Chapter 4

1647 Words
Hana Dela Fuente POV "Argh," daing ko at agad napahawak sa ulo dahil sa sobrang sakit niyon. Naparami 'ata ang nainom ko dahil sa alak na natripan naming inumin kagabi. Nakita ko na suot ko pa rin ang dress sinuot ko kagabi pero wala na ang heels ko. Bigla akong natigilan nang alalahanin ang mga nangyari kagabi. Ang natatandaan ko ay tumakas ako kagabi at pumunta kami sa isang bar kung saan gaganapin ang despedida party ni Trina. Masaya kaming nag-inuman hanggang mag-aya sila na sumayaw sa dance floor kahit nakakaramdam na ako ng pagkahilo. Hindi malinaw sa akin lahat pero parang nakita ko si Sir Lance kagabi at.. hinatid ako pauwi. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. Si Sir Lance nga ba talaga 'yon o panaginip ko lang na nakita ko siya at siya ang naghatid sa akin dito sa bahay? Impit akong napasigaw sa unan at halos sabunutan ko ang sarili. "Bakit ka ba kasi nagpakalasing, Hana? Ang tanga-tanga mo!" pagalit ko sa sarili. Paano kung siya nga iyon? Ano naman kaya ang mga pinaggagawa ko? Siguradong nakakahiya kay Sir. Hinanap ko ang bag na dala ko kagabi pero wala iyon maging ang phone ko. Mas lalo tuloy lumalakas ang hinala ko. Tatanungin ko si Jona mamaya. Tiningnan ko ang oras at napabalikwas ako ng bangon. Alas nuebe na! Hindi ako nakapasok sa klase ni Sir Lance! Mabilis akong naligo at nagbihis. Wala na akong balak kumain kaya hindi na ako tumungo sa kusina at dumiretso na sa pinto palabas. Nakita ko si Manang Ester na nagdidilig ng mga halaman at sinabing pumasok na raw si Harvey maging sina Mommy at Daddy. Napangiwi ako. Patay! Mukhang alam na nilang tumakas na naman ako kagabi. "Kanina pa rin kita ginigising pero mukhang masyadong malalim ang tulog mo kaya hindi na kita pinilit," sabi pa nito. Inihatid ako ni Mang Nestor at halos takbuhin ko paakyat para makarating agad sa classroom. Pagdating doon ay nakita kong kasalukuyan nang nagle-lecture ang professor namin sa English kaya hindi ko na tinuloy ang pagpasok. Siguradong pagagalitan lang ako niyon. Napatingin sa akin ang ilan sa mga kaklase ko maging si Jona na pinanlakihan ako ng mga mata. I know. I owe her an explanation. Umalis muna ako do'n at nagtungo sa faculty. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto para sumilip sa loob at maswerte naman na nandoon pa si Sir. Kumatok ako kaya napalingon ito. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib ko nang magtama ang mga mata namin. He really has this effect on me. Pumasok ako sa loob kahit hindi ito nagsasalita. Muling lang nitong tinutok ang tingin sa binabasang libro. "G-good morning, Sir Lance. I-I wasn't able to attend your class earlier b-because.. ahh k-kasi.." Hindi ko talaga mapigilan na mautal sa harapan ni Sir. Ano nga bang idadahilan ko? Na sa sobrang kalasingan ko hindi ako nagising nang maaga? "What do you need?" He asked without looking at me. "M-Mag-tatanong po sana ako about sa topic kanina, Sir." Napakagat ako sa ibabang labi. Kung tutuusin ay puwede naman ako magtanong kay Jona pero gusto ko din talaga siya makausap para may kumpirmahin. May inabot itong ilang piraso ng bond paper na marahil kopya ng lesson kanina. "Take this, We have a quiz next meeting," anito sa seryosong tinig. Kinuha ko iyon. "Thank you, Sir." Hindi ako kumilos para umalis at sandali kaming kinain ng katahimikan. Hindi ko alam paano sisimulan. I cleared my throat. "Sir?" tawag ko sa atensyon nito. Hindi naman ako nabigo nang mag-angat ito ng tingin sa 'kin. "Sir, I just wanna ask... i-ikaw po ba 'yong naghatid sa akin kagabi? I... just wanna say thank you and sorry kung naabala ko po kayo last night," kabadong saad ko. Pigil ang hininga ko habang naghihintay ng sagot nito. Nakakahiya kung mali ako ng hinala. Ni hindi ko pa nga sigurado kung siya talaga iyon. Baka nananaginip lang ako o baka mukha niya lang ang nakita ko sa katauhan ng ibang tao? "It's my responsibility to make sure the safety of my students. I just did the right thing to do," walang emosyong sagot nito at muling yumuko sa binabasa. Napalunok ako at nakahinga nang maluwag sa narinig. So, totoo nga ang mga nangyari kagabi! "Thank you po, Sir. Pasensya na po ulit." Pasimple akong humugot ng malalim na hininga bago lakas loob na muling nagtanong. "Sir, may... may mga nasabi po ba ako kagabi?" Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang sagot nito nang hindi tumitingin sa akin. "Nothing." Tila muli akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. Hay salamat! Mahinang bulong ko sa sarili. Ayoko kasi na mag-isip siya ng hindi maganda tungkol sa 'kin. Nagpaalam na ako at akmang tatalikod pero hindi ko inaasahang tatawagin niya ako. Nilingon ko ito at nasalubong ko muli ang walang ekspresyon na mata niya. "Just... just don't go in a place like that again." I bit my lower lip. Bakit pakiramdam ko parang protective na boyfriend si Sir? Nag-init ang pisngi ko. Assumera! "You may go now," utos nito na nagpabalik sa akin mula sa pangangarap ko nang gising. Mabilis akong lumabas ng faculty at impit na tumili. Pagbalik ko sa classroom ay sinimulan na akong pagalitan ni Jona. Kahit kailan talaga ay parang ate ko ito kung umasta. Hinahanap daw nila ako at inikot ang buong club. Sobra daw itong nag-alala at halos naisipan na nitong tumawag sa bahay at sa pulis pero napagbigyan sila na i-review muna ang cctv sa bar. Nagulat sila nang makita raw nila na si Sir ang kasama kong lumabas pero kahit nagtataka man ay kahit paano naging panatag sila. "Oh my gosh! I still can't believe it. Mabuti at mabait pala si Sir kahit laging masungit," sagot ni Jona. Nahihiya pa rin ako sa tuwing maaalala ko iyon. Sa maliit na posibilidad na makakasama ko si Sir, eh 'yong lasing pa talaga ako ang nasaksihan niya! Nang matapos ang lunch time ay nagmamadali ako lumakad papunta sa parking lot at tamang-tama walang mga tao dahil magsisimula na ulit ang klase. Inipit ko ang blue sticky note sa wiper ng kotse ni Sir. 'Why would I need to know about the solar system? If my whole world revolves around you.' Napahagikhik ako sa sinulat ko do'n. Natapos rin ang mga klase sa wakas at patungo na kami sa parking lot nang mamataan ko si Sir na papalapit sa kotse nito. Napahinto ako at nakaramdam ako ng kaba at excitement dahil for the first time makikita ko ang reaksyon niya. "Jona, mauna ka na pala. Nag-text kasi si Mang Nelson na male-late siya ng dating. Hintayin ko na lang dito. Baka mamaya pa 'yun," nagmamadaling sabi ko sa kaniya. Nakita ko si Sir na pumasok sa loob ng kotse. Hala! hindi niya napansin 'yong note do'n? "Sure ka ba? Pwede kita samahan mag hintay dito," tanong ni Jona. "Hindi na. Baka matagalan pa 'yon. Ayos lang ako dito sige na baka mainip si Manong Gerry!" tukoy ko sa driver niya. Nagtataka man pero nagpaalam na rin si Jona. Tiningnan ko ulit ang kinaroroonan ni Sir. Nakita kong lumabas ulit siya ng kotse at pumunta sa harapan. Sinilip ni Sir ang nasa wiper ng windshield niya at kinuha iyon. Mukhang tiningnan nito iyon at binasa. Sayang lang at hindi ko nakita ang reaksyon nito dahil tumalikod ito. Nang makita kong paalis na si Sir. Bigla na naman akong nakaisip ng kalokohan. Mabilis akong lumabas ng gate at pumara ng taxi. "Kuya, sundan niyo po 'yang itim na kotse," utos ko kay manong driver. Kinuha ko ang phone sa bag at tinext si Mang Nestor na nauna na 'ko umalis dahil may biglaan kaming importanteng project ng classmates ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at naisipan kong sundan si Sir. After 15 minutes na byahe, pumasok ang kotse ni Sir sa parking area ng isang mataas na building. Pinahinto ko rin si Manong sa gilid. Tiningnan ko ang building. Isa iyong Condominium. Dito siguro siya nakatira? Sino kayang kasama niya sa unit niya? Wala pa naman siguro siyang asawa? Or baka may girlfriend? Ouch naman. Lumipas ang mga araw hindi ako pumalya sa pag-iiwan ng mga pick up lines or sweet quotes kay Sir Lance. Siguro takang-taka na ito kung kanino galing ang mga 'yon. Do you want to know a secret? I can't stop thinking about you. Good morning, Sir! :) Hindi ko alam kung natutuwa o naiinis si Sir sa mga nababasa niya, pero sana kahit isa man lang sa mga iyon ay may nakapagpangiti sa kaniya. Okay lang din kung tinatapon man niya. Ang mahalaga alam niya na may isang taong napapasaya niya. At ako 'yon! "Sweetie, bukas na ang pa-welcome lunch ng Ninong Adolfo at Ninang Carol mo," sabi ni Dad sa akin habang kumakain ng breakfast. "Really, Dad? Nandito po sila sa Pilipinas ngayon?" excited kong tanong. 10 years ago na kasi mula no'ng manirahan sila sa Australia. Bestfriend ni Dad si Ninong Adolfo at magiliw sila sa akin ni Ninang Carol kaya malapit din ako sa kanila noon. "Yes, sweetheart at sa isang branch ng restaurant natin gaganapin para sa mga malalapit na kaibigan at kasosyo nila sa negosyo. Kasama rin nila si Alfred." Paliwanag ni Dad na sinang-ayunan naman ni Mom. Si Alfred ang anak nila pero bata pa kami no'ng huling magkita. "Okay po Dad. Excited na 'kong makita sila!" masayang kong sabi. Isang puff sleeve floral dress na kulay light blue ang napili kong isuot. Tinernuhan ko lang iyon ng white flat sandals at hinayaang nakalugay ang bagsak kong buhok na hanggang dibdib. Naglagay ng necklace at nag-make up nang manipis. "Sweetie? Are you done? Bilisan mo raw sabi ng daddy mo. Nauna na sila Ninang mo ro'n!" sigaw ni Mom at kumatok sa room ko. "Yes, Mom. Pababa na po!" sagot ko at lumabas na ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD