A Place Unknown
Kung may pakialam lang ako baka nahiya na ako sa mga tingin ng pasahero sa bus na sinasakyan ko pero wala naman akong pakialam kaya bahala silang mag-isip ng scenario sa mga utak nila. Siguro iniisip nila tumakas ako sa mental o kaya ay iniwan ng jowa sa altar kaya hanggang ngayon naka-wedding dress pa ako at may magulong makeup. Tama sila doon sa pangalawang iniisip nila kasi ganoon na ganoon ang nangyari sa akin.
At ngayon, hahanapin ko si Tim kahit saan man na lupalop siya naroon. Ang problema lang, nang makaupo na ako sa bus ay napaisip ako kung anong klaseng lugar ang madadatnan ko. Hindi ko nga alam kung dadatnan ko iyong Barrio Isadora kasi hindi ko naman alam kung nasaan iyon.
Itatanong ko na lang. Bahala na, shuta.
“Miss pwede pausog?”.
Napatingin ako kay manong na may dala dalang kung ano, bago ako umusog sa bandang may bintana. Nang makaupo siya, napansin kong sanggol pala iyong dala dala niya.
Hindi na ako nag-abala na tingnan pa sila ulit, kasi nararamdaman ko na naman ang sakit. Dapat sana ngayon ay nasa honeymoon na kami. Suot ko na sana yung lingerie na inorder ko pa sa Lazada. Pang finals night na sana ang performance ko ngayon sa asawa ko, pero wala. Walang finals night at wala ding asawa. Ang saklap lang.
Isinandal ko ang ulo ko sa bintana habang pinagmamasdan iyong mga pasahero na pasakay na sa bus. Gabing-gabi na nga madami pa ring tao. Ilan kaya sa mga kasama ko ngayon dito ang nakakaramdam din ng sakit na kagaya ng akin? Sino kaya sa kanila iyong naghahanap din ng jowa sa ibang lugar? Ilan ba sa amin dito iyong hindi na virgin? O iyong virgin pa pero gusto na magkaroon ng sexlife?
Nagsimula ng umandar iyong bus. Iyong utak ko nagsimula na namang maglakbay sa panahong magboyfriend pa kami ni Timothy. Nasusuka kasi iyon kapag nasa bus o jeep, ewan ko ba, parang may allergy sa pampublikong sasakyan. Kaya iyon, lagi akong may dalang maxx na candy at plastic bag para kapag nasuka siya hindi siya magkalat. Tapos ang gagawin ko, yayakapin ko siya at ilalagay niya iyong ulo niya sa leeg ko at doon siya makakatulog.
Naiyak na naman ako, putang ina lang.
Ang saya saya kasi namin noon kahit na alam kong hilong-hilo na siya. Pagtatawanan ko pa siya kasi ang weakshit niya, eh ako kahit magbus papunta sa Pluto, hindi ako tatablan ng hilo.
Putang Ina ka Timothy. Putang Ina talaga.
Kung ganitong sakit lang pala ang ipaparanas niya, sana hindi niya na ako pinasaya noon. Ngayon kasi kahit na sobrang galit at sakit ng nararamdaman ko, hindi ko maiwasang sariwain ang lahat ng masasayang pinagsamahan namin.
Ilang taon kaming magkasama, anim na taon. Sa anim na taon na iyon, lahat ng bagay na ginagawa ko, involved siya. Bumuo kami ng mundo na kami lang dalawa. Ako at siya. Siya tapos ako. Walang Lor kung walang Timothy. Walang Timothy kung walang Lor. Ngayon feeling ko, ako na lang. Si Lor na lang.
Ang mahirap pa, umalis siya, nang-iwan ng wala man lang pasabi. Para akong pinaglalaruan, parang pinaikot-ikot ganon.
Di pa ba siya ready? Okay lang naman sa akin na maghintay ng ilan pang araw, linggo, buwan o taon.
May iba na ba? Ito iyong hindi okay. Kung heto man ang rason niya, bwaka ng ina, guguluhin ko talaga buhay niya.
There’s lots of possible reasons kung bakit hindi siya tumuloy sa kasal. Kaya ako bibiyahe papunta sa Barrio na iyon ngayon para malaman ko kung alin ba talaga. Tapos babayagan ko din siya kasi pakyu siyang animal siya.
“Miss okay ka lang ba? Nasasaktan na kasi yung braso ko. Kanina mo pa pinipisil e”.
Bumalik ako sa realidad nang magsalita si Manong na may baby. Napatingin ako sa kamay ko na pisil pisil iyong braso niya. Nakasimangot na siya.
“Ayy sorry Manong”. Saka ko binitawan iyong braso niya. Sa sobrang gigil ko, hindi ko namalayan na nahawakan ko na siya.
“Ayos lang. Hija, galing ka ba sa JS Prom ba iyon? Ganyan kasi iyong ayos ng mga babae kapag ganon. Pero bakit nagkaganyan iyang mukha mo? Hindi ka ba sinipot ng date mo?”.
Ang daming tanong ni Manong, para siyang si Boy Abunda. Nasa talk show ba ako? Hindi ko na lang siya sinagot. Pero napadako ang tingin ko sa baby na hawak niya. Napansin niya siguro iyon kaya siya ngumiti sa akin.
“Anak ko. Uuwi na kami ng probinsya”. Sumagot siya kahit wala naman akong tinatanong.
“Nasan ho iyong nanay?”. Hindi ko maiwasang mag tanong. Mukha naman kasing wala siyang kasama bukod sa baby niya. Ewan ko, ang alam ko kasing laging kasama ng anak ay ina. Parang matic na sa utak natin na pag may nakitang sanggol o bata, kaagad tatanungin iyong nanay.
Lumungkot iyong mukha ni Manong. Magkasingmukha na lang kami ngayon. Sabagay, kahit kaninang nakangiti siya, bakas iyong kalungkutan niya sa mga mata. I realized you can never really hide your sadness because the eyes are the window to our soul, it shows what we feel inside.
“Wala iniwan kami. Nakakita ng mayaman dito sa Maynila”.
Mas lalo akong nalungkot. Tinanong ko kanina kung sino sa mga pasahero ang nararamdaman din ang nararamdaman ko, I guess, one of those is this guy beside me.
“Ginusto niyang manirahan dito sa siyudad kahit na ayaw ko. Pero dahil mahal ko siya, pumayag ako. Ang hirap nga ng buhay dito. Tapos iyon nagkababy kami”. Tiningnan niya ang bata habang nakangiti ng mapait.
“Masaya naman. Ang nasa isip ko, kahit na mahirap, basta buo iyong pamilya ko, pagsisikapan ko. Pero habang halos mamatay na pala ako sa hirap sa trabaho, may iba naman pala siyang tinatrabaho”.
“Noong malaman ko at nang iwan niya kami, hindi man ako nagalit, naawa ako, naawa ako dito sa anak ko kasi bata pa ito, kailangan pa ng Nanay. Pinili ko na lang bumalik sa probinsya, maalagaan man lang ni Nanang ko habang ako, nagtatrabaho”.
Napaisip ako. Bakit ang dali lang mang-iwan no? Sana may warning muna bago mo makilala iyong isang tao. Iyong may warning na ‘heto, iiwan ka nito after six years, wag ka mag-invest ng feelings diyan’.
“Mahal niyo pa?”. Tanong ko.
Kasi kung ako tatanungin, oo. Shuta kanina lang naman nangyari ang lahat, pero sana madaling kumalimot ng feeling sa isang tao, gaya ng gaano kadali kanilang iwan.
Natawa si Manong. “Syempre mahal. Ilang taon din kaming nagsama. Hindi ganun ganun lang mawawala iyong nararamdaman mo sa isang tao. Iyon nga ang mahirap e, mahal mo pa pero hindi mo sigurado kung mahal ka pa”.
“Ayaw mo balikan?”.
Natawa ulit siya. “Hindi na siguro. Masyado ng masakit. Isipin mo, kinagat ka ng aso, masakit diba?”. Tumango ako. “Tapos lalapitan mo pa ba iyong asong nangagat sayo? Hindi ka tatakbo?”.
“Syempre tatakbo. Ayoko makagat ulit ‘no”.
“Parang ganoon, ayoko ng makagat ulit kahit na gustong-gusto ko pa iyong aso. Kasi kapag nakagat pa ako, tanga na tawag doon”.
Natawa kami pareho. Natawa ako kasi narealize ko, nicompare niya yung ex wife niya sa aso. Si Timothy kaya saan ko icocompare?
Nagkakuwentuhan pa kami ni Manong hanggang sa makatulog kami pati na rin iyong baby niya. Ilang beses din itong umiyak. I felt sympathy towards the man, hindi niya kasi alam paano patahanin ang anak niya.
“Hinahanap siguro iyong Nanay, nasanay na kasi na kasama”. Malungkot niyang sabi.
Hanggang sa makarating si Manong sa dapat niyang puntahan ay nag-uusap lang kami. He got me with his wise words. After niyang maging Boy Abunda, naging Charo Santos naman siya kasi kinuwento niya na iyong buhay niya. MMK lang ang peg. Balak ko nga sana hulaan kung anong title. Pero nakinig lang ako, minsan kasi kailangan lang talaga natin na may makinig, then eventually we’ll feel okay.
I hope he’ll feel okay. I hope I’ll be okay.
Ilang pasahero pa ang nakatabi ko pagkatapos umalis ni Manong. Ramdam ko iyong pagtitig nila sa akin kasi nga naman mukha na akong ghost bride. Hindi ko na inabala ang sarili ko na pansinin sila.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako bababa at kung saan ba ako papunta. Naitanong ko kanina sa mga nakatabi ko kung alam nila kung nasaan iyong Barrio Isadora, hindi daw nila alam. Feeling ko tuloy iyong pinuntahan ni Tim ay portal sa kabilang dimensyon.
Bumaba na lang ako nang sabihin ng konduktor na iyon na ang last na bababaan. Kung di pa daw ako bababa ng bus baka daw maibalik na ako ng Maynila.
Umaga na nga. Hindi pa ako kumakain ng kahit ano mula kahapon. Tangina talaga, sana kinain ko na muna iyong handa sa reception.
“Ate, alam niyo ba kung nasaan iyong Barrio Isadora?”.
Umiling si Ate na pinagtanungan ko. Tapos mukha pa siyang nainis kasi dapat isusubo niya na iyong turon niya kaya lang nagtanong ako.
Ilang tao pa ang pinagtanungan ko pagkatapos pero hindi din daw nila alam.
Kapag ba heartbroken nagiging impulsive talaga? Kasi naisip ko na ang tanga nga talaga na maghanap ng tao sa isang lugar na hindi mo naman alam.
Pero syempre hindi tayo papabayaan ni Papa Lord dahil nang magtanong ako sa isang tricycle driver alam niya daw kung nasaan iyon. Muntik ko na siyang mayakap sa tuwa.
“Medyo malayo nga lang dito iyon hija, Kung isasakay kita, mataas ang isisingil ko”. Sabi niya habang panaka nakang tumitingin sa suot ko. Mukhang hindi siya tiwalang may maibabayad ako sa kanya. Sabagay, mukha na akong dugyot ngayon.
“Naku, wala hong problema, basta ihatid niyo lang ho ako doon”. Sabi ko ng may pagmamakaawa. May pera naman ako, dala-dala ko iyong wallet ni Lex. Mayaman iyon kaya siguradong may maipambabayad ako.
Hindi ko naman alam na iyong dadaanan pala ay parang pinagsamang roller coaster ride at bump cars. Tangina, dito ba talaga pumunta si Tim?
Ilang oras ang biyahe namin papuntang Mars-este Barrio Isadora. Nagkandauntog pa ako sa tricycle ni Kuya. Halos hindi ko alam kung saan ako hahawak.
“Heto na yon Neng”. Anunsyo ni Kuya pagkatapos ng isang dekadang biyahe. Ang tagal naman kasi. Parang ilang oras ang ginugol namin sa daan na baku bako na nga, mabuhangin pa.
“Ito na iyong Barrio Isadora?”. Tanong ko sa kanya. Tumango lang naman siya, mukha na siyang pagod na pagod, sabagay sino nga namang hindi mapapagod sa ganoong biyahe.
“Magkano kuya?”.
“800”.
Confident kong kinuha ang wallet ni Lex only to see na puro cards ang laman nito. Pag nga naman tinamaan ng malas. Mabuti na lang ay may cash siya na 1000 kundi baka tinaga na ako ni Kuya.
I looked around the Barrio. Literal na baryo talaga ito kasi puro kubo lang ang nakikita kong mga bahay. Tapos may mga malalawak na palayan at maraming maraming puno. Konti lang din ang mga dumadaang sasakyan, actually, mukhang wala nga. Itong tricycle lang ni Kuya ang tanging de motor na sasakyan, mga kalabaw kasi ang makikita sa daan at may mangilan ngilan kabayo din. Everyone seems to be busy with their life. Wala man lang nagtangkang tumingin sa akin. Hindi katulad kanina sa lungsod na para bang nakakita sila ng aparisyon.
The scenery is majestic here, I have to say. Everything is green, very different from what I used to see in the Metro na puro buildings at skyscrapers. Nafeel ko din na luminis iyong lungs ko kasi siguro iyong oxygen dito ay purong natural, walang halong kemikal.
Pero hindi naman ako pumunta dito para mag sightseeing. I need to find Timothy asap.
Nagsimula akong maglakad lakad at magtanong tanong. I found a picture on Lex’s phone. Picture naming tatlo nina Tim. I decided to approach a man that was sitting on a wooden bench that was attached to a tree. Nagkakape ito habang may kausap din na isang lalaki.
“Hello po”. Magkasabay silang tumingin sa akin at magkasabay din kumunot ang mga noo nila. Okay, maybe they find me weird but who f*****g cares?
“Ano iyon hija?”. May pag-aalangan tanong ni Manong na nagkakape.
Kaagad kong ipinakita ang litrato ni Tim. “Itatanong ko lang ho sana kung nakita niyo itong tao na ito dito?”.
Umiling si Manong tapos ay umiling din iyong katabi niya. Bumagsak ang mga balikat ko. Ilang tao pa ang pinagtanungan ko, nandiyan na si Ate na nagtitinda ng isda at gulay, si kuya na may dala dalang kambing pati iyong bata na nag iigib sa poso, pero pare pareho lang ang naging tugon nila, wala daw silang nakitang Timothy.
Before I came here I already knew that I will have a tough journey ahead of me. But now that there seems to be no chance for me to see Timothy, parang unti unti akong nawalan ng pag-asa at nakaramdam ng pagod.
I started asking myself why I ended up experiencing this kind of struggle. Ang gusto ko lang naman ay ikasal sa taong mahal ko pero bakit biglang nagkaganito? I remember waking up yesterday feeling like I am the prettiest and luckiest woman on Earth cause finally I will be marrying my first love and the only man I loved. Nagpasalamat pa ako kay Lord kasi hindi ko lubos isipin na mararanasan ko yung ganoong klase ng saya.
But now, everything has shifted. Parang bola na umikot ng 360 degrees ang buhay ko. Suddenly, I am feeling not so pretty and I am feeling so unlucky. I am thinking that I am the most devastated person this early morning in a place that I don’t even know.
Unti-unti akong nanghina. I haven’t had a nice dinner and sleep. I look like I came from a zombie movie. My heart is broken and I have this uncertainty about my future thinking how can I live and how will I bring everything back to normal when the person I’ve given my heart to ditched me in our wedding and now seems to be missing.
But I continued walking and asking people if they know Timothy. Nandito na ako e, kumbaga, it’s now or never. Kahit gaano pa kamiserable ang buhay ko ngayon, kailangan kong tapusin iyong sinimulan ko. Though I can already feel my body getting tired, I still continued my journey.
However, as I was wandering, I caught a glimpse of Timothy. Halos lumuwa pa ang mata ko when I realized that it was my fiance who I saw. I got to see his side profile then his back. Putangina alam ko siya iyon kahit na ilang kilometro pa ang layo niya. I know that’s my fiance because we’ve been together for many years and I made love to that man several times and even his smallest moles, I know. So I am sure that’s him.
Fuck! He’s really here.
I started running towards him. I was also calling his name pero hindi siya lumilingon. He was getting farther and farther but I kept on chasing him. I already found him. He can't run away from me now.
But I was stopped from running when a horse went on my way. Napaupo pa ako sa lupa dahil sa gulat. I don’t know if it's because of exhaustion and hunger but I just felt my world spinning. I slowly closed my eyes and the last thing I saw is a face of a man. But in my mind, there was still Timothy and the questions that only he can answer.