Malalim na napa-isip si Jupiter ng lumabas ng correctional, hindi daw natanggap ng bisita si Athena ngayon. Nag-aalala s'ya may tama ito kagabi at sa dami ng dugong nasa sahig kasama ang paa nito mukhang seryoso ang tama ni Athena. Possible kayang itinatago ito ng mga pulis na naka bantay pero paano nagagawa ni Athena na lumabas sa kulungan. Anong kapangyarihan ang meron ito para hayaan lang ito ng chief ng correctional para makalabas masok. Hindi ito kasama sa bilang ng head count ng mga kasali sa mission, pero kaninong team ito sumama para malaman ang tungkol sa confidential mission na kagabi. Halos purohead shot ang karamihan ng tama ng mga kalaban kaya naman sandamakmak na paperwork ang kinahaharap nilang lahat dahil sa intensional ang ginagawa nilang pag patay sa kalaban na ang gust

