Ilang sandali kaming kinain ng katahimikan. Wala kaming naririnig kung hindi ang buhos ng ulan at ilang sasakyan na dumaraan. Meron din ilang tumigil na sa 'di kalayuan.
Halos kalahating oras na pala kaming stranded. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom. Hindi ko alam kung naririnig ba ni Sir ang pagkalam ng tiyan ko. Naalala ko bigla ang cookies sa bag ko at kinuha iyon.
"Ah, Sir... Gusto niyo po?" nahihiya kong alok.
Tiningnan niya ang hawak ko. "I'm fine. Kainin mo na 'yan."
Hinayaan ko na lang at sinimulan kong kagatan ang cookies. Nakakalahati ko na iyon nang maisipan ko ulit itong alukin.
"Sir, ayaw mo po talaga? Tikman n'yo lang po. Ako po ang nag-bake nito. Don't worry malinis po ito." Pangungumbinsi ko sa kan'ya.
Hibdi ko alam kung saan ako humuhugot ng kapal ng mukha para kulitin siya Basta alam kong nagugutom na rin siya kahit hindi niya sabihin.
Tiningnan niya ako sandali bago tumingin sa inaabot kong cookies. Agad akong napangiti nang kunin niya iyon.
"Thanks..." matipid nitong sagot.
Binuksan niya iyon at pinanuod ko siya habang dahan-dahang kumakagat.
Tumango-tango ito. "Hmm... I don't eat sweets but this one is good. You really baked this?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.
Napaisip ako sa sinabi niya. Hindi siya kumakain ng sweets? Paano 'yong mga chocolates at brownies na kasama ng mga notes na lihim kong iniipit sa table niya?
"Yes, Sir. Bata pa lang ako mahilig na akong mag-bake with my Mom. It's our bonding. Kung gusto niyo po bibigyan ko po kayo kapag nag-bake ulit ako," nakangiti kong sagot.
"Really?"
"Oo naman, Sir! It's my pleasure na matikman niyo po ang mga gawa ko. Ano po bang favorite mo? or any dish po na gusto niyo?" pasimple kong tanong. Wala naman sigurong masama kung aalamin ko ang ilan sa mga gusto niya.
Ilang sandali bago ko ito marinig sumagot. "Beef lasagna."
"Talaga po? marunong po akong gumawa niyon," proud kong sagot.
"Really? You can also cook?"
"Yes, Sir. Marunong din po akong magluto ng ilang dish. Lagi kasi akong tinuturuan ni Mommy para daw alam ko ang mga recipes sa restaurant namin."
"I see..." tumatangong sagot ni Sir.
Naubos namin ang mga cookies at masaya ako na mukhang nagustuhan naman iyon ni Sir.
Nakita ko ang hawak na tumbler ni Sir Lance. Binuksan niya iyon at inilapit sa 'kin. Nagtatakang tiningnan ko siya.
"Water. Here, drink this."
"Po? Okay lang po ako, Sir. Sa inyo na po 'yan."
Pakipot?
"It's okay. You shared your cookies with me. I'll share my water. Go, take this."
Totoo ba? Tila nagtatalon ang mga bulate ko sa tiyan sa sobrang saya. Napakagat ako ng labi nang kunin ko iyon mula sa kan'ya. Dahan-dahan akong uminom. Kulang na lang ay halikan ko ang palibot noon pero syempre pinigilan ko ang sarili ko.
OMG. Nakikita ko lang 'to noon sa table ni Sir ero ngayon iniinuman ko na. Parang gusto kong ipagsigawan ang bagay na 'yon.
Nang matapos ay binalik ko iyon sa kan'ya. "Thank you, Sir."
Pero matutuluyan na yata akong hihimatayin nang makitang uminom din si Sir sa tumbler na 'yon after ko.
Did we just shared his tumbler? My Gosh...
Hindi ko alam kung bakit hindi siya masungit noong oras na iyon pero masaya akong nakausap si Sir kahit paaano. Unlike sa campus na halos hindi siya namamansin. Pero alam ko, mabuti siyang tao dahil lagi niya akong tinutulungan sa tuwing nakikita niya ako.
Maya maya ay tumunog ang cellphone niya hudyat na may signal na ito.
Agad niyang pinatawagan sa akin si Mang Nestor at nalaman kong na-stranded din pala ito sa daan.
Hinatid ako ni Sir sa bahay pero wala pa rin sina Mom and Dad. Sobra ang pasasalamat ni Manang Ester kay Sir Lance dahil sa paghatid nito sa akin.
Halos ayaw pa niyang pauuwin si Sir at inalok na kumain sa loob ngunit tumanggi na ito dahil kailangan na rin daw nitong umuwi.
As expected, sobrang nag-alala sina Mom and Dad nang ikwento nina Manang ang nangyari nang makauwi ang mga ito. They were also thankful sa pagmamagandang loob ni Sir Lance na ihatid ako.
"Talaga? Napakaswerte mo naman, girl! Imagine, ikaw pa lang yata ang estudyente dito ang naisakay ni Sir!" Kinikilig na wika Emma.
"True. Ang haba-haba ng hair mo. Natatapakan ko na ng, oh!" wika naman ni Gail na ikinatawa namin.
Napailing na lang ako habang 'di ko naman mapigilan mapangiti.
"So, ano namang napag usapan niyo sa loob ng sasakyan niya habang stranded kayo?" tanong ni Emma.
"Hmm... wala naman. About sa school lang at... kumain,"
"Kumain ng ano?" Nanlalaki ang matang tanong nito.
"Kumain ng cookies na dala ko. Ano bang iniisip n'yo?" natatawa kong tanong.
"Ay sayang! Dapat sinunggaban mo na. Kung ako iyon pinapak ko na si Sir!" biro ni Emma sabay halakhak nang malakas. Nag-apir pa sila ni Gail.
"Hoy! Tumigil nga kayo. Ang dudumi ng isip niyo. Alam naman nating lahat na gentleman lang si Sir kaya tinulungan si Hana," saway ni Jona sa mga ito at binalingan ako, "Mabuti na lang at safe kayong nakauwi. Siguradong sobrang nag-alala sa'yo sina Tito at Tita."
"Sinabi mo pa."
Pagtapos ng kalse ay nagpasama ako kay Jona sa isang Mall. Kailangan ko kasing bumili ng mga ingredients para sa mga plano kong i-bake sa mga susunod na araw.
Agad akong nagsimulang kumuha ng mga ingredients nang makarating kami sa loob ng baking supplies store.
"Ang dami naman yata niyan? Anong mayroon?" takang tanong ni Jona sa akin nang makita ang laman ng cart ko.
"Wala. May mga susubukan kasi akong bagong recipes," nakangiti kong sagot dito.
"Hmm, exciting. Wag mo akong kalimutan bigyan, ha?" malawak ang ngiting wika nito.
"Ikaw pa ba?" sagot ko sabay ngisi.
Dinala muna namin sa kotse ni Jona ang mga pinamili ko dahil napagpasyahan rin naming magtingin ng mga damit. Parehas kaming mahilig mag-shopping at isa siguro iyon sa mga dahilan kung bakit kami naging bff mula high school.
Kumuha ako ng ilang damit at shorts. Marami-rami na rin akong napili kaya napagpasyahan ko nang sundan si Jona sa fitting room. Malapit na ako roon nang maaninag ko ang isang bulto na nakatayo sa labas no'n.
Pamilyar sa akin ang tindig at katawan nito. Maging ang buhok ay kilalang-kilala ko. Pero anong gagawin nito sa Ladies' section ng department store?
Habang papalapit ay mas lalong lumalakas ang hinala ko kung sino iyon kasabay ng malakas ring pagkabog ng dibdib ko. Ganoon pa man ay hindi ko mapigilan ang mapangiti nang makalapit ako sa likuran nito.
"Hi, Si-- " naputol ang pagbati ko sana rito nang biglang lumabas mula sa fitting room ang isang babae. Bahagya akong natigilan nang makilala ito. Si Miss Geneva.
"Let's go? I'm hungry," She said while smiling sweetly at him at agad na kumapit sa braso ni Sir.
Agad akong tumalikod at bahagyang lumayo para hindi nila ako makita dahil hindi ko alam paano silang haharapin gayong kumikirot ang dibdib ko. Wala akong nagawa kung hindi panuorin sila habang papalayo.
"Hana? Ano pang ginagawa mo rito? Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?"
Narinig kong tinig ni Jona. Hindi ko na namalayan na nasa tabi ko na pala ito.
"W-Wala. Hinahanap kasi kita," pagsisinungaling ko.
Hanggang sa makarating sa bahay ay hindi nawala sa isip ko ang nakita ko kanina at ramdam ko ang lungkot sa puso ko. Maraming thoughts ang pumapasok sa isip ko at hindi ko makuhang matulog.