makapangyarihang mahika at wala akong choice kung hindi ang tanggapin ito ng buong puso. Kung isa lang akong pangkaraniwang mage ay hindi sana magiging ganito ang buhay ko. Buhay pa sana ang aking mga magulang at masaya sana kami ngayon na magkakasama. Naiinis ako dahil sa akin pa napunta ang kapangyarihan na ito. Naramdaman ko ang paginit ng wrist ko kung nasaan ang seal. Parehas kong inangat ang aking kamay at tiningnan ko ang aking palapulsuhan. Nag-iinit ang tattoo na kadena. Nadala ako ng emosyon ko kaya hindi ko namalayan na pilit kumakawala ng kapangyarihan ko pero dahil sa seal na ito ay napipigilan non ang paglabas.  Pinakalma ko ang aking sarili at tinitigan ang nag-aalab na kadena sa dalawa kong wrist. Nang naramdam ko na unti-unti ng kumakalma ang emosyon ko ay unti-unti rin na bumabalik sa kulay itim ang kadena na kanina ay nagkukulay orange at dilaw dahil sa pag-aalab non. Kukuhanin ko na sana ang libro na umagaw sa atensyon ko pero nakaramdam ako ng presensya sa aking likod. Agad akong humarap sa kung sino man iyon. Tiningnan ko sa mga mata ang lalaking nasa harapan ko. Kumunot ang noo niya pero agad ding nawala. Ang kanyang mga mata ay sumisigaw ng pagka arogante at mayabang pero tila walang pake iyon kung tumingin katulad nung una kaming nagkita. "What are you doing here?" Tanong niya sa akin. Hindi siya nakangisi at seryoso lang ang kanyang tingin. Mukha naman siyang walang pakealam pero nagtanong parin siya. Hindi ako sumagot. Maglalakad na sana ako para umalis pero mabilis niyang nahagip ang aking palapulsuhan. Hinigit niya ako at isinandal sa bookshelf na nasa likod ko. Itinukod niya ang kanyang kamay sa gilid ko para hindi ako makadaan. Matangkad siya kaya kinailangan pa niyang yumuko ng kaunti para iadjust ang ulo niya at makapantay sa mukha ko. Nilabanan ko ang kanyang tingin. Wala akong panahon sa mga ganitong bagay kaya agad kong hinawi ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag. Lulusutan ko na sana ang kanyang braso pero agad niyang naiharang ang binti niya. Lalo lang siyang lumapit dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Alam ko namang madaming babae ang handang ibigay ang sarili nila sa gwapong nilalang na nasa harapan ko. "Sorry but i'm not interested. Let me go" Malamig kong pahayag kay Vyzon. Hindi nga kami magkakilala pero kung umasta ang lalaki sa harap ko ay para bang kilala niya ako. Idiniin niya pa ang katawan ko sa bookshelf at magkalapat na ang katawan naming dalawa. Ramdam ko ang init na nang-gagaling sa kanyang katawan. Alam kong isa siyang malakas na fire user dahil siya ang sumunog ng poison's laboratory. Hindi pangkaraniwan ang apoy niya dahil hindi iyon mabilis matupok. Inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Agad akong yumuko. Kung hindi lang nakasealed ang aking kapangyarihan kanina pa siyang namilipit sa sakit. Kaya kong hawakan ang puso niya gamit ang mahika ko at pisain ito hanggang sa mawalan siya ng buhay. Hinawakan niya ang baba ko at agad iyong iniangat. Agad na lumapat ang labi niya sa akin. Agresibo niya akong hinahalikan. Kinagat niya ang labi ko pero hindi ako nagpatinag. Nanatili parin iyong nakatikom. Ramdam ko ang kamay niyang humawak sa batok ko kaya lalong napalapit ang mukha ko sa kanya. Nakamulat ako at ganun rin siya. Kitang-kita ko ang perpektong kulay ng mata niya na magkahalong itim at abo. Para lang akong tuod habang hinahalikan niya ako. Hindi parin ako tumutugon. Nakarinig ako ng pagtikhim. Tumigil si Vyzon sa paghalik sa akin. Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakitang kung sino. Ganun din ang ginawa ni Vyzon at parehas lang kaming walang nakita. Isang pagtikhim ulit ang narinig namin. Agad na bumaba ang aking tingin. Hanggang tuhod lang namin ang nakatayong librarian na isang duwende. Babae siya at may suot siyang salamin. "It's class hour. You should go to your respective section" Iyon lang ang sinabi niya bago kami talikuran. Huminga ako ng malalim. Wala sa sariling naglakad ako palabas ng library. Buti nalang at walang pake ang librarian sa kanyang nakita. Hindi ko alam pero gustong-gusto ko ng patayin si Vyzon. Lagi siyang epal sa aking mga plano. Hindi ko alam kung bakit basta nalang siyang nasulpot kung nasaan ako tapos bigla nalang akong hahalikan ng walang pasabi. Para siyang uhaw na uhaw lagi sa halik. Pwede naman siyang humigit ng babae na may gusto sa kanya pero ako ang pinupuntirya ng lalaking iyon. Sa huling pagkakatanda ko ay wala naman akong kasalanan na ginagawa sa kanya. Kasunod ko siyang naglalakad at nakapamulsa lang siya. Nang makarating kami sa main building ay agad kong hinanap ang aking section. Magkatabi lang ang Section A at B. Nauna akong pumasok kay Vyzon. Nakita ko pa ang kanyang paglingon sa akin bago pumasok sa kabilang section. Dahil malakas siya ay nasa section A siya. Humanap ako ng bakanteng upuan at ang pinakagitna lang ang walang nakaupo. Dumeretso ako don at agad na umupo. Wala pa namang teacher. Hindi ko alam pero baka niloko lang kami nung librarian para paalisin kami. Mabuti nalang din dahil baka hindi lang halik ang gawin sa akin ni Vyzon. "Hi, I'm Macy River. Puppet manipulator" Pakilala sa akin ng babaeng katabi ko. Hindi ko siya pinansin. Ang upuan sa paaralan na ito ay hindi armchair. May desk na may lalagyanan sa ilalim at may sabitan ng bag sa gilid. Wala akong dalang bag dahil wala rin naman akong gamit. Maging sila ay wala rin namang dalang kahit ano. May pumasok na babae. Sa tingin ko ay nasa mid 30's na siya. Kulay puti ang kanyang buhok pero hindi naman siya mukhang matanda. Maganda nga siya kung tutuusin. Napansin ko rin na ang lahat ng nag-aaral dito ay magaganda at gwapo. "Good morning" Pambungad ng teacher. Walang bumati. Bumaling ang tingin sa sa akin ng guro. "So you have a new classmate. Stand infront and introduce yourself to us miss" Tumayo ako at naglakad na papunta kung nasaan ang teacher. Lumunok muna ako bago nagsalita. "I'm Trix Miwora. Healer" Umingay ang buong klase. "She's gorgeous but she's weak" "Another weakling huh!" "Tsk. She might be the next target of bullies in section A" "I pity her in advance" "Okay class. Stop it. Quiet" Pero nagtawanan lang ang mga magiging kaklase ko. Bumalik ako sa aking upuan at nakangiti akong tiningnan ni Macy. "Your name is Trix. Now I know" nakangiti niyang sabi na para bang nalaman niya ang pinakatatagong sekreto ko. Napailing nalang ako at hindi nalang siya pinansin. Nagtuturo ang teacher namin sa unahan pero pansin ko ang ingay ng mga kaklase ko. Hindi sila nakikinig at interesado. Ganun din naman ako kaya napagpasyahan ko ng tumayo. Napatingin naman sa akin si Macy na nagtataka at ang ilan pang mga kaklase namin pero hindi na sila pinansin. Dumeretso ako sa pinto at lumabas na. Mamaya pa ang breaktime pero ako ay nagugutom na. Nakalimutan ko na simula nung dalhin ako dito ay hindi pa ako kumakain. Simula pala ng dalhin ako sa Dark Empire ay hindi parin ako nakakain. Tahimik ang hallway dahil oras palang ng klase. Dumeretso ako sa cafeteria na nasa loob ng building na ito. Malawak at may malaking chandelier sa taas na kumikinang dahil sa ganda. Agad akong nag-order ng burger at drinks. Nang matapos kong kumain ay lumabas na ako ng cafeteria. Nakita ko naman na magkakasalubong kami ni Vyzon kaya iniba ko ang direksyon ng aking daan. Hindi niya ako napansin dahil ako ang unang nakapansin sa kanya. Napahinga naman ako ng maluwag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD