Chapter 56

1668 Words

"Saan ang susunod mong meeting? Ihatid na rin kita para hindi ka na mag-taxi papunta ro'n," tanong ni Alfred habang palabas kami ng conference room. "Sa office ni Mr. Crisostomo." "Sa office niya?" Huminto ako pagkalabas namin ng pinto at tiningnan ko siya. "Oo. Iyon ang sabi niya, eh. Bakit?" "Samahan kita?" "Huwag na. Ano namang gagawin mo do'n? Kailangan ko siyang kumbinsihin na bumalik sa kumpanya dahil naging malaking kawalan siya. Kung iyon ang hiling niya na ako ang pupunta sa office niya, pagbibigyan ko siya. Simpleng bagay lang naman iyon." "Ihahanap kita ng bagong secretary para may kasama ka lagi." "Sige, ikaw bahala." "Sir, tapos na po ang meeting." Wala sa loob na lumingon ako sa likuran namin at agad kumabog ang dibdib ko nang makita ang taong nakatayo sa 'di kalayua

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD