Chapter 10

1091 Words
Mabigat man sa pakiramdam ay hindi pa rin ako susuko. Wala naman masama sa ginagawa ko. Gusto ko ang ginagawa ko at isa pa, masaya ako na maipakita kay Sir na special siya sa akin. Hindi man niya alam sa ngayon, malalaman niya rin sa tamang panahon. Hindi ko kinalimutan ang nabanggit niya sa akin na isa sa paborito niya ang beef lasagna kaya nag-bake ako kanina bago pumasok sa school. I promised him na ipatitikim ko sa kan'ya ang mga luto ko kaya napagplanuhan ko na iabot sa kan'ya iyon ng personal. Marahil ay maging simula na rin ito na maging open ako sa nararamdaman ko at hindi ko na kailangan magtago. Napangiti ako nang malawak no'ng makita ko itong pababa ng kotse niya. Agad akong tumakbo palapit dito. "Good morning, Sir!" masiglang bati ko. Pasimple akong suminghot ng sumalubong sa ilong ko ang paborito kong mabangong amoy nito. Napakagwapo talaga niya lalo na sa ganito kalapit. Kitang-kita ko ang makinis nitong mukha. Ang magagandang mata na may makakapal na kilay. Ang matangos nitong ilong na tila ba hinulma para maging perpekto at ang mapupula nitong labi na siguradong malambot. Minsan iniiisip ko kung tao ba talaga siya. Nakarinig ako ng pagtikhim na nagpabalik sa akin sa realidad. "What are you doing here, Miss Dela fuente? You'll be late," kunot-noong tanong ni Sir. "Ah, Sir... Gusto ko lang pong ibigay sa inyo itong ginawa kong beef lasagna. Sana po magustuhan mo..." Inabot ko sa kan'ya ang dala kong container. Bahagyang kumunot ang noo nito pero tumalon ang puso ko sa tuwa nang kuhanin niya iyon. "You shouldn't have bothered but... thank you, Miss Dela fuente." "You're welcome, Sir!" "Let's go. May klase pa tayo." Mas lalong lumaki ang ngiti ko sa narinig. Halos sabay kaming lumakad kaya pinagtitinginan kami ng mga estudyante. As expected nakataas pa ang kilay ng ilang babae sa akin na nadadaanan namin pero kapag babatiin na si Sir ay bigla silang umaamo. Habang ako naman ay hindi pa rin mapigilang mapangiti sa kilig na nag-uumapaw sa dibdib ko. Nawala lang ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Marco sa labas ng classrom. Ano na naman ang ginagawa nito? "May ibibigay sa'yo. Tara sa kotse," Alagad bungad nito nang makalapit ako sa tapat ng room. "May klase ako, Marco," masungit kong sagot dito. Balak ko na lang sana itong lagpasan ngunit hinawakan niya ang braso ko. "Ang aga mo naman magsungit. Tara, sandali lang-." "Let go of her. We have a class, Mr Guzman. Go to your classroom now." Napalingon ako kay Sir Lance na nagsalita. Hindi pa pala ito nakakapasok sa loob. Nakipagtitigan si Marco kay Sir at hindi pa rin ako binitiwan. Naglipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Nakita ko kung paanong nagdilim ang mukha ni Sir na noon ko lang nakita. Nag-igting rin ang panga nito. "Let go of her," madiing utos muli ni Sir. Hindi naman ako makapaniwala na kayang makipagtinginan nang masama ni Marco sa isang professor. Especially, sa kagalang-galang na professor dito sa Maxville na si Sir Lance. Naramdaman ko ang unti-unting pagluwag ng hawak ni Marco sa braso ko. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para makaalis at mabilis na lumapit sa pinto kung saan nakatayo si Sir. "Take your seat." Utos sa akin ni Sir. Nilingon ko pa muna si Marco na noon ay salubong ang mga kilay habang masamang nakatingin kay.Sir bago ako tuluyang pumasok. Nakita ko pa ang mga nakikiusyosong tingin ng mga kaklase ko. Araw-araw pa rin akong nagbibigay ng notes kay Sir na may kasamang food na ako mismo ang gumagawa. May dala rin ako para sa amin nina Jona, Emma at Gail. Hindi ako sigurado kung kinakain ba iyon ni Sir pero hinihiling ko na lang na sana oo. Pakiramdam ko naging mas magaan ang loob namin sa isa't isa mula noon. Nabawasan na kasi ang pagiging mailap niya sa akin. Kasalukuyan akong nagsasalang ng Pizza garlic bread sa oven na itinuro sa akin ni Mommy. "Sinisipag yata ang baby girl ko mag-bake, ah? Anong meron, hmm?" tanong ni Mommy na kapapasok lang ng kitchen. Nginitian ko siya at nilapitan. "Good morning, Mom." I kissed her cheek. "Ang bilis mo talaga matuto. May pinagbibigyan ka ba?" Natigilan ako nang bahagya pero agad din naman akong nakaisip ng isasagot. "Yup, 'yong mga friends ko po. Sina Jona ang tiga-tikim kung pasado." Ngumiti si Mom sa akin. "I'm sure lahat ng luto mo pasado. Mana ka yata sa akin?" ani Mom na ikinatawa namin dalawa. Pagdating sa school ay agad akong dumiretso sa faculty room at katulad noong mga nakaraang araw ay wala pa nga ang mga professors doon. 8 AM ang start ng classes kaya I always make sure na mauuna ako sa kanila. Lumapit ako sa table ni Sir at inilapag doon ang tupperware na naglalaman ng mainit pa na pizza garlic bread at notes na nakadikit sa takip nito. I hope your day is as special as your smile. Good morning, Sir! :) Matapos kong mailapag nang maayos iyon sa table ni Sir ay agad din akong tumalikod at lumakad papunta sa pinto. Naisip kong kuhanin ang phone sa bag para i-text si Jona. Mula sa phone ay nakita kong 3 minutes before 8 AM na lang kaya binilisan ko ang paglakad pero pagbukas ko ng pinto ay bumangga ako sa isang bulto at nahulog ang bag na hawak ko. "Ay, anak ng tokwa!" gulat na wika ng taong nakabunggo ko sa pintuan. Agad kong dinampot ang tupperware at wallet na lumabas mula sa bag ko at tiningala ang taong iyon. Nakita ko si Sir Antonio. Ang Prof ko sa economics na may katabaan at malaking tyan. "Naku, Sir sorry po! Hindi ko po sinasadya." "Ikaw pala yan, Miss Dela fuente. Nasaktan ka ba? Ano ba ang kailangan mo at nandito ka?" "Ayos lang po, Sir. Ahh... ano po kasi..." nagkanda utal-utal kong sambit. Ano nga bang ipapalusot ko? Nakita ko ang tinapay sa kamay ko. "Ah, Sir ipapatikim ko lang po sana ang ginawa ko. Iyan po kasi ang isa sa mga entry ko para sa contest na sasalihan ko." Binuksan ko ang tupperware. Lihim akong napangiwi sa kasinungalingang lumabas sa bibig ko. "Ganoon ba? Mukhang masarap nga iyan ah?" Agad itong kumuha ng isa at kinagatan iyon, "Hmm, masarap nga at mainit-init pa. Siguradong papasa ito." Ngumiti ako rito. "Salamat po, Sir." "O, siya pumasok ka na sa klase mo. Alas-otso na." Pagtataboy niya sa akin. Napabuga ako ng marahas na hininga nang maisara ko ang pinto. Muntik na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD