Agad kong naramdaman ang pagkirot ng ulo ko nang magising ako. Napadaing ako at napahawak sa parteng iyon habang nananatiling nakapikit. Mula sa pagtagilid tumihaya ako at dahan-dahang nagmulat ng mata. Una kong nakita ang kisame saka nilibot ang tingin sa paligid. Mukha namang nasa room ako dahil parehas ng interior at kulay. Pero nagtaka ako na parang may kaunting pagkakaiba sa ayos. Napabalikwas ako at napaupo nang makita ang isang bulto na nakatayo sa 'di kalayuan. Nakasandal ito sa pader malapit sa CR at nakahalukipkip habang nakatingin sa akin. Pilit kong inaalala ang mga nangyari. Ang huli kong natatandaan nasa restaurant kami at umiinom. Bigla akong napatingin sa suot ko. Hindi na dress ang suot ko kun'di isang puting t-shirt. Iyon lang walang kahit anong panloob. Napakapit ako

