Chapter Eight

1579 Words
Nakatigin lamang ang Ina ni Franceska sa lalaking kasama ng dalaga. Habang ang lalaki naman ay nilibot ang mga mata  sa kabuuan ng  bahay. ''Franceska sino yang kasama mo?'' tanong ni Ellen sa dalaga. ''Ah wala Ma. Tinulungan lang niya ako kanina.'' sagot niya. ''Tinulungan? Bakit ano ba ang nangyari?'' muling tanong ng kanyang Ina  na may halong pag-aalala . ''Eh kasi Ma, kanina habang nag-aabang ako ng jeep na masasakyan pauwi, may dalawang lalaking  biglang sumulpot sa likod  ko   at may matulis na bagay na tinutok sa likod ko, at pilit kinukuha ang bag ko.'' paliwanag niya. ''Ha! totoo ba iyan?''  pasigaw na tanong ng ina. ''Ma, wag kayong sumigaw, nakakahiya sa lalaking kasama ko. Opo totoo nga,  kaya tumakbo ako dahil sa takot, at hinabol pa ako ng dalawang lalaki. Mabuti na lang at nakabungguan ko siya, ayun tinulungan ako.'' pagkukwento niya sa kanyang Ina . ''Hay   mabuti naman at walang nangyari sa iyong masama. Diba lagi kong sinasabi sa iyo na lagi kang mag-iingat.''  ang kanyang ina na tuloy tuloy ang pagsasalita. ''Nag-iingat naman ako Ma, malay ko bang mangyayari iyon.'' mabilis niyang sagot. ''Teka, ano ba ang pangalan ng kasama mo at mukhang may lahi yata.?'' tanong ng ina sa dalaga habang nakatingin sa lalaking nakatayo lang at nakamasid pa rin sa buong bahay. ''Hindi ko pa nga po naitatanong ang pangalan niya Ma.'' sagot niya na tumingin sa lalaki. Nilapitan ni Franceska ang lalaking nakatayo lamang. Biglang tinamaan ng hiya ang dalaga dahil hindi man lang niya inalok na maupo ito. ''Ahm!'' tanging lumabas sa bibig ng dalaga, parang nagbara ang kanyang lalamunan. Tumingin naman ang lalaki sa kanya at nagsalita ito. ''Hmm are you sure you're okay now?'' tanong nito sa kanya na may bakas sa mga mata ng pag-aalala. ''Yeah, ahm by the way I'm Franceska.'' pakilala ng dalaga sa kanyang sarili. ''Oh! I'm Grey Thomas.'' pakilala naman nito sa dalaga. ''And this is my mother, Ellen.'' pakilala naman ni Franceska sa kanyang Ina na ngayon ay lumapit sa kanila. ''Hi ma'am, it's nice to meet you.'' baling naman ng lalaki sa kanyang ina at nilahad ang kamay nito upang makipag-kamay sa kanyang ina. Tinanggap naman ng kanyang Ina ang pakikipagkamay ng lalaki at sinabihan siyang paupuin  ito. '' Please take a sit.'' at itinuro ng dalaga ang sofa na nasa likod  ng lalaki. ''Oh, thanks.'' sagot naman nito at agad na naupo. ''Can I offer you anything? Juice, coffee or what?'' tanong niya rito. '' Just coffee please.''  mabilis na sagot nito. Nakikita niya sa lalaki na parang feel at home ito at may pagka bossy  kung titignan. ''Okay. Just stay here and I'll get you some coffee.''  at mabilis na tumalikod ang dalaga at pumunta sa kusina upang ikuha ito ng kape. ''Oh  ano kumusta ang kasama mo ?'' tanong ng kanyang ina na bumalik  na pala ito sa kusina upang ituloy ang  pagluluto ng kanilang hapunan. ''Okay naman Ma, ikukuha ko lang siya ng kape.'' sagot niya. ''Yayain mo na rin na dito na lang kumain, para magantihan man lang natin ang ginawa niyang pagtulong sayo.''  sabi ng kanyang ina. ''Ma  foreigner yung tao, magugustuhan ba non yang pagkain natin.''  ''Aba  malay mo naman anak, baka magustuhan niya atsaka anong oras na, oras na para sa hapunan nakakahiya naman sa tao. Tinulungan kana nga at hinatid ka pa dito sa bahay.''  pamimilit ni Ellen sa anak. ''Hay, sige na nga.'' sagot niya sa ina na may halong inis. ''O'sya, ihatid mo na yang kape niya at maya-maya darating na ang Papa mo.'' utos ng kanyang ina. ''Dala-dala ang kapeng tinimpla para dito ay lumabas ng kusina si Franceska at dinala ang kape sa lalaki. ''Here's your coffee.'' sabi niya sa lalaki at nilapag ang tasa ng kape sa center table. ''Oh! thanks Ceska.''   pasasalamat nito bago nito kinuha ang kape at dahan-dahang dinala sa bibig nito. ''Ceska?'' ulit ng dalaga sa pangalang binanggit ng lalaki. ''Yeah.Ceska, Ceska short for Franceska.'' agad na tugon nito. Tumango lamang ang dalaga  at pinanood ang lalaki habang umiinom ng kape, na agad namang napansin nito at nilapag ang kape. ''What.'' tanong nito. ''Oh nothing. My Mom said, If I can ask you to have dinner with us.''  sagot niya. Tinignan muna ng lalaki ang  suot na relo nito bago nagsalita. ''Yeah sure.''   pagpayag agad nito. Magsasalita pa sana ang dalaga ng biglang   narinig niya ang kotse ng kanyang ama na pumarada sa harap nila. Lumabas naman ang kanyang ina  mula sa kusina at tinanong kung dumating na ang ama. ''Opo, Ma,'' sagot niya. Ilang sandali lang at pumasok na ang kanyang ama sa loob ng bahay at nagulat pa ito ng makitang may bisita silang lalaki. Tumingin muna ito kay Thomas bago ito tumingin sa kanilang mag-ina. ''Sino siya Ellen?'' tanong ng ama sa kanyang ina. ''Mamaya na namin ipapaliwanag ng anak mo. Halika muna rito at ipapakilala ka namin sa bisita.'' sagot ng kanyang ina. Nilapitan nila ang lalaki, na agad naman itong tumayo ng makitang papalapit ang kanyang ama. ''Sir, I'm Grey Thomas.''  pagpapakilala agad nito at nilahad  nito ang kamay sa kanyang ama. ''I'm Carlos Montereal , Franceska's Father.'' sagot ng ama at tinanggap naman agad nito ang  nakalahad na kamay ng lalaki. ''It's nice to meet you Sir.''  si Grey na muling nagsalita. Maiwan ko muna kayo rito at ako'y magpapalit muna ng damit.'' paalam ng kanyang ama  at tumalikod ito kasabay ng ina na muling tinungo ang kusina upang marahil ay ituoy nito ang paghahanda ng kanilang hapunan. ''What's your father says?'' tanong ni Grey sa huling sinabi ng ama habang nakakunot ang noo nito. ''Oh nothing, he said,  he's going to change his clothes.'' tugon niya sa lalaki. Tumango-tango lamang ang lalaki  at muli itong umupo. ''Are you on a vacation here in the Philippines?'' pag-iiba ni Franceska ng usapan upang hindi mabagot ang lalaki. ''Yeah, I'm on a vacation.'' mabilis na sagot nito. ''Ah. Is this your first time here?''  tanong niya  ''Yhup.'' sagot nito muli. ''I see, so where are you staying then?''   ''I  stay in a hotel.''  tugon nito. Madami pa sana siyang itatanong sa lalaki  ng biglang tinawag siya ng kanyang Ina mula sa kusina. Tumayo naman siya at nag-paalam saglit kay Grey. ''Ma, bakit?'' tanong sa ina na naglalagay ng plato sa mesa. ''Kakain na tayo, tawagin mo na ang Papa mo at ang kasama mo.'' utos nito sa kanya. ''Sige po.'' at agad na tinungo ang hagdan upang tawagin ang kanyang ama. Kasunod naman ay niyaya niya si Grey na kakain na. ''Hey, dinner is ready let's go?''   yakag niya rito. ''Oh sure.'' sagot ng lalaki na  agad na tumayo. Tinungo nila ang kusina  at agad siyang umupo. Akala niya ay uupo na rin ang lalaki pero nanatili lamang itong nakatayo at nakatingin sa kanya. ''Hey, are you okay?'' tanong niya rito. ''Yhup. where will I sit?'' tanong nito na  tinignan ang mga upuan na nandoon. ''Oh sorry, maybe you can sit here  if you want.'' sagot ni Franceska na itinuro ang upuang nasa tabi niya. Umupo ang lalaki sa upuang nasa tabi niya, sakto namang  nasa komedor na rin ang ama at umupo. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ni Grey ang nilutong  hapunan ng kanyang ina dahil ang mga ito ay  ginisang gulay at pritong isa. Bagay na hindi ito ang pagkain  na nakasanayan  ng mga foreigner. Magsisimula na sana siyang kumain ng makita niya ang lalaki na  nakamasid lang sa mga pagkain na nasa mesa. ''Hey, don't you like the food?'' tanong niya. ''Huh?'' sagot lamang nito. ''You can try it, it taste good..'' sabi niya rito at  nilagyan niya ng pagkain ang plato nito. Nakatingin lamang sa kanila ang kanyang  ama at ina. ''Here come on,  taste it.'' utos niya sa lalaki. Agad naman nitong tinikman ang ginisang gulay  at dahan dahan nitong nginuya. ''What do you think?'' tanong niya sa lalaki habang nakatingin siya rito gayon din ang kanyang ina at ama. ''It's good.'' sagot nito na nakangiti at muling sumubo. Napangiti naman ang kanyang ama dahil sa nakitang reaksyon ng lalaki sa ulam nila. Natapos silang kumain ng hapunan at natutuwa ang kanyang ama sa lalaki dahil  nagustuhan nito ang niluto ng kanyang ina.  Pagkatapos nilang kumain ay  niyaya niya muli ang lalaki sa sala. ''Thankyou for the dinner. I really appreciate it.'' ang lalaki na nakatingin sa kanya. ''You're welcome.'' at nginitian ng dalaga ang lalaki. ''Ceska, Maybe I should go now, it's getting late.''  sabi ni Grey sa dalaga. Tinignan ni Franceska ang nakasabit na orasan sa dingding nila ng makitang alas nueve na pala ng gabi. ''Oh, I'm sorry. Yeah sure.'' sagot niya. Nagpaalam ang lalaki sa kanyang ama at ina, bago niya ito ihatid sa labas ng kanto kung saan may dumaraang mga jeep at taxi. Sinamahan niya muna ang lalaki na mag-abang ng taxi na masasakyan nito at ng may makita siyang taxi na paparating ay agad na pinara ni Franceska, huminto naman agad ang taxi at agad na tinanong kung saan sila. ''Manong  itong kasama ko lang po ang sasakay.'' sagot ni Franceska. '''Ganon ba Miss, saan ba siya mag-papahatid?'' muling tanong ng driver. Agad namang tinanong ni Franceska ang lalaki kung saan ito naka check-in . ''Grey, which hotel did you check-in?'' tanong niya sa lalaki. ''Regency hotel'' agad naman na sagot ng lalaki. ''Manong sa Regency hotel daw po.''   ''Sige malapit lang yon.'' sagot ng driver. Nagpaalam muna ang lalaki kay Franceska bago ito sumakay sa taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD