"Ano ba Tibursio para kang tanga." natatawang wika ni Jupiter habang nag mamaktol si Trigger na naka dapa sa kama nila. Kakalabas lang nila ng hospital at pag uwi ng bahay. Si Saturn agad ang nilapitan nito para laruin pero bigla na lang bumira ng iyak ang anak na parang takot na takot ng makita ang ama. At ang abnormal n'yang asawa may pa walk out na umiiyak din na pinag tawanan pa ng mga magulang. "Ang pangit ko na hindi na ako kilala ng anak ko." "Iilang araw pa naman, guguwapo ka din ulit tiwala lang." "Paano kung hindi na? Iiwan mo na ba ako?" "Oo, wala ng maraming usap." 'Impakta ka." sigaw ni Trigger na tinawanan lang ni Jupiter lakas mag toyo ni Trigger dinaig pa ang bata e. "It's payback time, noon na nganganak ako puro pang lalait na ang inabot ko sa'yo. Ano ka ngayon?" a

