Namumugto ang mga mata ni Tiffany habang nasa biyahe papuntang kumbento. Buong gabi siyang umiyak nang makita ang balita. Alalang-alala siya kay Leandro nang malamang ipinakidnap ito ng kanilang vice governor. Makakahinga na sana siya nang maluwag nang makita ang larawan ng mga ito na kahalikan si Stacy Ferrer, isa sa mga reporters na nag-cover ng balita. Alam niyang isa ito sa mga ex ni Leandro. Isa kasi ito sa mga pinag-awayan nila dati. Hanggang ngayon pala ay nakabuntot pa rin ito. “Parang ikaw.” Pero bakit naman ganoon si Leandro? Nangako na ito sa kanya pero umulit na naman. Totoo nga siguro ang kasabihang “Once a cheater, always a cheater.” Okay naman sana sa kanya eh. Naisip niya pang baka ang babae ang humalik at nasaktuhan lang sa camera kaya tinawagan niya ito pero hindi nito

