ERIN'S POV Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ko ng imulat ko ang mata ko. Dama ko ang mainit na katawan ni Syd na nakabalot sa katawan ko. Hindi ko maiwasang hindi siya titigan. Mas lalo siyangnakaka-attract tignan. Mas nag-matured ang itsura niya. Ang gwapo niya at hindi ko ide-denied yon. Pero sa tuwing maalala ko ang lahat ng ginawa niya sa akin, hindi ko rin maiwasang hindi magalit. Lalong nag-iinit ang dugo ko at pagnanasang makaganti sa kaniya. Noon sabi ko sa sarili ko sapat na sakin ang lahat ng nangyari, hindi ko na nanaising maghiganti. Pero sa tuwing makikita ko silang masaya ni Nadia doon nagsimulang umusbong ang galit ko sa kanila. Kung paano niya ako lokohin hanggang sa mabuntis niya si Nadia. Puro galit ang nasa puso ko at paghihiganti. Lahat ng iyon, naalala ko s

