Katatapos lang ng quiz namin kay Sir Lance at nakakuha ako ng perfect score.
"Naninibago ako sa'yo, Hana. Iba talaga ang sipag mo ngayon, ah? Umamin ka nga sa 'kin. Anong sikreto, hmm?" pang-aasar ni Jona.
"Sira!" natatawa kong sagot.
"Ikaw na talaga, Hana girl!" kantyaw ni Gail.
Nginitian ko lang ito. Syempre hindi ako puwede mapahiya kay Sir kaya pinagpuyatan ko ang pagre-review.
"Ginagalingan masyado. Inspired siguro?" ani Emma na nakaupo sa likod ko at inginuso si Sir na nakaupo sa harapan.
"Uy, hindi 'no! Hindi ba pwedeng nag-review lang nang mabuti?" agad tanggi ko.
"Weh? Sus! Huwag ka na mag-deny d'yan!"
Napanguso ako. Ganoon ba 'ko ka-obvious?
"I would like to commend those who got high score especially, Miss Dela fuente. Keep up the good work."
Saglit akong tinapunan ng tingin ni Sir pero sobra ang bilis ng t***k ng puso ko sa ilang segundong atensyon na binigay niya sa 'kin.
Agad ding nitong binaling ang tingin sa buong klase. "And for those who got low score today, please double your effort next time."
"Pabida kasi!" bulong ng kung sino man sa bandang likod. Nang simple kong lingunin ay nakita ko si Vina na inirapan ako.
Somehow, naiintindihan ko siya. She used to be the top in our class at sa tuwing nauungusan siya ay naiinis siya.
But that was before, noong hindi ko pa nakilala si Sir Lance. Noong palaging bar at party lang ang nasa isip ko.
Pagsapit ng lunch ay pinauna ko na sina Jona sa canteen dahil dadaan pa ko sa faculty. Binilisan ko ang kilos dahil any time ay maaring may pumasok na Prof sa loob.
Nilapag ko ang isang sticky note at isang bar ng chocolate sa table ni Sir. Napangiti ko sa nabasa.
'Should I call you Google? because you have everything I'm looking for.'
Good afternoon, Sir! I am not sure if you like sweets but this is for you. Take care! Love lots.
Umalis na rin ako agad at dumiretso sa canteen. Kung iisipin parang lalaki ako na nanliligaw kay Sir. Ang tanong, may pag-asa ba 'ko?
"How's school, sweetie?" agad na tanong sa akin ni Mom pagpasok ko pa lang sa living room.
Nakaupo sila ni Dad sa mahabang sofa while watching movie. Kahit may edad na ay napaka-sweet pa rin nila. Lumapit ako sa kanila.
I kissed Mom's cheek and she hugged me tight. Ganoon rin kay Dad. I smiled. It feels so good to feel Mom and Dad's hugs and kisses. I still feel like a baby.
"Look what I've got!" sabi ko at inilabas mula sa bag ko ang quiz namin na na-perfect score ko.
Bihira ako magpakita noon ng score sa mga exam at quiz. Paano ko naman kasi ipapagmamalaki ang mga 75% na score ko noon.
Mom smiled widely habang si Dad ay agad umaliwalas ang mukha.
"Wow! Is that true? You are making us proud, Sweetie. Keep it up!" Mom said and gave me a hug.
Napangiti ako. May mabuting naidulot rin pala ang pagkakagusto ko kay Sir Lance. Napapasaya ko ang parents ko.
"I'm glad na sineseryoso mo na ang pag-aaral. My baby is really smart kapag nag-focus. Handang-handa na magpatakbo ng negosyo natin," Dad said proudly.
"Ikaw talaga. May 2 years pa siya para mag-aral," singit ni Mom.
"I know pero doon din naman ang punta niya, hindi ba?"
Napangiti lang ako sa kanilang dalawa.
"Are you hungry? Nagpaluto ako ng meryenda kay manang," tanong ni Mom.
"Yes mom. Where's harvey?" tanong ko nang mapansing wala ang mokong kong kapatid.
"Nasa kwarto na niya. Ayon at naglalaro na ng video games. Kailan kaya makakapag pakita ng mataas na score ang kapatid mong 'yon?" Naiiling na sabi ni Mom.
Natawa naman kami ni Dad. Pumapasok lang yata ang isang iyon para sa mga barkada niya at mga crush niya.
Nagsuot lang ako ng ankle cut jeans na tinernuhan ko ng may 2 inches strap sandals at white off-shoulder top.
Sa auditorium lang naman ginaganap ang mga seminar sa school.
Kanina pa ako nakakaramdam ng antok sa taong nagsasalita sa stage. Isa iyon sa mga guest speaker na naimbitahan ng school para sa Business Management seminar.
Narinig ko kanina na isa raw itong businesswoman na nagmamay-ari ng isang clothing line. Nagbabahagi siya ng mga tips at ikinuwento niya kung paano siya naging successful sa career niya na hindi ko naman masyado pinakinggan.
Lumilipad kasi ang isip ko at isa pa ay nakakaantok talaga. Kung hindi lang ito required ay hindi ako aattend ng mga seminar. Pwede naman ako magpaturo kina Mom and Dad paano mag-handle ng business namin.
Ngunit sa kabila ng nakaka-antok na boses niya dahil sa hinhin nitong magsalita na para kang hinehele ay kapansin-pansin pa rin ang kagandahan nitong taglay. Maging ang kaseksihan.
Nakasuot ito ng pulang formal dress na hanggang ibabaw lang ng tuhod. Hapit sa kanyang katawan na tinernuhan ng red stilleto.
Napaka-elegante tingnan pero nando'n pa rin ang pagiging hot dahil sa pula rin nitong lipstick. Kahit sino ay hahanga siguro dito.
Nang sa wakas ay natapos ito ay saka ko lang nalaman ang pangalan niya nang muli itong pasalamatan ng mga emcee. Miss Geneva Hortaleza.
Maya maya ay muling nagsalita ang mga emcee ng program at ganoon na lang ang pagbilis ng t***k ng puso ko at pagkawala ng antok ko nang ipakilala na ang next speaker.
Ang kanina pa tumatakbo sa isip ko at kanina ko pa hinihintay na si Sir Lance.
As always, napaka guwapo nitong tingnan sa suot na black trouser na tinernuhan ng dark blue long sleeves. Naka tucked-in at nakatupi ang sleeves hanggang siko.
Siguradong napaka bango rin nito na palagi kong naaamoy sa tuwing papasok ito sa classroom.
Mukhang hindi lang ako ang naghihintay kay Sir dahil maging ang halos lahat ng kababaehan sa loob ng auditorium ay tila mga bubuyog na nagbubulungan na may kasamang kagikhik at kilig.
"Oh my... Ang pogi talaga ni Sir!"
"Nakakakilig!"
Ilan sa mga narinig ko sa paligid. Tumaas ang sulok ng labi ko.
Ang dami ko naman kaagaw sa future boyfriend ko. Himutok ng isip ko.
Hindi ka nga makalapit. Boyfriend pa kaya? Ambisyosa! Kontra naman ng kabilang panig ng isip ko.
Napailing ako. Nababaliw na yata ako.
Kung kanina ay halos hindi naman ako nakinig sa mga naunang nagsalita sa stage ay iba naman ngayon.
Buong atensyon akong nakatingin lang at nakikinig nang magsimula na si Sir magsalita. Para naka-save na yata sa buong sistema ko ang baritonong boses na iyon. Malalim at nakakahalina. Kahit nga sa pagtulog ay naririnig ko pa rin ang boses nito.
"Friend, laway mo!" Mabilis kong kinapa ang gilid ng mga labi ko nang marinig ko ang bulong ni Jona na nasa tabi ko.
Wala naman akong nakapang basa roon kaya napasimangot at tiningnan ko nang masama ang tumatawa nang mahina na si Jona.
"Kanina ka pa kasi naka nganga riyan!" muli pang sabi nito na patuloy nagpipigil ng tawa.
"Oo nga baka malusaw si Sir sa'yo. Titig na titig ka, eh." Sabat naman ni Gail na nasa kabilang side ko.
"Hindi 'no! Nakikinig lang ako." Pagtanggi ko.
Sino ba naman hindi hahanga kay Sir? The way he move, the way he talk. Makikita mo ang pagiging matalino niya at kagalang-galang.
Maraming naituro at nabahaging knowledge si Sir tungkol sa mundo ng Business.
Nang matapos ang seminar ay kailangan magpa-picture ang bawat section na umattend kasama ng mga guest speaker.
Hindi ko mapigilan itago ang saya at excitement habang naghihintay ng turn namin. Sinilip ko ang sarili sa pocket mirror ko at nag-apply ng kaunting kulay peach na lipstick.
Agad kong hinila sina Jona para mauna kaming maka-akyat ng stage. Gusto kong makatabi si Sir sa picture.
"Kalma, students. Huwag mag-unahan!" wika sa Microphone ng emcee.
Tatabi na sana ako kay Sir nang biglang matulak ako ng mga kaklase ko sa likod kaya halos masubsob ako sa likuran niya kaya lumingon ito.
"S-Sorry po, Sir." Hindi ko alam kung naging ngiwi na ang ngiti ko dahil sa hiya.
"Are you okay? Be careful," tanong nito.
Tumango ako. "Y-Yes, Sir."
Kahit may naunang tumabi kay Sir ay tumayo pa rin ako sa tabi niya nang magbigay hudyat ang school photographer.
Hindi ko naman inasahan na uusog si Sir para bigyan ako ng space at igigiya akong lumapit kaya naman halos nakadikit na ang kalahati ng katawan ko sa kaniya at mas naamoy ko ang mabangong amoy niya.
Hindi ko tuloy napigilang ngumiti nang malawak sa harap ng nag-flash na camera.