NADIA'S POV Muli kong hinalikan si Syd pero umiwas siya. Kaya naman hindi ko na natiis at nagsalita na ako. "What's wrong, babe?" tanong ko sa kaniya at pilit na hinhalikan siya. "Let's talk, Nadia." Napatigil ako sa sinabi niya kaya naman tinignan ko siya. "Maghiwalay na tayo," sabi niya na ikinagulat ko. "What? This is a joke?" tanong ko sa kaniya. "Nadia, I know that you know. Matagal nang walang namamagitan na pagmamahal sa ating dalawa. Hindi ko pababayaan ang responsibilidad ko kay Jariah," sabi niya pa kaya napatayo ako. "No, hindi ako papayag na makipaghiwalay ka sa akin, Syd! Dahil ba kay Erin? After all, Syd?!" sambit ko sa kaniya. Tumayo na rin siya. "Tell me! Dahil ba kay Erin?! Kaya hihiwalayan mo ako? No way, Syd! Akin ka lang! Pag-ari kita, Syd! Akin ka!" sabi ko at

