Hindi maipinta ang mukha ni Franceska dahil sa napanood niyang Announcement ng AWE Authority kagabi. Sinabi kasi ng mga ito na hindi na muna makikita si Cade sa ring dahil pansamantala muna itong mawawala, at sa pagkagulat niya sa naging panayam ng AWE Authority patungkol sa biglaang pagkawala ni Cade sa loob ng ring ay bigla na lamang niyang naibato ang hawak na remote control at nagtutumili .
''Franceska! ano na naman ang problema mo diyan at nagtutumili ka?'' sigaw ng kanyang ina na nasa kusina at abala sa pagluluto nang kanilang hapunan.
''Wala ho Ma.'' ganting sigaw niya.
''Nanonood kana naman ba ng Wrestling?'' tanong ng ina na lumabas mula sa kusina at pumunta sa sala kung saan siya nanonood.
''Sinasabi ko na nga ba at iyan na naman ang pinagkaka-abalahan mo!'' inis na lumapit sa kanya ang Ina at pinatay ang telebisyon.
''Ma! bakit nyo pinatay ang TV?'' hiyaw niya sa ina.
''Aba! Wag mo akong mapagtataasan ng boses Franceska.Baka isungalngal ko sayo ang hawak kong sandok.''
''Sorry ho, Ma.Nakakainis kasi. Wala na ang Idol kong si Cade sa AWE.'' nagmamaktol niyang sabi sa Ina.
''Aba. Eh di maganda at mabuti dahil mawawalan kana din ng interes sa kakapanood ng Wrestling, Wrestling na iyan.'' sagot ng kanyang Ina na mukhang natuwa pa ito sa kanyang sinabi.
Sasagot pa sana siya pero pinili na lamang niyang tumahimik na lang at naglakad patungo sa hagdan at umakyat sa kanyang kwarto.
''Aba. Lintik na batang toh. Tinalikuran lamang ako.'' narinig pa niyang sinabi ng kanyang Ina pero hindi na lamang ito pinansin.
Naiinis siya sa napanood at nagtataka kung bakit bigla na lamang nawala si Cade sa AWE. Hindi naman sinabi ang dahilan kung bakit wala na ito sa naturang sikat na ring kung saan nagpeperform ito.
''Ano kaya ang nangyari sa kanya? wala naman akong natatandaan na nagkaroon siya ng injury sa katatapos na match nito kasama ang tag-team partner nitong si Phenom, nanalo pa nga ang mga ito eh.'' parang baliw na kinakausap ang kanyang sarili.
Dahil sa biglang pagkawala ni Cade sa AWE, ay nawala bigla si Franceska ng ganang kumain kaya nung inakyat at kinatok siya ng kanyang Ina na kakain na sila ay sinabi niyang hindi siya nagugutom.
Dahil sa patuloy na pag-iisip kung nasaan na ang kanyang idolong si Cade at kung ano ang dahilan ng pagkawala nito ay naka tulugan na lamang ni Franceska ang pag-iisip.
Kinaumagahan ay parang walang gana si Franceska na bumangon kaya kahit alam niyang biyernes at may pasok siya sa eskwela ay hindi siya nag-abalang bumangon. Nasa kama pa siya nang pumasok ang kanyang Ina sa kanyang kwarto.
''Wala ka bang pasok ngayon at nandyan ka pang nakahilata?'' tanong ng Ina na mukhang magbubunganga na naman sa kanya.
''Wala akong ganang bumangon at tinatamad po akong pumasok.?'' sagot niya sa Ina.
''Aba! Hindi pwede yan Franceska. Bumangon ka diyan at maligo dahil papasok ka sa eskwela. Hindi ka ba nahihiya? Gagraduate kana ilang araw na lamang ang hihintayin mo pero tamad ka pang pumasok.!'' galit na sermon ng Ina.
Hindi siya sumagot. Sa halip ay bumangon na lamang at kinuha ang tuwalya para maligo. Hindi na siya nakipag-argumento sa Ina dahil alam niyang hahaba pa ang sermon nito.
Habang naglalakad si Franceska sa loob ng Robinson's Mall Manila na parang wala sa sarili ay hindi niya napansin na may malaking bulto ng lalaking makakasalubong niya, at huli na para umiwas siya dahil babangga na siya sa lalaking makakasalubong niya. Hindi naman nag-abala ang lalaking ito na umiwas dahil baka inakala nito na siya ang lilihis o iiwas.
Dahil sa malakas ang pagkakabangga niya sa lalaki na hindi niya alam kung bato ba ang katawan nito dahil halos tumilapon siya sa pagkakabangga niya rito.
''Watch out Kid!'' sabi nito sa kanya na nakatayo sa harap niya habang siya ay napaupo sa sahig .
Nainis siya sa lalaki dahil parang balewala lang dito ang nangyaring pagkakabangga niya sa malaking katawan nito na kasing tigas ng bato. Kaya padabog siyang tumayo. Pinilit niyang tumayo ng tuwid kahit na masakit ang balakang niya dahil sa pagkakabagsak niya sa sahig.
''Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo huh!'' galit niyang angil sa lalaking nakatayo sa harap niya at sa pagkagulat niya ay bigla siyang napaatras dahil sa hindi niya inaasahang malaking tao pala ito at may peklat sa kanang bahagi ng mukha nito.
Kumunot ang noon ng lalaki at nakatingin lamang ito sa kanya ng diretso.
''What did you say?'' tanong nito .
'Sa isip-isip ng dalaga ay foreigner ang lalaking kaharap niya dahil na rin sa pananalita nito ng Ingles.
''I said, aren't you looking at your way!'' inis na sagot niya sa lalaking kapre.
''Oh! Sorry. But I think you were the one who aren't looking at your way kid.'' sagot ng lalaki sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Franceska sa sinabing iyon ng lalaki dahil totoo naman ang sinabi nito. Wala kasi siya sa sarili niya simula pa kaninang umaga. Hindi na nga lang siya pumasok sa eskwela at nag tuloy na lamang sa isang mall.
Dahil naiinis pa rin siya sa pagkakabunggo niya sa malapad at matigas na katawan ng lalaking kapre na nasa harap niya ngayon, isama pa ang pagkainis niya dahil sa biglaang pagkawala ni Cade sa AWE ay bigla na lang niyang tinalikuran ang lalaki at hindi na humingi pa ng paumanhin dito.
''Hey! Aren't you going to say sorry huh?'' pahabol na sabi ng lalaki na halatang halatang iritado na rin ito.
Pero hindi siya nagpatinag rito at nagtuloy-tuloy siyang tinalikuran ito at binilisan ang kanyang mga hakbang.
Akala niya ay susundan siya nito para pilitin na humingi ng sorry sa kanya pero hindi, nagkamali siya sa halip ay nakita niya itong umiling-iling.
Habang naglalakad si Franceska ay biglang pumasok sa isip niya yung lalaking nakabungguan niya, at may naalala siya rito.
''Hmmm! Yung katawan ng lalaki parang ganun na ganon ang katawan ni Cade. Yung way na nakatayo ito.'' sa isip-isip ni Franceska.
''Hindi kaya siya si Cade?.'' biglang naisip ni Franceska ang bagay na iyon.Pero bigla din niyang winaglit sa kanyang isipan.
''Hindi. Imposibleng si Cade iyon. Paano naman siya makakarating dito sa Pilipinas?'' bawi ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.
Sa kakaisip niya kay Cade ay hindi niya namalayan na tinutungo na pala niya ang Exit ng Mall.
''s**t!, Franceska gumising ka nga!'' inis na utos niya sa kanyang sarili.
Dahil wala naman siyang ginawa sa loob ng Mall ay minabuti na lamang niyang lumabas na lang at maglakad-lakad kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa.
Inabot na siya ng dilim sa kakalakad at doon lamang niya napansin.
''Huh! Dumidilim na pala.'' bulong niya sa kanyang sarili at tumigil sa paglalakad.
Nag-abang siya ng jeep na masasakyan sa Pedro Gil St, dahil doon siya dinala ng kanyang mga paa ngunit wala pang nadaan na jeep at sa gulat niya ay may dalawang lalaking tumayo mula sa likuran niya. Naramdaman niyang may tinutok ang isa sa mga ito na isang matulis na bagay sa kanyang tagiliran.
''Miss! Wag kang maingay kung ayaw mong masaktan.'' babala ng lalaking lumipat sa tabi niya.
''Ano po ba ang kailangan nyo?'' nanginginig na tanong niya.
''Akin na ang bag mo.'' utos sa kanya ng lalaking nasa tabi niya.
''Ho? pero wala po akong pera.'' sagot niya.
''Wag ng matigas ang ulo Miss. Kung ayaw mong mabutasan ang tagiliran mo.
Sa takot ay bigla niyang naitulak ang lalaking nasa tabi niya at tumakbo palayo sa mga ito.
Hinabol naman siya ng dalawang lalaki at binilisan niya ang takbo dahil kapag naabutan siya ng mga ito ay baka saktan siya.
Habang mabilis na tumatakbo ang dalaga ay hindi niya namalayan na may lalaking makakasalubong siya.
Bigla siyang bumangga sa lalaki na dahilan upang mawalan siya ng balanse sa katawan. Napahiga siya at tumingin siya sa mga lalaking humahabol sa kanya.
Malapit na ang mga ito sa kanya kaya mabilis siya tumayo pero bigla siyang natumba ulit dahil sumakit ang kanyang likod dahil sa pagkakabagsak.
''Hey Miss!.'' nagsalita ang lalaki na nakabanggaan niya.
Nanginginig pa rin siya sa takot at hindi nagawang sumagot sa lalaking nasa harap niya nang biglang hinablot ng lalaking humahabol sa kanya ang kanyang braso.
''Matigas ang ulo mo hah!'' galit na sabi ng isa sa mga ito.
''Hey! What's the matter?'' tanong ng lalaking nakabangga niya.
Pero hindi pinansin ng dalawang lalaki at pinilit siyang hinila palayo rito.
''Please tulungan mo ako.'' hinging tulong niya sa lalaki .
Nagtaka siguro ang lalaki sa pagkaladkad sa kanya ng dalawang lalaki nang sapilitan kaya sumunod ito sa kanila.
''Hey! Release her.'' utos ng lalaki.
Pero hindi ito pinansin ng dalawang lalaki kaya lumapit ito sa dalawa at binigyan niya ito ng tig-isang suntok sa mukha na ikina-bagsak naman agad ng dalawang lalaking kumakaladkad sa kanya.
Nabitawan siya ng mga ito kaya agad siyang hinila ng lalaki palayo sa mga ito.
Habang hawak ng lalaking nagligtas sa kanya ang kanyang kamay at hindi niya napansin kung sino ito.
Patuloy lamang silang naglalakad at tumigil lamang sila sa parte na maraming tao.
''Are you okay?'' tanong ng lalaki.
''I'm okay.'' sagot niya na tumingin sa lalaki, at sa gulat niya ang lalaking nagligtas sa kanya ay yung lalaking nakabungguan niya sa Mall kanina.
''It's you again!'' halos pasigaw niyang sabi sa lalaki.
Kumunot naman ang noo nito dahil sa inasta niya.
''Yeah! And it's you again Kid.'' sagot nito.
Hindi siya makapagsalita dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito.
''Hey! Aren't you say Thank you?'' sabi ng lalaki.
''Huh.'' iyon lamang ang lumabas sa bibig niya.
''Yeah right! How ungrateful you are Kid.'' wika ng lalaki na may pagkainis sa tinig nito.
Doon lamang siya nakapag salita ng maayos.
''I'm sorry. I'm still in shocked because of what happened earlier.'' hinging paumanhin niya.
''And thankyou for saving me to those holdappers.'' pasasalamat niya sa lalaki.
''Hmmm! It's okay. I thought you're not going to thank me. . Anyway are you okay now?'' tanong nito.
''Yeah! I'm okay now.'' sagot niya.
''Okay good.'' tugon naman ng lalaki sa dalaga.
''Yeah! Ahm, I'm going.'' paalam niya sa lalaki.
''Wait.Are you sure you can go home alone?'' tanong nito na parang nag-aalala sa kanya.
''Hmm! Yeah I can manage.'' sagot niya.
Halatang hindi naniniwala ang lalaki kaya hinawakan siya nito sa kamay at hinila upang sumabay sa paglalakad.
''I'll take you home.Let's grab a taxi.'' walang sabi-sabi na pumara ng taxi ang lalaki.
Binuksan nito ang pinto ng taxi at pinauna siyang pumasok sa loob bago sumunod ito.
Tinanong ng taxi driver kung saan sila at agad naman niyang sinabi rito ang address niya.
Ilang minuto lang naman ang tinakbo ng taxi nang marating nila ang address ng bahay nila.
Agad namang kumuha ng pera sa wallet ang lalaking kasama niya at binayad ito sa taxi driver.
Nauna siyang bumaba ng taxi at sumunod naman agad ito.
''Is this your house?'' tanong ng lalaki.
''Yeah.'' maiksing sagot niya.
Binuksan niya ang gate at pumasok nang bigla siyang tumigil at tinignan ang lalaking nakatayo lang sa labas ng kanilang gate.
''Come inside.'' yakag niya sa lalaki na agad naman itong sumunod.
Pagpasok ng bahay ay agad naman siyang sinalubong ng kanyang Ina, at may pagtataka sa mga mata nito kung bakit siya may kasamang lalaki.