Chapter Nine

1379 Words
Sabado  ng araw na iyon kaya walang pasok si Franceska kaya ang gagawin niya lang sa araw na iyon ay gumawa ng kanyang report.  Kapag ganitong wala siyang pasok sa eskwela ay ang ginagawa niya lang ay manood ng WWE. Pero dahil wala naman na ang taong gusto niyang panoorin ay nawalan na siya nang gana kaya gagawin na lamang niya ang mga report na kailangan niyang tapusin. Maaga siyang nagising nang umagang iyon bagay na ikinagulat ng kanyang ina. ''Oh! bakit ang aga mo yatang nagising ngayon?'' tanong ni Ellen sa anak . ''Ma naman. Ngayon maaga akong nagising ganyan ang sasabihin nyo.'' sagot niya. ''Aba, nagtataka lang naman ako dahil maaga ka ngayon,  samantalang dati rati naman ay tanghali kana kung bumangon.''  tugon naman ng kanyang ina. ''Mama talaga. Pa oh si Mama, hindi alam kung ano ang gusto.'' baling ni Franceska sa ama na nakaupo sa harap ng mesa at nagkakape. ''Totoo naman ang sinasabi ng Mama mo hija.'' tugon naman ng ama. ''Pa naman. Kinampihan niyo pa si Mama.'' pagmamaktol ng dalaga. Tumawa lamang ang kanyang ama dahil sa sinabi niya.  ''Maupo kana diyan at kakain na tayo.'' utos ng kanyang ina na agad naman siyang  umupo. Habang kumakain ng almusal ay tinanong ni Carlos ang anak tungkol sa graduation nito ilang araw mula ngayon. ''Nagawa mo na ba ang mga dapat gawin ,bago ang graduation mo hija?'' tanong nito sa dalaga. ''Hindi pa po Pa, pero magagawa kong kompletuhin ang report namin bago pa man dumating ang graduation.'' tugon ng dalaga sa ama. ''Mabuti naman kung ganon, para walang maging problema sa pagtatapos mo.'' pagsang-ayon ng ama. ''Opo Pa.'' sagot ng dalaga sa ama. ''Oh sige, ituloy mo na ang pagkain  mo .'' Pagkatapos kumain ng almusal ay muling bumalik sa kanyang kwarto si Franceska upang doon gumawa ng kanyang report. Walang pasok sa trabaho ang kanyang ama tuwing weekend kaya nasa bahay lang ito.  Nasa kalagitnaan na si Franceska sa ginagawang report nang biglang kumatok sa pinto ng kanyang kwarto ang kanyang ama. ''Bukas po yan Pa.'' tugon ni Franceska sa ama na agad naman nitong binuksan ang pinto. ''Anak bumaba ka saglit at may bisita ka sa baba.'' utos ng ama. ''Po, sino po?'' tanong niya dahil wala naman siyang inaasahang bisita sa araw na iyon. ''Tumayo kana lang diyan at babain mo ang bisita mo.'' utos ng ama sa dalaga na may nakapaskil na ngiti sa labi nito. Nauna nang  bumaba ang kanyang ama dahil inayos muna ng dalaga ang kanyang sarili bago sumunod sa ama. Pagbaba niya ay nabungaran agad ni Franceska si Thomas na nakaupo sa sofa habang nakikipag-usap sa kanyang ama. Nagulat siya dahil hindi niya inaasahang ito pala ang bisitang tinutukoy ng kanyang ama. Nakita siya ng dalawang lalaking nag-uusap at agad naman na tumayo si Thomas mula sa pagkakaupo nito. ''Hi. Good morning.'' bati ni Grey kay Franceska. ''Hello. Good morning too.'' tugon naman ng dalaga. ''What brings you here?'' nag-tatakang tanong ni Franceska sa lalaki    nang biglang sumingit ang kanyang ama. ''I'll just leave the two of you here so you two could talk together.'' paalam ni  Carlos sa lalaki  na agad naman tumango at nagpasalamat ito sa kanyang ama. ''So what's brings you here? muling tanong ni Franceska sa lalaking nakangiti sa harap niya. ''Oh1 I'm sorry.  Did I disturb you?'' tugon ng lalaki na nabura ang ngiti sa labi nito. Ngayon lang napansin ni Franceska na may itsura si Grey o mas tamang sabihing magandang lalaki ito kahit na may pilat ang kanang bahagi ng mukha nito. At kung hindi dahil sa lapad at laki ng katawan nito ay pwedeng mapag-kamalang babae ito dahil mahaba ang medyo kulot na buhok nito. Siguro aabot ang buhok nito hanggang sa balikat ng lalaki, may pagka blonde ang buhok  at dahil foreigner ito ay matangos ang ilong nito. Nagtataglay ang lalaki ng manipis na  mamula-mulang  labi, at kung tatabi siya sa lalaki ay  aabot lang siya sa baba ng kili-kili nito. Magmumukha siyang duwende sa tabi nito. Bagay na di maiwasan ng dalaga na mapa-bungisngis sa isipin  na  iyon. ''Why are you laughing?'' tanong ni Grey kay  Franceska na biglang ikinatahimik ng dalaga. ''Oh nothing.'' maikling tugon ng dalaga. ''Are you busy today?'' tanong ng lalaki sa dalaga. ''Hmm nope. I  am free today . Why?'' tanong ni Franceska sa lalaki. ''I am thinking that, maybe you can tour me around.'' sagot ng lalaki. ''I see. So you want me to go with you and tour you around?'' pag-uulit ng dalaga sa sinabi ng lalaki. ''Yes. If you want and If you are not busy.'' tugon nito. ''Hmm sure. But Let me take a shower first.'' it's that alright with you?''  ''Okay. I'll just wait here. And I already asked your father anyway, if he would allow you to come with me and tour me around.'' Si Grey na nakatingin sa dalaga. ''So what did he say?'' tanong ni Franceska sa  naging sagot ng kanyang ama sa lalaki. ''He said  yes but I should ask you first. And since you already said that you're coming with me, so I guess it settled then.'' sagot ni Grey na nakangiti sa dalaga. ''Oh I see. So  just wait me here and I'll just go take a shower and fix myself. Don't worry I'll be quick.''  tugon ni Franceska . ''Nah It's fine just take your time. I can wait.''   sagot ng lalaki na nakangiti sa dalaga. Iniwan muna ni Franceska si  Grey sa sala upang maligo at para mag-ayos ng sarili. Hindi niya alam kung bakit napapayag siya nito na samahan ito upang mamasyal sa buong maynila. Biglang nakaramdam ng excitement ang dalaga. Nag madaling  maligo si Franceska dahil nakakahiya naman kay Grey  na maghintay ito ng matagal. Kung kailan nagmamadali si Franceska ay saka naman siya natagalan sa pagpili ng maisusuot bagay na hindi naman siya dati nahihirapan pagdating sa damit na susuotin. ''Bahala na.'' sa isip-isip ni Franceska nang makita niya ang isang olive green na tshirt at isang faded ripped jeans.  Nag madali siyang magsuot ng damit at agad na kinuha ang kanyang  white sneakers sa lagayan ng kanyang mga sapatos.  Nagsuot na rin siya ng olive green na bull cap. Tinignan muna niya ang sarili sa salamin bago lumabas ng kwarto.   Pagbaba niya ng hagdan ay nakita niya na magkausap muli ang kanyang ama at si Grey.  ''Pa, asan si Mama?'' tanong ni Franceska kay Carlos. ''Mamalengke lang daw saglit.'' sagot naman ni Carlos sa dalaga. ''Let's go?''  baling ni Franceska kay Grey na nakatayo na mula sa pagka-kaupo nito. ''If  you're ready .'' tugon naman nito. Humalik muna si Franceska sa pisngi ng ama at nagpaalam bago sila umalis. Nasa gate na sila nang may maalala ang dalaga. ''What? what's the problem?'' tanong ni Grey sa dalaga dahil sa bigla n'yang pagtigil. ''Nothing. I just  have  a better idea just wait here. I'll just go get something.''  sabi niya at agad na tinalikuran ang lalaki. ''Oh bakit bumalik ka?'' tanong ng ama. ''Pa, hindi mo ba gagamitin ang kotse mo?'' tanong ng dalaga sa ama. ''Hindi naman anak bakit?''  ''Hmm! pwede ko bang mahiram?'' sagot ni Franceska sa  ama. ''Pwede namanpero mag-iingat ka lang sa pagmamaneho.'' paalala ng ama at agad na binigay sa kanya ang susi ng kotse nito. Nung isang taon lang siya kumuha ng driver's license niya  dahil sinabi ng kanyang ama na kailangan niyang kumuha ng lisensya para kahit papaano ay pwede niyang gamitin ang kotse nito.  ''Sige Pa alis na kami.'' paalam niya sa ama. ''Sige mag-ingat kayo, umuwi kayo ng maaga.'' paalala ng ama. Nag madaling lumabas si Franceska at nakita niyang nakasandal sa kanilang gate si Grey. Nakita rin niya kung paano ito lingunin ng mga taong dumaraan  na siya namang ginagantihan ng lalaki nang ngiti. ''Hey.'' bati niya rito at tinapik ang likod nito. ''Hello there.'' tugon nito sa dalaga na lumawak ang ngiti sa labi ng lalaki. ''Let's go.'' yakag niya rito. Binuksan niya ang buong gate at saka naman  niya binuksan ang pinto ng kotse. ''Get in.'' utos niya sa lalaki. ''Do  you know how to drive?'' tanong ng lalaki kay Franceska. ''Of course.'' sagot ng dalaga, at nginitian ito. ''Woah! that's cool.'' tugon naman ng lalaki at sumakay ito sa passengers seat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD