Iniisip ko kung paanong ang isang bagay na tinangi mo, inalagaan at minahal ng higit pa sa kung anong meron ka, ay biglang maglalaho. Walang pasabi. Walang ni kahit ano. Sa araw pa na nakatakda kaming magsumpaan ng habang buhay na pagmamahalaan. Sa araw na magkasama naming binuo, magkasamang hinintay, magkasamang pinangarap.
Pinunasan ko ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. May awang tiningnan ako ng pari.
“Hija, are we still going to continue waiting?”. He asked me.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. I looked at the whole church, it was also waiting for a particular person. Saksi sana ang simbahang ito ng aming pagsusumpaan.
I was once a woman who did not believe in love stories, especially fairytale ones. I know about them, I even read many of them, however, I was just too realistic, those things are fictional. Simula’t sapul alam kong hindi mangyayari ang ganoong kuwento sa totoong buhay. Plus, they are just plain stupid for me. Cinderella and her missing shoe? That was completely absurd.
Tinanong ko dati kay Mama kung bakit kay Cinderella lang nagkasya ang sapatos, wala na ba siyang ibang kasize sa buong palasyo na yon?
“Anak, bakit ba ang dami mong tanong? Iyon ang gusto ng nagsulat e. Tsaka paano magiging happily ever after kung may mahahanap na iba si Prince Charming?”.
That was what Mama said. Pagkatapos ng kuwento, iniwan niya na ako kasi daw kailangan ko ng matulog. Hindi niya alam na sa buong gabing iyon, iniisip ko kung ano ba ang size ng sapatos ni Cinderella at sa kanya lang talaga nagkasya.
Tapos may isa pang princess na kumagat lang ng mansanas, natulog na ng nakapatagal. Need lang pala ng kiss para gumising. O iyong palaka na naging prinsipe dahil hinalikan din.
Noong kinder ako hindi ko mamemorize yung alpabeto pag recitation, hinalikan ko yung katabi ko kasi baka mamemorize ko na after, wala naman nangyari. Pinagalitan pa ako ni Mama, kasi bakit daw ako lumalaking malaswa.
Ang f****d up lang na pinapaniwala tayo na may happily ever after. Sure ba sila na after pinakasalan ni Cinderella si Prince Charming, naging masaya talaga sila? Paano kung may nakitang ibang guy si Cinderella? Hindi prinsipe, baka iyong kapitbahay nila dati na matagal na siyang tinitingnan at inaabangan pero hindi lang pansin ni Cinderella kasi busy siya sa utos ng step mother at step sisters niya. Ang masaklap, hindi man lang nasali iyong kapitbahay sa story ni Cinderella.
PERO PUTANGINA LANG.
Everything changed when I met him.
Lahat ng paniniwala ko at mga naiimagine kong scenarios na, oo masakit, pero alam kong posible ay tinapon ko lahat sa basurahan, doon pa sa nabubulok kasi akala ko forever na siyang mababaon sa lupa.
PUTANGINA TALAGA.
Timothy James Laroza Silverio. That was his name. If you’ll look at my notebooks when I was in college, especially sa back part, iyan lang ang makikita, syempre pati pangalan ko kasi lagi kong ginagawa iyong FLAMES at LOVERS. Siya talaga iyong laman ng puso at utak ko bawat paggising ko sa umaga at pagtulog sa gabi. In short, crush ko siya.
Ang tindi lang, kasi siya iyong first crush ko. Iyong hinalikan ko noong kinder hindi ko naman crush yon. Wala din akong nagustuhan noong elementary at high school. Ang aasim pa kasi ng mga classmates ko noon.
Pero yon, first year college when I first saw him in the canteen. Freshman kami pareho but he belongs to a different course and section. Kasama niya noon iyong mga ungas na akala mo gwapo pero mukha namang ewan. Siya lang iyong may hitsura sa group niya kaya siya lang din ang tiningnan ko buong break time.
Tawa siya ng tawa noon tapos ako napapangiti din kahit di ko alam kung bakit.
Unang araw pa lang ng school year, lumandi na ako. Wala e, lumaki nga kasing malaswa sabi ni Mama.
Umabot ng second year yung crush era ko kay Timothy because after that year, we became a couple.
PUTANGINA SANA ALL DIBA?
That was one of my happiest moments. Ang perfect lang kasi isipin that while I was crushing on him, while I was looking at him completely mesmerized by his laughter, he was also looking at me, telling himself how pretty I was in my uniform and braided hair. I spent my time in class writing his name at the back of my notebook and he was also doing the same in his own class.
So when he knew I liked him, he did not waste any time. He courted me immediately.
When I knew he liked me too, he courted me and I did not waste any time, I immediately said yes,
And months ago, I also said yes, but not because I want to be his girlfriend, I actually want to change that title. I said yes because I wanted to be his wife.
Simula ng maging kami, I have thought about our happily ever after maybe a thousand times. When I look at him in the morning, just after I wake up, I will trace his face with my fingers. Then I’ll close my eyes imagining how he would look with wrinkles around. How his hair would feel in my hands when it’s already white. How his eyes would open in the sight of me but it was too blurry because of how old he was.
Alam kong sa dulo, pareho kaming mawawala sa mundo, pero hindi lang minsan kong pinangarap na kapag nangyari iyon, alam naming mahal namin ang isa’t-isa at kung sino mang mauna ay susundan ng isa. Hihintayin niya ako o hihintayin ko siya, kahit ano, basta sabay kaming dalawa.
Mas lalong tumindi ang pagnanais kong mabuhay kasama siya nang alukin niya akong magpakasal.
“Mahal, magpakasal na tayo”.
He whispered while we were in the bed, regaining our energy from honest to goodness love making.
Tiningnan ko siya. I probably looked so shocked kaya siya natawa. I thought he was joking when he laughed so I slapped him in the face.
Ayoko kasi ng ganon. Sa utak ko kasi ilang beses na kaming ikinasal, may anak na nga, tapos gagawin niyang joke?
“Totoo. I am not joking. Planuhin na natin. mahal. Ready na iyong bulsa ko”.
Para akong timang na nakangiti lang habang nakatingin sa kanya. Ready na iyong bulsa niya? Ako ready na iyong buong buhay at kaluluwa ko, isama mo pa iyong bahay bata.
I was so ready to marry him, I was just waiting for him to ask me and when he did I felt euphoric. I was on cloud nine. Parang orgasm kahit hindi kami nagsex ulit.
“Nasaan iyong singsing ko?”. Tanong ko habang nakalahad iyong kamay ko.
Napakamot siya sa ulo niya. “Wala pa, mahal. Nakabili na ako pero hindi pa nadeliver”.
“Hala bakit ngayon ka nagpropose wala pa palang singsing. Excited much?”.
Bigla niya akong dinaganan kaya ako napatili sa gulat. “Oo, soon to be Mrs. Silverio. I was so excited to ask you. I know you were waiting for this for a long time, I am too. Promise, pag dating ng singsing, isusuot ko kaagad sa iyo”. He was about to kiss me.
“Hep!”. I stopped him from kissing me. “Hindi pa ako nag-yes”. Tukso ko.
“Ha? Hindi pa ba? E sobra ka makangiti kanina sabi ng ngipin mo sa akin “YES NA YES””.
Tuluyan na akong natawa sa biro niya. Just like what he did a while ago, I leaned closer to him and whispered the three letter word.
Sa totoo lang, hindi naman importante ang singsing para sa akin. I actually prefer a simple one, not those rings with heavy stones attached to it. Okay na okay na ako sa ganoon. For me, with or without a ring, if you truly love the person, the proposal would still be perfect.
After that we made love again, but now it was more passionate since we know that we’ll be spending our life together for a long time, happily ever after.
However, like any fairytale stories, laging may villain, laging may conflict.
My parents never liked Timothy.
Cliche? Yes it is. Pero ang hirap pala talaga ng ganoong sitwasyon. I was forced to choose and sacrifice something.
Clearly, it was Tim who I chose. I left our house after I graduated college. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit ayaw na ayaw nila sa boyfriend ko kahit wala naman siyang ginagawang masama. Malinis ang record ni Timothy, halos ipakita ko pati NBI clearance niya sa mga magulang ko para makumbinsing hindi siya gumawa ng katarantaduhan.
They believe that Timothy is bad news waiting to happen. I asked them why, they told me they can just feel it. That time, for me, it was the weirdest.
“Ma, bakit naman ayaw niyo sa boyfriend ko? Malinis naman iyon. Walang bahid ng kagaguhan. Hindi nga iyon nagbibisyo e”. Naiiyak kong tanong.
“Oo wala, sa ngayon pero paano bukas? Ayaw ka lang naming masaktan anak. The moment that guy hurt you, and we’ll see you cry your eyes out, that will be more painful for us”.
Judgemental. Oo ganoon sila. Paano nila nasasabing sasaktan ako ng tao e hindi naman nila binigyan ng chance na makilala?
Dati I thought that was just their reason para hindi ako malayo sa kanila. They value me like a precious gem since I am the youngest. Hindi nga ako pinapahawak dati ng walis kasi baka daw mapagod ako, matuyuan ng pawis tapos magkapneumonia. They were after my welfare all the time cause I am the bunso and I also used to be sickly.
Ako ang favorite sabi nina kuya at ate. Pero favorite ba iyong hindi pinapayagang magboyfriend?
Kaya kahit nagmukha akong walang utang na loob, at totoo naman dahil pinag-aral nila ako, pinakain at binihisan, lumayas ako sa bahay. I rented an apartment, I lived alone and for years, I did not communicate with the family I left, a sacrifice that I have to make kasi naniwala akong si Timothy lang sapat na para maging masaya ako.
Ilang buwan akong umiiyak mag-isa sa kuwarto kasi nagugutom na ako e hindi naman ako marunong magluto ng mag-isa tapos namimiss ko pa iyong luto ni Mama na ginataan. Namimiss ko iyong ingay ng t.v. pag umaga kapag nanonood ng basketball si Papa tapos minumura niya iyong kalaban ng favorite niyang team. Namimiss ko iyong aawayin ako ni Ate Diane kasi bakit daw hindi ko inaayos iyong kuwarto naming dalawa o iyong pagkanta ni Kuya Dawn sa banyo kahit na ang pangit ng boses niya.
I was forced to become independent. Nasurvive ko naman. Nakahanap ako ng matinong trabaho. Malayo sa course na kinuha ko. I was forced to enter the real estate field. Nakakasurvive ako araw-araw kasama ang boyfriend ko. Our salaries were more than enough for us. But at the end of the day, there’s still a hole in my heart. Parang puzzle iyong buhay ko tapos may kulang na isang piece. Hinahanap ko iyong pamilya na kahit makita ko man sa pamilya ni Tim ay hindi pa rin sapat para mapunan iyong space na iniwan ng sarili kong magulang at kapatid.
PUTANGINA KUNG ALAM KO LANG.
Ito yung time na mapapaisip ka kung bakit pumili ka ng isang desisyon na pangit naman pala iyong kalalabasan.
Madaming nagbago sa buhay ko mula nang makilala ko siya. I thought all of those changes will lead to something beautiful. Thought lang kasi di naman nagkatotoo. Wala namang something beautiful sa huli.
PUTANGINA NANG-IWAN KASI.
“Lor, wala e. Hindi sumasagot sa tawag, nakaoff na yata iyong phone. Tinanong ko naman sa mga kaibigan niya wala din daw”.
Tuluyan na akong napaupo. Una, kanina pa ngawit ang paa ko. Pangalawa, kapag hindi pa ako umupo baka maitapon ko lahat ng gamit dito sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
“Hija, I am really sorry for this. I never thought Tim would do this to you. Mahal na mahal ka ng anak ko Lor. I think he has a valid reason why he did not show up”. Pag-alo ng Mama ni Tim sa akin.
Iniisip ko kung anong putanginang reason iyon. Ang utak ko lumilipad sa kung saan saan. Baka naaksidente siya, baka hindi niya alam yung simbahan kung saan kami ikakasal, baka inabutan ng lbm sa daan tapos naghanap muna ng comfort room o baka naman nagutom tapos nagdrive thru muna sa jollibee.
PUTANGINA HINDI KO ALAM.
Before this day, we were so excited and we were looking forward to our wedding. Kahapon nakaisa pa sa akin ang walanghiya. He opted to be with me than to celebrate his bachelor’s party. Kinilig pa ako kasi tangina imbes na makasilip ng babae for the last time, pinili niya akong makasama. So ako, binigyan ko siya ng pre honeymoon performance kasi natuwa talaga ako.
But where is he now?
Ganoon na lang ba?
Wala bang sisigaw ng it’s a prank? Tapos after ko umiyak kasi akala ko totoong iniwan niya ako, ikakasal na talaga kami?
Because f*****g hell, I just want to be married right now, to the man I love the most. I just want a happily ever after with him.
PUTANGINA.