Pumunta kami sa isang branch ng restaurant namin. Pagpasok sa loob agad namin nakita sina Ninong Adolfo at Ninang Carol. Tumayo sila mula sa kinauupuan nila at lumapit kami sa kanila.
"Adolfo, Carol, maligayang pagbabalik!" nakangiting bati ni Dad sa kanila at nagyakapan. Ganoon din sina Mom at Ninang.
"Oh my God! Ikaw na ba 'yan inaanak? Dalaga ka na, lalo kang gumanda, Hija." wika ni Ninang Carol nang makita ako.
Ngumiti ako at sinalubong siya ng yakap at beso.
"Welcome back po Ninang, na-miss ko kayo! Kayo din po, Ninong." Nagmano ako kay Ninong.
"Oh, ito na ba si Harvey? Aba ang laki na at ang guwapo." Baling naman nila sa kapatid ko. Nagmano rin si Harvey sa kanila.
"Ito na ba si Alfred? Binatang-binata ka na. Napaka gandang lalaki. Habulin ka siguro ng chicks tulad ng Daddy mo," Daddy said na ang tinutukoy ay ang anak nina Ninong at Ninang.
Tumawa silang lahat. Si Dad talaga. Ipinakilala din nila kami ni Alfred sa isa't isa dahil bata pa naman kami noong huling nagkita. Medyo naaalala ko pa ito.
"Halina na nga kayo at maupo na tayo. Nandito na rin ang mga bisita namin," singit naman ni Ninang at inaya kaming maupo sa isang mahabang mesa.
Ipinakilala rin nina Ninong sina Daddy sa mga bisita bilang owner ng restaurant.
Mukhang exclusive ang lunch na ito para lang sa mga bisita nina Ninang. May dalawang mahabang lamesa ang nakaayos.
Nilibot ko ang paningin sa mga bisita. Hindi naman gaanong marami kaya hindi masikip at tamang-tama lang para makapag-usap nang maayos.
Halos mahulog ako sa kinauupuan ko sa sobrang gulat nang makita ang isang taong hindi ko inaasahang makikita ngayon dito.
Sir Lance? Anong ginagawa niya rito? Nakaupo siya 'di kalayuan kasama sa mahabang table namin.
May kausap itong lalaki na sa tingin ko nasa edad na 50's. Sa isang iglap para akong tumakbo ng ilang kilometro sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko.
Naroon ang kaba at excitement at saya na makita ito ngayon sa labas ng school.
Panay ang tingin ko sa gawi nito pero never pa siyang tumingin sa pwesto ko. Nakita na kaya niya ako kanina?
Hindi nagtagal nagsimula nang magdatingan ang mga pagkain kaya nagsimula na rin kaming kumain.
Masayang nagkukwentuhan ang mga bisita pero halos tungkol sa business ang usapan.
"How's the food? Kain lang kayo marami pa ang dadating," tanong ni Ninang sa mga bisita.
"It's really delicious. Actually, I've been planning to invest here pero hindi ko na yata kakayanin sa sobrang dami ng trabaho ko. Baka bumilis akong tumanda," sagot no'ng lalaking katabi ni Sir kaya napalingon din ako sa gawi nila.
Nagtawanan ang matatanda. Kami lang yata ni Harvey ang bata dito at si Alfred.
"Bakit? Hindi ba si Lance ang nagma-manage ng iba mong business, Lucio?" tanong naman ni Ninong sa lalaking katabi ni Sir Lance.
Bahagya akong natigilan. Kilala nila si Sir?
"You know my son, teaching is his passion like his Mom," nakangiting sagot pa nito.
So, ito pala ang Daddy ni Sir Lance? Kaya pala mahahalatang guwapo ito kahit may edad na. Dito pala nagmana si Sir.
Base sa kwentuhan nila kanina ay business partner ni Ninong ang katabi ni Sir na Dad pala niya.
Iyong babaeng katabi naman ng Dad ni Sir siguro ang Mommy niya. Kaya lang ay hindi naman niya kamukha. Medyo chinita kasi ang ginang.
"Saan ka nga pala nagtuturo ngayon, Lance?" tanong naman ni Ninang dito.
Napalunok ako nang marinig 'yon at pasimpleng tumingin sa direksyon ni Sir. Bahagya akong nabigla nang makitang nakatingin din pala siya sa 'kin. Nagsalubong ang tingin namin na nagpakabog nang husto sa dibdib ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Bakit ba ako kinakabahan?
"Sa Maxville University ho, Mrs. Bustamante," sagot ni Sir.
"Really? Doon rin nag-aaral itong anak kong si Hana. Naging professor mo na ba siya, 'nak?" sabat ni Mommy na nasa tabi ko.
"Y-yes, Mommy. Actually, professor ko po si Sir Lance sa Management." I smiled a bit and bit my lower lip. Inayos ko ang tono ng boses ko para maitago ang kaba at 'di mahalata na apektado ako sa presensya ni Sir.
"Oh, what a small world. Kumusta naman ang unica hija ko? Hindi naman ba pasaway?" tanong naman ni Daddy kay Sir na ikinatawa ng ilan.
Napangiwi ako nang palihim. Si Daddy talaga...
He cleared his throat bago nagsalita. "She's smart, Mr. Dela Fuente. She's one of the best students in my class."
Parang gusto kong tumili sa kilig at magtatalon sa saya sa narinig. Ganoon ba ang tingin ni Sir sa 'kin? Tuluyan akong natunaw nang bigyan ako ni Sir ng tipid na ngiti at hindi ko na napigilan ang sariling mapangiti rin. Nalulunod ako sa mga nangyayari. I need some oxygen!
"Thank you. I'm glad to hear that," ani Dad kay Sir.
Ako naman ang binalingan ni Dad. "I'm proud of you, Sweetheart. Kailangan mo talagang mag-aral nang mabuti dahil ikaw ang susunod na hahawak nitong mga restaurants natin." Hindi ako sumagot at nginitian ko lang si Dad.
"Ikaw talaga, Henry. Bata pa naman si Hana. Hayaan mo rin mag-enjoy paminsan-minsan. Sa susunod naman ay subsob na sa trabaho 'yan. Napakaganda pa naman. Siguradong may mga nanliligaw na d'yan. Tama ba, inaanak?" tanong ni Ninang sa akin.
Nakaramdam ako ng pagka-ilang bigla sa ganoong usapin dahil alam kong naririnig ni Sir.
"W-wala po, Ninang. Wala pa po sa isip ko mag-boyfriend," nahihiya kong sagot. Dinampot ko ang baso ng tubig at uminom doon. Parang nanunuyot ang lalamunan ko, ah!
"Anong wala? marami po, Tita Carol. Kaya lang bigla rin umaayaw kasi nagiging dragon po si Ate, eh," singit ng magaling kong kapatid na ikinatawa ng lahat.
Gusto ko sana itong batukan kung hindi lang maraming tao kaya binigyan ko na lang ito nang matalim na tingin na may kasamang pagbabanta. Simple kong tiningnan ang direksyon ni Sir Lance pero seryoso lang itong nakatingin sa pinggan habang ngumunguya nang marahan.
"You two should hang out habang nandito pa kami sa Pinas. Ilang years na rin ang nakaraan no'ng huli kayong magkita," tukoy ni Ninong sa amin ni Alfred.
Ngumiti lang ako at tumango naman si Alfred. "We will," sagot nito.
Nang matapos kumain ang lahat ay patuloy pa rin ang kwentuhan hanggang sa ianunsiyo na nina Ninong at Ninang ang gaganapin na celebration.
"Everyone, We have something important to announce. We would like to invite all of you on my birthday party and not only that, dahil nalalapit na rin ang aming 20th Wedding Anniversary ng aking magandang maybahay. Kaya double celebration ito. I am expecting each and every one of you on that day." Ninong Adolfo announced.
Natuwa at nagpalakpakan ang lahat. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ang lahat. Nagpaalam na rin kami kina Ninong at Ninang dahil kailangan na rin nilang magpahinga dahil galing pa sila sa mahabang byahe.
Lumapit sina Sir kasama ang parents niya sa aming kinatatayuan nina Ninong at nagpaalam sila. Nagkatinginan kami ni Sir. I did not hesitate to give him a smile.
"Bye po, Sir. Ingat po kayo," paalam ko rito.
"See you tomorrow."
Nakasanayan na tuwing vacant time namin ni Jona ay dito kami sa malawak na garden nagpapalipas ng oras habang naghihintay sa next class namin. Minsan kasama din ang iba naming kaklase na sina Emma at Gail.
Kasalukuyan akong nagsusulat sa sticky notes ko nang bigla na lang may humablot doon. Mabilis kong nilingon ang taong humablot 'non at nakita ko si Marco.
"Marco, akin na 'yan!" malakas kong sabi rito at mabilis na tumayo.
Pilit kong inaabot mula sa kamay nito ang sticky notes ko pero sadyang matangkad ito masyado samantalang 5'3 lang ang height ko. Bigo akong maagaw iyon lalo na at pilit niya rin iyong nilalayo at mas tinataas pa.
"Ano bang sinusulat mo? Babasahin ko lang naman." Tumingala ito para tingnan ang papel habang ang kaliwang kamay niya naman ay pinipigilan ang mga kamay ko sa pag-abot doon.
"I should call you Google, because you have everything I'm looking for..." Mabilis niyang basa doon.
Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong nakaramdam ng pinaghalong inis at kaba dahil dito. Tiningnan niya 'ko na para bang may nagawa akong mali.
"Para kanino 'to?" biglang seryosong tanong nito.
Napalunok ako. "W-wala. Akin na nga 'yan." Pilit ko pa ring inaagaw iyon na muli rin nitong inilalayo sa 'kin.
"Ano nga 'to? Para kanino nga? Sinong sinusulatan mo?" Naging mas seryoso ang tono ng boses nito. Kung makatanong animo'y boyfriend ko na nagdududa.
"It's none of your business, Marco. Ibalik mo na sa 'kin iyan," mahinanong sabi ko sa kaniya.
Tumalim ang mata niya. "Sa akin ka lang, Hana. Walang ibang puwedeng manligaw sa'yo dahil uupakan ko ang magtatangka."
Napapikit ko nang mariin sa narinig. Here we go again. Lagi na lang siyang ganito. Mula first year napaka kulit at napaka pakialamero niya sa akin.
Sinubukan niyang manligaw noon pero tulad ng sinasabi ko sa ibang nanligaw sa 'kin, sinabi ko sa kaniya na wala pa akong balak pumasok sa isang relasyon.
Pumayag siya pero hindi ko alam bakit umaakto siya ng ganito sa tuwing nalalaman niyang may nanliligaw sa 'kin.
"Ano bang sinasabi mo? Please lang tigilan mo na 'yan, Marco." Mabilis akong tumingkayad at hinablot mula sa kamay nito ang papel.
Babalik na sana ako sa upuan ko nang mabawi iyon ngunit mabilis niya akong hinawakan sa mga balikat ko. Nakita ko ang nag-iigting na mga panga niya at mapanganib nitong mukha.
"Kahit anong sabihin mo, Hana. Ako lang at hindi ka puwedeng magpaligaw sa iba," matigas niyang sabi.
Napalunok ako sa nagbabagang mata niya. Ramdam ko rin ang higpit ng hawak niya sa magkabilang balikat ko.
"Hoy, Marco!" Napalingon ako sa parating na si Jona. "Ano na naman ginagawa mo? Ginugulo mo na naman ang kaibigan ko?"
Agad na tumakbo palapit sa akin si Jona at binitiwan naman ako ni Marco. Matalim na tumingin sila sa isa't-isa bago muling bumaling sa akin si Marco.
"Tandaan mo 'yon palagi, Hana." Huling wika nito bago tumalikod at lumakad palayo.
"Baliw!" Pahabol na sigaw ni Jona rito.
"Anong nangyari? Anong sinabi? Okay ka lang?"
Sunod-sunod na tanong ni Jona at sinuri pa ang katawan ko habang bakas ang pag-alala sa maamo niyang mukha. Nagpakawala ako ng hininga na parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan.
"Okay lang ako, Jona. Sanay na 'ko sa taong 'yon." Ayoko nang mag-alala pa siya.
"Bigla-bigla na naman sumusulpot 'yong baliw na 'yon. Akala ko nagsawa na mangulit. Hindi pa rin pala," naiiling na sabi nito.
Akala ko rin.