"Baks, anong nangyari? Bakit basang-basa ka? Umuulan ba?" Hindi ko sila napansin at diretso akong nagtungo sa banyo. Hinubad ko ang suot na dress at binuksan ang shower. Hinayaan kong sumabay sa pagbuhos ng tubig mula roon ang mga luhang nagsimulang bumagsak mula sa mga mata ko. Ang sabi ko noon hindi na ako iiyak pagdating dito sa Pilipinas pero nakakailang beses nang pumatak ang mga luhang ito. At dahil lang iyon sa tuwing makikita ko siya. Sa tuwing makikita ko silang dalawa. This is too much. Ayoko na ng ganito. Hindi p'wedeng palagi niya na lang ako masasaktan. Siguro oras na para magsimula akong kalimutan siya. Iyong totoo na. Siguro dapat tanggapin ko na wala na talaga kami. Na ibang babae na ang mahal niya, iba na ang nagpapasaya at kumukumpleto ng araw niya. Na hanggang doon

