ERIN'S POV Kanina pa tawag nang tawag si Syd. Kita ko ang pag-ring ng cellphone ko at amg pangalan ni Syd ang nakikita ko. Muli kong tinungga ang alak na nasa baso. Ayoko siyang makausap. Hindi ko maintindihan bakit ako ganito. Bakit nasasktan na naman ako. Tama naman si Nadia, kahit kailan hindi ko siya kayang bigyan ng anak. Hindi na dapat ako ganito, pero pagdating talaga ssa issue na iyon nanghihina at nasasaktan ako. Totoo naman na kaya ako iniwan ni Syd at pinagpalit kay Nadia dahil kaya ni Nadia na bigyan siya ng anak. Bagay na hindi ko kayang ibigay. Ako yung nasaktan, pero bakit parang ako na naman ngayon? Tama ba tong pinasok ko? Ang bawiin si Syd sa kaniya? O pinapaikot na naman ako ni Syd? Ayoko dumating sa punto na muli na naman akong mabaliw kay Syd. Ayokong tuluyan a

