Isang linggo na ang lumipas mula nang makabalik kami sa Manila. Si Ivy pinauwi ko na muna kahapon sa probinsya dahil ilang linggo na rin siya rito. Siguradong gusto niya na rin makita ang pamilya niya kahit hindi niya sinasabi sa 'kin. "Baks, kumain ka na. Nagluto na 'ko ng breakfast mo," sabi ni Brian nang pasukin niya ako sa silid ko. Dito siya natulog sa condo kagabi para samahan ako dahil nga wala si Ivy. Gising na 'ko pero nakapikit lang ako at parang wala akong ganang kumilos. Isang linggo na rin akong ganito kaya lagi akong late sa office. Ewan ko ba. Parang lahat ng pagod ko sa ilang linggong bakasyon dito sa Pilipinas naramdaman ko bigla. "Paano ako aalis niyan kung ganyan ka? Hays... Nag-aalala ako sa'yo. Ganiyan ka na naman katulad no'ng una kitang nakilala sa California," ma

