Nang makarating sila sa sasakyan nito, nakita niyang marami itong kasamang bodyguards na convoy nila. Sa sasakyan, isang driver at isang bodyguard lamang ang kasama nila. Sobrang awkward na katahimikan ang namagitan sa kanila kaya napilitan siyang magbukas ng usapan. “So why this outreach program?” Pinilit niyang maging casual ang tono niya.
“Well, like you, I have always loved kids. Second, I missed your smile.”
“Leandro.” Nang mapatingin siya rito ay seryoso lang itong nakatingin sa kanya at matipid na ngumiti.
“I loved how you smiled at me yesterday. I loved the way you smiled at the kids at the party. It was a breath of fresh air. I am willing to give everything just to see you smile at me again. Now, I’m wondering how I survived those years without you.”
“But Leandro-”
“I know, I know,” nahihirapang sabi nito at kinuha ang cellphone para tawagan ang orphanage sa Estrella.
Nang makarating doon ay nagsimula na agad ang palaro. Lahat ay enjoy na enjoy kasama na siya. Masayang-masaya siyang makita ang mga bata na nag-e-enjoy. Si Leandro naman ay pangiti-ngiti tuwing mahuhuli niya itong nakatingin sa kanya. It was so awkward at first. Yet, it was calming to gaze at someone with so much intent amidst the noise around her. Ngumiti na lang din siya dito at nagpasalamat. Nang matapos na ang party ay umalis na sila. Bahagya pa lamang siyang nakakatulog dahil sa pagod nang bigla siyang maalimpungatan dahil sa putok ng baril. “What’s happening?”
“May humahabol sa atin pero don’t worry,” sabi nito na halatang pilit na pinapakalma ang boses siguro ay para huwag siyang magpanic. Maya-maya nga ay natapos ang barilan at wala na ang mga humahabol sa kanya.
“The mercy of God saved us,” relieved na sabi niya.
“Are you okay?”
“Yes, are you?”
“Yes. Now, be a good girl and don’t complain. I won’t take you back to the convent.”
“But why?” Bigla siyang nag-panic dahil doon.
“It’s dangerous, Tiffany, I mean Sister Mary Anthony. I don’t want to take chances. I don’t want to put you in danger.”
“But, the sisters need me! The children there need me! Baka nalaman na ng mga humahabol sa ‘yo na sa convent ka nagtago. Baka puntahan nila ang convent. Baka madamay sila, Andoy! Hindi pwede-” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang siilin na siya nito ng halik. Ilang segundo iyong tumagal kaya para siyang na-estatwa nang humiwalay ito. “Y-you k-kissed m-me.”
“I’m sorry I had to do that. I should not have done that, but you were so hysterical. Please calm down. I won’t let anything bad happen to them. I will send more people to guard the convent. For now, we will go to our rest house. It’s only a few minutes away from here. I’ll take you to the convent tomorrow. Please trust me, baby- er Sister, okay?”
Maybe it was the sincerity that she saw in his eyes that made her nod. “Okay.”
NANG makarating sa bahay ay agad silang sinalubong ng isang matandang babae. Agad niyang nakilala na ito ang yaya ni Leandro. Malapit ang loob nila sa isa’t isa dahil napakamaasikaso nito sa kanya. “Yaya Meling, bakit nandito ang kotse nina daddy?”
“Nandito silang lahat hijo. Bigla lang din silang dumating ilang minuto bago kayo dumating dito.” Nakangiti naman itong nagbaling ng tingin sa kanya at biglang napatutop ng bibig nang mamukhaan siya.
“Magandang hapon po, Yaya Meling,” nakangiti niyang sabi.
“Tiffany, ikaw na ba iyan? Ano na ang nangyari sa iyo?”
“Yaya naman, kayo talaga,” nakangiti niyang sabi rito.
“M-madre ka na?”
“Opo, yaya,” nakangiting sabi niya pero sa loob ay sobra siyang nakokonsiyensiya sa pagsisinungaling. Iyon na lang ang tanging proteksiyon niya para hindi na lumapit si Leandro. Tanggap niyang mahina talaga ang depensa niya pagdating dito.
“Tara na sa loob,” sabi na lamang nito nang mahimasmasan sila. “Mag-merienda na muna kayo.” Patingin-tingin ito sa kanya na parang nabibigla pa rin.
Pagdating sa dining room ay napakapit siya sa braso ni Leandro at parang batang nagtago rito nang makita ang mga magulang at kapatid na babae ni Leandro. “Mommy, Daddy, what brought you here?”
“Wala lang naman, gusto lang naming magbakasyon. Namiss ko itong dagat,” nakangiting sabi ng mama nito nang bumaling sa kanya. “Good afternoon, Sister…” Tila hinihintay nitong dugtungan niya ang sinabi nito.
“Good afternoon din po. I’m Sister Mary Anthony from Saint Clare of Assisi Monastery,” kinakabahang sabi niya bagaman nakangiti. Sana ay hindi siya makilala ng mga ito or at least nakalimutan na ng mga ito ang mga nangyari dati. Nang makalapit sila ay shocked na napahawak sa dibdib ang kapatid nito. Siguradong nakilala siya nito at hindi nga siya nagkamali nang magsalita ito.
“Wait! You’re familiar! OMG!” Hindi niya alam kung paano mag-re-react. Baka ipalapa siya ng mga ito sa mga doberman na nagkalat sa mansiyon. “Ate Tiffany.”
“Y-yes.”
“Ate Tiffany, kumusta ka na? I’ve never heard anything from you after you kick kuya’s ass.”
“Shut up, Lisa,” pikon na sabi ni Leandro sa kapatid na binalewala naman nito habang ang mommy naman nito ay iiling-iling lang at tuloy lang sa pagkain ang daddy nito. “I’m gonna change clothes first. Will you be okay here, baby- er Sister?”
“Yes,” tipid ang ngiting sabi niya rito. Napalingon siya kay Lisa nang marinig ang pinipigilang tawa nito. Bakit ba kasi tinatawag siyang baby ni Leandro? Obvious naman sa suot niyang abito na dapat ay off limits siya. Oo, at kanina pa niya gustong kiligin sa endearment na iyon na parang natural na lumalabas sa bibig nito pero nanindigan pa rin siya. Dapat na laging on guard siya at bakuran ang puso niya mula sa gwapong lalaki.
Nang makaalis ito ay saka siya patuloy na inintriga ni Lisa at maging ang ina nito ay nakisali na. “So how did you and my brother meet again?”
Dumating ang pagkain nila at nagsimula na siyang magkuwento kung paano niya natagpuang natutulog si Leandro at tinulungang magtago sa kumbento. “Then the cops came after a while."
“So that’s it?”
“Yes, why?”
“You know my brother is still single. Did he not kiss you or anything?”
"H-huh?" Alam niyang namumula ang buong mukha niya dahil sa itinanong ng makulit na kapatid ni Leandro. Paano ba naman ay naalala niya ang halik nito nang gabing makita niya ito. It was so surreal, beautiful, and hot.
“Lisa,” saway ng daddy ni Leandro. “Will you listen to yourself?”
“Okay, I’m sorry, ate. But I can’t help it. You’ve become prettier and I loved you more for that. To be honest, you are the prettiest among kuya’s exes. If you’re not wearing a habit and a veil, I’ll ask kuya to marry you right away.”
“Lisa, I’m warning you.”
“Okay, okay,” anito at umaktong nag-zipper ng bibig.
“Gusto ko po palang kunin ang pagkakataong ito para humingi ng paumanhin sa ginawa kong gulo dati. Alam kong matagal na po iyong nangyari pero wala pong araw na hindi ako nakakaramdam ng guilt kapag naaalala iyon. Wala pong excuse sa ginawa ko.” Nagulat pa siya nang sabay na tumawa ang mga magulang ni Leandro habang si Lisa naman ay nakangisi lang.
“Oh hija, don’t be crossed,” nahihiyang sabi nito. “It’s fine now. I was shocked with those stunts, but it’s okay now,” sabi nito at nginitian pa siya para iparamdam sa kanya na wala nang problema. “Ito kasing daddy ni Lean, gustong ipakasal sa anak ng isang business associate. My son, Lean, your date before, used to be playful kaya hayun naisipan naming ipakasal na lang siya.”
Ginatungan pa iyon ni Lisa. “It was okay, ate. I mean, it was so funny,” tatawa-tawang sabi nito. “That was so cool. After all, he deserved that. But, you seemed to love kuya very much. You were hysterical when you saw him unconscious. Inawat ka pa nga ng security ng hotel pero bumalik ka pa para mag-sorry nang paulit-ulit kay kuya kahit knockout.”
“I did not!" Dama niya ang pag-iinit ng mukha. Kasabay noon, nakadama siya ng lungkot. Ibig sabihin, hindi nito sinabi sa mga magulang na pormal silang naging magkasintahan. Oh baka naman siya lang naman talaga ang nag-isip na pormal sila. All along, she was just one of his dates and bedmates when she thought he was the one for her. That hurt her a lot.
“Yes, you did! You even kissed him on his cheeks, nose, forehead, and lips, saying you were sorry and wouldn’t do that again. ‘If that would make you happy, I would let you go, just wake up, my Andoy!’” Puno ng emosyon ang panggagaya nito. Hindi niya masyadong maalala iyon dahil umaapaw ang emosyon niya niyon. Lalo pa siyang kinabahan dahil sakto naman ang pagbalik ni Leandro. Alam niyang narinig nito lahat ng sinabi ng mga kapatid nito kaya pilit na lang siyang nag-deny.
“I did not!”
“Yes, you did, Sister.”
“Hindi ko na masyadong maalala. Pero sigurado akong hindi ko sinabi iyon.”
"You did, my dear Sister," nakangising sabi nito. "I wished I brought my camera. Parang taping talaga iyon."
“I guess you have a strange way of showing love and affection, Sister Mary Anthony," gatong naman ng kuya nito sabay kindat sa kanya.
“Leandro!” Pinilit na lang niyang magmukhang inis dito para pagtakpan ang hiyang nararamdaman.
“She’s blushing, kuya!”
“Lisa, kapag hindi ka tumigil, papupuntahin ko dito si Alessandro,” tukoy ng ama sa anak ng isa sa mga business partners nito. Gulat na gulat pa siya nang biglang tumahimik si Lisa at hindi na kumibo. Nang tumingin siya kay Leandro ay tinanguan lamang siya nito at sinenyasang ituloy niya ang pagkain.
Pagkatapos kumain ay inihatid siya ni Leandro sa guest room. Gulat na gulat siya nang makita ang mga damit at gamit niya sa closet. Paanong nangyaring puro sa kanya lang iyon kung marami itong naging babae? Nagtataka man, kinuha niya ang paborito niyang pambahay at isinuot iyon. Maya-maya’y dumating na si Yaya Meling upang kunin ang abito at belo niya para labhan. Ayaw niya sana pero nagpumilit ito kaya pinagbigyan niya. Matutuyo naman daw agad iyon kaya maisusuot niya iyon bago mag-dinner. Nang makaligo at makapagbihis, pinagmasdan niya ang kabuuan ng silid at napangiti. Naalala niyang iyon ang madalas niyang kuwarto kapag dinadala siya ni Leandro sa rest house at nandoon ang mga magulang. Kapag silang dalawa lang, nasa kuwarto siya nito o ito ang lumilipat sa guest room.
Nakarinig siya ng pagkatok at bumukas din iyon. “Tiffany, I’m sorry but your habit-” Bigla itong natigilan at nanatiling nakatitig sa kanya.
“Leandro?”
Para itong natauhan at mabilis na nagsalita. “Nasira ang habit at veil mo habang nilalabhan. Pasensiya na papalitan na lang namin. We will call you kapag dinner na.” Isinara agad nito ang pinto. Nang buksan niyang muli ang pintuan ay nakita niyang nagmamadali itong maglakad at bumaba ng hagdan.
“He’s weird,” sabi na lang niya.