Chapter Six

1245 Words
Bago umuwi ng  bahay ay dumiretso muna si Franceska sa Internet Cafe upang mag-search sa Google ng mga litrato ni Cade upang ito ay ipa-print  at idikit sa ding-ding ng kanyang kwarto.  ''Ano ba ang gagawin natin dito Franceska?'' si Mikaela na pinilit niyang samahan siya sa Internet Cafe. ''May isesearch lang ako sa Google saglit.'' sagot naman niya na nagmamadaling umupo sa isang bakanteng  upuan na walang gumagamit sa computer. ''Ano ba ang titignan mo sa Google?'' muling tanong ng kanyang kaibigan. ''Mga litrato  ni Cade. Gusto kong ipaprint at idikit sa kwarto ko.'' sagot niya na hindi tumitingin sa kaibgan dahil abala na  siya sa pagtitingin sa Google  ng mga magagandang litrato ni Cade. ''Ano?! pinilit mo pa kong samahan ka dito dahil lang  diyan?''  halos pasigaw na sabi ni Mikaela. ''Ano ba Mikaela, wag ka ngang sumigaw diyan.'' saway ni Franceska sa kaibigan habang ang mga mata ay nasa monitor ng Computer. ''Hay! Ewan ko ba sayo Franceska sobra na iyang kabaliwan mo sa lalaking yan.Eh ang tanda tanda na niyan oh.'' naiinis na sabi ni Mikaela. ''Excuse me. He's just Thirty One years old,.'' sagot naman ni Franceska sa kaibigan. ''Kahit na. Masyado na yang matanda kompara sa atin.'' sabi muli ni Mikaela. ''Sampung taon lang naman ang  age gap namin eh.''  depensa naman ni Franceska. Siya ay nasa edad na bente uno at kung bakit sa edad niyang iyan ay hindi pa siya nakakatapos ay dahil ang  unang dalawang taon niya sa kolehiyo  ay  hindi niya nagawa pang tapusin ang unang kursong napili niya. Kumuha siya ng Bs Education pero hindi niya natagalan. Kaya nag shift siya ng kurso. From Bs Education to Bs HRM.  Mas matanda  siya kay Mikaela ng isang taon pero naging malapit sila sa isa't-isa. ''Ano hindi ka pa ba tapos diyan?'' tanong ni Mikaela na may pagkabagot sa tinig  nito. ''Hindi pa. Saglit na lang.'' sagot naman niya na ang kanyang  mata ay  naka-focus sa screen ng computer. ''Bilisan mo kaya diyan.'' pagmamadali sa kanya ng kaibigan na halatang naiinip na. ''Oo na. Wag kang magulo diyan.'' sagot niya. ''Hmmmpp! Nababaliw kana talaga.  Nagsasayang ka lang ng oras at panahon sa taong yan. Eh malabo naman na makita mo  yan sa personal.'' muling nagsalita si Mikaela . ''Bakit ba? Basta gusto ko siya, at darating ang araw na makikita ko siya sa personal. Malay mo magustuhan niya pa ako.'' sagot niya sa kaibigan na sinamahan niya ng  mahinang hagikgik na parang kinikilig sa isiping iyon na nabanggit niya. ''Ay! baliw kana nga Franceska.'' sabi ng kaibigan na magkasalubong ang mga kilay nito. ''Baliw na kung baliw. Basta gusto ko si Cade.''  tugon niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago siya  natapos sa ginagawa.  ''Halika na.Ipaprint  na natin ito.'' yakag niya sa kaibigan. ''Hay!  Mabuti naman at natapos kana rin diyan.'' sagot naman nito na agad tumayo mula sa upuan. ''Kuya pa print  po ako.''  sabi niya sa lalaking  nasa counter. ''Sige, anong  number ng computer na ginamit mo?'' tanong ng lalaki. ''Number 5 kuya.'' sagot niya. ''Anong file name?'' muling tanong ng lalaki sa counter na ang mga mata  ay  nasa monitor ng computer. ''Cade ang file name.'' sagot niya. Ilang sandali lang naman at nakita ng lalaki  ang  ipapaprint niya.. Hindi  rin naman nagtagal ang paghihintay  nila ay lumabas sa printer ang mga kopya ng litrato ni Cade. Inabot sa kanya  ng lalaki  ang pinaprint niya. ''Magkano po?'' tanong niya. ''50 pesos lang kasama na doon yung bayad sa paggamit niyo ng  computer.'' sagot ng lalaki. Inabot niya ang 50 pesos sa lalaki at lumabas na sila sa internet cafe. Habang naglalakad ay  isa-isang tinignan ni Franceska ang mga litrato  ni Cade. ''Ano ba Franceska. Bilisan mo naman maglakad.'' inis na sabi ng kaibigan. ''Teka lang titignan  ko lang kung maganda ang pagkaka-print nito.'' sagot niya na ang mga mata ay nakatutok sa hawak na bond paper. 'Hay!  Ewan ko sayo.'' at nauna ng naglakad si Mikaela. ''Mikaela saglit lang hintayin mo ako.'' sigaw  niya sa kaibigan at binilisan na rin ang lakad niya. Nahabol niya ang kaibigan na nakasimangot ang mukha. ''Bakit ba ang sungit mo huh?'' tanong niya. ''Paano ba naman kasi, nakita mo na nga yan sa google pina-print mo na nga tapos ngayon yan pa rin ang tinitignan mo habang naglalakad.'' inis na sumbat ng kanyang kaibigan. ''Oh, sige na. Sa bahay ko na lang tignan ang mga ito.''  Tinignan siya ng masama ng kanyang kaibigan at nagpatuloy ito sa paglalakad. Halos magka lapit lang naman ang bahay na tinitirhan nila ni Mikaela.   Mauuna lang ang bahay ng mga ito bago ang bahay nila. Nilakad nila hanggang sa may terminal ng jeep at pumila doon. Hindi pa naman ganun kahaba ang pila sa sakayan ng jeep dahil hindi pa naman rush hour. ''Hay! Mabuti naman at wala pang masyadong pila.'' si Mikaela na huminga ng maluwag. ''Oo  nga eh.'' maikling sagot niya. ''Kung hindi tayo dumaan sa Internet Cafe para  lang sa hawak- hawak mo ngayon, malamang kanina pa tayo naka uwi ng bahay.'' sumbat  na naman nito sa kanya. ''Ito na nga diba. Tayo na ang susunod na sasakay.''  sabi niya sa kaibigan. ''Ewan  ko ba kung bakit  o paano kita naging kaibigan.'' muli na naman itong nanumbat. ''Ewan  ko nga rin eh.'' sagot niya. ''Halika na nga ,pasalamat ka wala tayong masyadong ginagawa ngayon kaya pumayag akong samahan ka .'' sabi muli ni Mikaela. ''Thank you bespren..''  tugon naman niya. ''Halika na, sakay na tayo.'' yakag nito sa kanya. Ilang minuto lang  naman ang biyahe nila kaya hindi sila inabot ng gabi sa daan. Pagdating ni Franceska sa bahay ay agad siyang  umakyat  at nagtungo sa kanyang kwarto at pabagsak  na nilagay ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng kama at agad siyang kumuha ng pangdikit para sa mga pina-print  niyang litrato  ni Kane. Bago idikit ang mga iyon sa dingding  ng kanyang kwarto ay   muli muna niyang  tinitigan ang mga litratong  iyon. Dinampian niya ng  halik ang isa sa mga iyon.  Nang biglang  may  kumatok sa kanyang pinto  ng kwarto. ''Franceska,!'' tawag ng kanyang ina. ''Po?"  sagot niya at tinungo ang pinto at binuksan iyon. ''Kanina ka pa ba dumating galing eskwela?'' tanong ng kanyang ina. ''Kakarating  ko lang ho Ma.'' sagot niya. Nang mapadako ang tingin ng kanyang ina sa hawak niya. ''Ano yang mga hawak-hawak mo?'' tanong nito. ''Wala po  Ma. '' at tinago sa likuran niya  ang hawak na litrato ni Cade. ''Patingin nga.'' sabi ng kanyang Ina at nagpilit ito  na kunin mula  sa kanya ang tinatago sa kanyang likod. Kumunot ang noo ng kanyang ina nang makita kung ano ang bagay na pilit niyang tinatago. ''Ano toh Franceska?''  tanong ng kanyang ina. ''Wala nga po.'' inis na sagot niya. ''Aba! Hindi na yata nakakatuwa iyan mga ginagawa mo!'' ''Ano bang masama ?'' tanong niya sa ina. ''Wala akong sinabing masama. Ang sinasabi ko lang ay hindi na nakakatuwa itong pagkahumaling mo  rito.'' at tinuro ang litrato ni Cade. ''Mama, naman.''  ''Hala, bilisan mo diyan at mamaya ay  maghahapunan na tayo, darating na ang Papa  mo.''  sabi ng kanyang Ina. ''Opo  Ma.'' at muling sinara ang pinto pagtalikod ng  kanyang ina. Binalikan niya ang iba pang litrato ni Cade na nakalapag sa kanyang kama at kinuha ang pang-dikit. Isa-isa niyang dinikit ang mga ito sa buong ding-ding ng kanyang kwarto. Pagkatapos idikit ang mga iyon  ay  pinalitan niya ng damit pang-bahay ang kanyang uniporme atsaka tinungo ang pinto at nag tuloy na bumaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD