ERIN'S POV Prente akong nakaupo nang marinig ko ang doorbell. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang tumayo at pagbuksan kung sino ang nag-doorbell. Laking gulat ko ng makita si Riley na nakatayo sa harap ng unit ko. "Riley," nakangiting sambit ko kahit nagulat ako sa pagdating niya. "For you," sabi niya at may dalang flowers. Napangiti na lang ako. Ang sweet niya naman. "Pasok," pag-aya ko sa kaniya bago pumasok. Hindi pa man ako nakakaupo nang muling may mag-doorbell. Napataas ang kilay ko. Kahit na nagtataka ay binuksan ko ang pinto ng unit ko. Mas nagulat ako nang makita siya. "Syd?" tanong ko sa kaniya. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Bakit ba hanggang ngayon na-attract pa rin ako sa kaniya? Hindi ko na dapat ito maramdaman! Pero agad na napatingin siya sa dala ko. Ang

