Ilang araw ko rin halos pinag-isipan bago ako tuluyang nagdesisyon na pumayag makipag-date kay Vinz. Idagdag pa ang pangungumbinsi ni Brian na subukan ko na ibaling sa ibang lalaki ang atensyon ko. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos o magpalit ng damit. Inalis ko na lang ang suot kong blazer at itinira ang sleeveless dress ko para hindi naman magmukhang may business meeting pa rin kami. Paglabas ko ng opisina naghihintay na ito sa lobby. Agad itong ngumiti nang malawak at lumapit nang makita ako. "Hindi pala lahat ng maganda nasa magazine at TV, iyong iba nasa opisina," anito habang manghang nakatitig sa akin. Napailing ako habang natatawa. "Corny mo." "Thank you. I'm so happy na pumayag ka na makipag-date sa 'kin. Let's go?" Hinawakan niya ako sa likuran ko habang palabas ng build

