ERIN'S POV Maaga akong nagising, hanggang ngayon masakit pa rin ang ulo ko. Kahapon pa pag-uwi namin ni Syd. Kaya naman medyo nahihilo ako. Ilang oras ko ipinikit ang mata ko. Para mawala na rin ang sakit ng ulo ko. Kailangan ko pang puntahan si Jariah. Paalis na sana ako ng condo ng bumungad sa pinto si Nadia. Agad na napataas ang kilay ko. Ano namang kailangan niya? "Anong ginagawa mo dito?" bored na tanong ko sa kaniya. " May gusto lang akong sabihin sayo," sabi niya. Lumapit siya sa akin, tinitigan ko naman siya sa mata. Pero nagulat ako ng sampalin niya ako. "Kahit na anong panlalandi mo, hindi mo makukuha si Syd. Ilang araw ka wala mula nang umalis ang asawa ko. Alam kong magkasama kayo, pero sinasabi ko, hanggang parausan ka lang niya," mahabang sabi ni Nadia. Tumawa nama

