Chapter 11

1090 Words
Lance Del Mundo POV Exactly at 8 AM nang makarating ako sa school na pinagtuturuan ko. Dumiretso ako sa faculty room para ibaba muna ang ilang gamit ko sa table. Naroon na rin ang iba ko pang co-teacher at agad kaming nagbatian. Nangunot ang noo ko nang makita ang isang lalagyan sa ibabaw ng mesa ko. Kinuha ko ang maliit na sticky note at binasa. Tumaas ang isang sulok ng labi ko at napailing. Napansin ko ang pagkain sa loob ng lalagyan. Halos araw-araw akong nakakatanggap ng note at food sa table ko at hindi ko pa rin alam kung sino ang gumagawa niyon. Nilibot ko ang tingin sa buong kwartong iyon. Napako ang tingin ko sa isang co-teacher ko na si Mr. Antonio. Kasalukuyan itong ngumunguya habang hawak sa isang kamay ang isang tinapay na mukhang kaparehas ng nasa table ko. Hindi ko alam ang iisipin ko. Hindi kaya... Pinilig ko ang ulo sa naisip. Hindi naman siguro. Ang alam ko ay may pamilya na ito. Inayos ko na ang gamit at nagtungo sa unang klase ko. Pagpasok ko sa room agad nanahimik ang buong klase na kanina lang ay maingay. Napansin ko sa unahan ang grupo nina Dela fuente at Cruz na kumakain. Nabaling ang atensyon ko sa kinakain ng mga ito. If I'm not mistaken, kaparehas din niyon ng nasa table ko. Agad naman ang mga itong tinago ang hawak. It's almost lunch time and I can't stop thinking kung sino sa mga ito ang nag-iwan ng pagkain sa table ko. Noong una wala naman talaga sa plano ko ang alamin iyon because I have this feeling na isa na naman iyon sa mga estudyante ko. I was so used of receiving gifts from my previous students but this one is different. Maybe that's why I was so curious. Gusto ko ring malaman para mapatigil ko na ito sa ginagawa. I decided to just spend my lunch break in the faculty room since I have to revise some lessons. I opened my laptop but I noticed the container on the side of my table. Sayang naman kung masisira lang. I don't usually eat food na hindi ko alam kung kanino galing pero nakakapagtakang lahat ng binigay ng kung sino man na iyon ay kinain ko. I must admit. All of it were delicious. I was about to grab it to re-heat it when Mr. Antonio entered the room. Bigla ay may naalala ako nang makita ito. I was a bit hesitant but I've made up my mind. I want to end this game. "Mr. Antonio? Can I ask you something?" tanong ko rito nang makaupo ito sa table nito na katapat ko lang. "Sure. What is it, Mr. Del Mundo?" "Can you tell me where did get or who gave you the bread you were eating this morning?" Bahagyang kumunot ang noo nito at tila saglit na nag-isip. "Ah, iyon ba? Si Miss Dela fuente. Bakit mo naitanong? Nakakatuwa talaga ang batang iyon." I knew it. Hana Dela Fuente POV The next day halos takbuhin ko ang daan papunta sa parking lot kung saan madalas mag park si Sir Lance. Tapos na ang klase at nagsi-uwian na ang mga estudyante. Nakita ko ang likod ng itim na sasakyan ni Sir na naka-park sa bandang dulo at nakaharap sa pader. Lumingon-lingon ako sa paligid para masiguro na walang makakakita sa akin bago lumapit nang tuluyan. Dahan-dahan ko iyong inipit sa windshield ng kotse ni Sir. I was about to leave but I stiffened nang makita ko ang bintana sa gilid ko na unti-unting bumababa. Kasabay ng pagbaba ng bintana ay siya namang pagbilis ng kabog ng dibdib ko. Napalunok ako nang magtama ang mata namin ni Sir Lance. I'm so dead... Hindi ko akalaing nandito siya. Parang nanigas ang buong katawan ko sa oras na iyon. Ilang sandaling walang nagsasalita sa amin. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't-isa. It was always hard to read him. Sumusukong nagyuko na lang ako ng ulo at napakagat sa ibabang labi ko. Wala na akong mailulusot pa. He caught me off guard. "So... it's you..." mahinang saad niya. Nag-angat ako muli ng tingin at nasalubong ko ang mga matang iyon. "May I know why are you doing this, Miss Dela fuente? Muli akong napalunok sa tanong na iyon. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ako handa. "Sir... B-because I.. I..." Hindi ko maapuhap ang mga salita. Parang hihimatayin ako sa kaba at takot na nasa dibdib ko. Nanatiling seryoso lang ang mukha nito at nakatingin lang sa mga mata ko. He heaved a deep sigh. "I want you to know that I appreciate what you did. But... I hope this would be the last time na gagawin mo ito. Please don't waste your time doing such things and focus on your study instead. Do you understand?" Hindi ko nagawang sumagot agad. Simple akong humugot ng hangin kasama na ang lakas ng loob "Miss Dela fuente? Did you hear m-" "Because I like you. Gusto kita, Sir..." Lakas loob na pag-amin ko. Hindi p'wedeng hanggang dito na lang matatapos lahat ng efforts ko. Hindi nakaligtas sa akin ang gulat na rumehistro sa mukha niya pero saglit lang iyon dahil agad rin itong muling nag seryoso at hindi ko na naman mabasa ang reaksyon niya. He didn't answer. Wala ba siyang sasabihin? Nararamdaman ko ang mas lalong pagkirot ng dibdib ko. Parang kong nauupos na kandila. Yumuko ako nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko. Ilang sandali kaming kinain ng katahimikan. Balak ko na sanang umalis at tumakbo pero narinig ko itong muling magsalita. "You can't... and you know that. It's better kung... sa iba mo na lang ibabaling ang atensyon mo, Miss Dela fuente. Just... just stop this nonsense thing. I am your... Professor," saad nito sa seryoso at mariing tono. Pakiramdam ko literal na sinaksak ng kutsilyo ang puso ko. Nonsense? Tinawag niya bang nonsense ang mga ginagawa ko? Lahat ng efforts ko nonsense para sa kaniya? Tuluyan nang bumagsak ang mga luhang naipon sa mata ko. "You're so mean, Sir..." Puno nang hinanakit na sambit ko. Hindi ko na kayang tumingin sa mga mata niya kaya mabilis na akong tumalikod at tumakbo palayo. Nakita ko si Mang Nestor na paparating lulan ng sasakyan namin kaya sinalubong ko na ito at agad sumakay sa backseat. Sinubsob ko ang mukha sa mga palad ko at doon ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. I didn't know na ganito pala ang pakiramdam na ma-reject. Akala ko okay na ang lahat. Akala ko okay kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD