Hindi ko alam kung anong nag-udyok kay Lance para mag-decide na iwan ang condo unit naming dalawa at kumuha siya ng isang penthouse. Pati iyong dati niyang condo iniwan niya at kinuha na ang mga gamit niya ro'n. Kung tutuusin condo at hotel ang negosyo ng pamilya niya pero 'yong hindi nila pagmamay-ari ang pinili niya. Ang sabi niya para walang access ang sinuman lalo na ang daddy niya. Nakakamangha ang karangyaan sa loob niyon. Pagkatapos niya akong ilibot inayos na rin namin ang mga dala naming personal na gamit. Nahinto ako sa pag-aayos ng mga damit ko sa cabinet nang kuhanin niya ang atensyon ko. "Babe..." Nilingon ko siya na kasalukuyang nakaupo sa kama. "Hmm? Bakit?" "Come here." Lumapit ako at naupo sa tabi niya. "Ano 'yan?" tukoy ko sa may katamtamang laki ng box na kasalukuy

